Matapos ang walang katapusang pasasalamat ng matanda dahil sa biyayang natanggap niya ngayong araw. Sa wakas ay nakalabas na ako sa kwarto. Nakita ko namang nakasandal sa isang pader si Rohan. Nang makita niya ako ay agaran siyang tumayo at lumapit saakin.Ngumiti siya saakin, "Are you okay now, Rowena?"
He asked me while covering my body with another jacket. The gentleness in his voice sounds like a lullaby to me that made me to unconsciously nod my head.
"I wanna show you something, let's go?"
Naglakad na kami patungo sa elevator. Huminto ito sa pinakamataas na floor kaya lumabas na kami at nang libutin ko ang aking paningin, hindi ko maiwasang mabigla sa aking nakita. The whole floor were filled with patients who are all smiling and waving upon the sight of us or to Rohan to be exact.
Marami ring mga doktor at nurses na nakapaligid habang matiyaga nilang chinecheck ang mga kalagayan ng bawal pasyente. Hindi rin ito tulad ng mga ibang ospital kung saan dikit dikit ang mga kama at pinapabayaan ang mga nangagailangan ng tulong.
Ang bawat sulok ng floor na ito ay napakalinis na wala man lang makikitang ni isang kalat. The whole atmosphere and demeanor of the people inside totally bewildered me.
Inakay naman ako ni Rohan patungo sa mga pasyenteng kanina pa kinukumusta ang lalaking ngumingiti rin sa kanila. Rohan is totally different right now, he seems like a normal person. Kaysa sa itsura niya kapag naka suit at lawyer na lawyer ang dating.
I stayed silent and let him dragged me to the crowd of smiling people.
Una naming linapitan ang isang matandang lalaki na kahit ay nanghihina at hindi makatayo, masigla niya parin kaming binati ng ngiti. Parang ang saya saya niya kahit kritikal ang kanyang kalagayan.
"Rohan, Iho, ito na ba ang girlfriend mo? Aba'y kay ganda naman!" Masayang sambit nito at natawa rin ang matandang babae na mukhang asawa rin nito.
"Bagay na bagay kayong dalawa!" Sang-ayon rin ng asawa nito.
Nanginig at nanigas naman ako nang marinig ang sinabi nila. That impossible thought never ever crossed my mind at all.
Hilaw namang natawa ang lalaking nasa tabi ko pagkatapos ay pinaupo niya ako sa isang upuan habang nanatili siyang nakatayo sa tabi ko.
"Hindi po kami magkasintahan, Mang Emil at Nanay Eloisa." Natatawa nitong sagot sa asawa.
Sandaling natigilan ang matandang mag asawa at nagkatinginan silang dalawa. Kalauna'y lumabas ang malaking ngiti sa kanilang mga labi at tahimik na naghikgikan.
"Naiintindihan ko, Iho, pero diyan talaga nagsisimula ang lahat. Kami nga nitong asawa ko ay matagal nagkasama bago kami naging opisyal kaya okay lang yan, suportado ka namin." Saad naman ni Mang Emil habang nakangiti ng malaki. Nakita rin ang hindi kumpleto nitong ngipin pero walang sawa siyang ngumiti.
How can a person be so happy despite being in the brink of death? Paano iya nakukuhang makangiti kahit nahihirapan na siya?
Tumango naman si Nanay Eloisa sa sinabi na kanyang nanghihinang asawa.
"Oo nga naman, Iho. Dapat ay mag asawa ka na nga at nasa tamang edad kanang magkapamilya." Masaya namang nagtawanan ang dalawang matanda.
Rohan just smiled amusedly at them as he also laughed happily together with them. Lumapit siya sa kama at bahagyang naupo sa kama. Nilingon niya akong tahimik lamang na nakamasid sa mga pangyayari.
"Ito nga po pala si Rowena. Gusto ko lang po siyang makasama sa pagdalaw ko sa inyo." Pagpapakilala ni Rohan kaya tahimik ko lang na tinangohan ang dalawa na binigyan ako ng matatamis na ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/242879250-288-k777655.jpg)
BINABASA MO ANG
No Longer Alive (COMPLETED)
General FictionRowena Wang is a mute maid working in the household of the Alcantara Family. A powerful family of politicians. Upon the night of the birthday celebration of their one and only son, Rohan Alcantara, the voiceless maid was caught in a gruesome trap th...