Chapter 8

5 0 7
                                    

Dumating na si Kamilah, kasama pa si Khairo.

Nagulat pa kaming dalawa ni Xavi sa biglaang pagsulpot nila.
Kasunod pa si Gyuu, kaibigan naman ni Khairo.

"Wow! Ang saya pala dito, daming pagkain." sabi niya pa at umupo. Hindi ko sila kaclose kaya nanahimik nalang din ako.

I looked at Xavi na tahimik din, pasulyap-sulyap kay Gyuu.
Anong meron?

Dismissal time ay nagpunta kami sa library, to read books about our topic para sa reporting.
I'm with Xavi and Gyuu.
May isa pa daw kaming kagrupo na babae, dinagdag ng prof. Siya ang hinihintay namin ngayon.

Katahimikan ang bumabalot sa lamesa namin ngayon.
Bakit ba hindi sila nag-uusap? Nakakahiya to.

A familiar girl went near our table.
"Ako ba yung kagrupo niyo? Ay! Kayo ba yung kagrupo ko? Ay, oo ata." bigla niyang sinabi at umupo.

I tried so hard not to laugh, para kasing gulong-gulo na siya sa buhay. Tumawa rin yung dalawang guys.

"Diba ikaw yung babae sa salon?" biglang tanong ni Xavi sakanya.
Oo nga! Yung natapilok!
Siya yun, kaya pala familiar.

"Kailan ako nagsalon? Ah, yung naligaw ako. Hehe, oo ako yun." ngumiti siya.

Kahit medyo lutang and mangmang siya, I like her! She's so kalog!

Ang pagbabasa at pag-aaral namin ay hindi naging boring, thanks to her.

After 2 hours, kailangan na nilang umuwi ni Gyuu, so kami na ang tumapos ni Xavi.

We stayed there for another hour pa.

Paglabas namin ng library, malamig na. It's already 8 pm.

I looked at the sky and saw nothing.
"Wala bang stars dito?" tanong ko kay Xavi na nasa likod ko lang at nakatingin din sa taas.

"Hmm..Hindi ganun karami kagaya sa ibang lugar. Gusto ko nga eh, magandang titigan sa gabi diba?" sabi niya.
I nodded and smiled at him.

"Mahilig ka sa stars?" tanong niya.
"Oo naman, maganda silang titigan. Kaso, pagdating nang umaga, nawawala rin." sagot ko.

"Pero bumabalik naman sa gabi diba? Hindi naman yan mawawala, hindi lang kita sa umaga kasi may araw, pero andyan lang yan. Parang mga mahal mo sa buhay na nawala, hindi mo na sila kita, pero binabantayan ka pa rin nila." he said and smiled.

I wanted to cry because of his words. It comforted me a lot, feeling ko may kasama na ako.
Naalala ko tuloy ang mommy ko, ganun din ang sinabi niya sakin bago ako pumunta dito.

"I know." sagot ko at ngumiti, I looked at the trees surrounding our university, trying to distract myself.

Lumapit si Xavi sakin at inakbayan ako kaya dire-diretsong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit mas lalo lang akong naiiyak tuwing may nagcocomfort sakin.

"Gusto mo talaga ng star? Ako nalang! I can be your own star, hanggang walang nalabas na bituin dyan sa sky na yan, ako muna. Kaya wag ka na malungkot." sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"Thanks, Xavi." sagot ko at ngumiti.

"May pagkain ka ba sa condo mo? Kasi ako, wala. Kaya kakain tayo ng dinner!" he tried to cheer me up.
I smiled and nodded.

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon