Chapter Fifteen

36 2 0
                                    


Ilang segundo pa akong nakatulala kay Rohan na ngayo'y nakapikit. Nang bumalik na ang diwa ko, dali dali ko siyang dinaluhan at ipinatong ang kanyang ulo sa aking mga hita. Wala na akong pakialam sa dugo na napapahid sa saakin dahil lubusan ng nanginginig ang aking katawan.

My trembling hands touched both sides of his cold and paled face. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig at tawagin ang pangalan niya upang gumising siya pero tanging hangin lamang ang lumabas.

Paulit ulit komg pinilit na magsalita at bigkasin ang pangalan niya hanggang sa sumakit na ang baba ko.

Tears rolled down my cheeks as I desperately forced my lips to speak his name.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matawag ang kanyang pangalan.

Ganito pa talaga ako kawalang kwenta?

Lumingon lingon ako sa pagilid at pinilit na sumigaw pero wala pa rin. Niyugyog ko ng malakas ang katawan ni Rohan pero hindi man lang siya umimik ng konti o gunalaw.

Tumayo ako at kumuha ng isang bakal. Malakas ko itong idinundok sa isang bakal na haligi upang makagawa ng malakas na ingay.

Paulit-ulit ko itong hinahampas habang umiiyak ng husto at binalik balikan ang nakahandusay na si Rohan. Hindi ako tumigil kahit na dumugo at nanakit ang maliliit kong braso.

Dahil sa nakakabinging ingay na ginawa ko, nagsilabasan ang mga malayong kapitbahay at lumabas rin ang mga katulong kasama na si Mona.

Nang makita nila ang walang malay na si Rohan, kasing bilis sila ng kidlat na kumilos at tumawag ng abulansya. Nagkakagulo na rin ang lahat.

Binitawan ko na ang dala dala kong bakal at muling lumapit kay Rohan. Muli ko siyang hinahawakan ng mahigpit at hindi na binitawan pa. Tumutulo pa rin ang mga luha ko.

I even closed my eyes as I prayed silently.

Kahit na hindi ako ang iligtas niya, sana huwag niyang hayaang mawala si Rohan.

Kahit siya nalang.

Pakiusap.

Nilapitan ako ni Mona at dinaluhan. Naluluha na rin ang mga mata niya pero pinili niyang maging matatag at inutosan ang ibang kasamahan sa dapat na gawin dahil nagkakagulo na sa bahay.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang abulansya. Mga purong nakaputing tao ang lumabas sa sasakyan at chineck ang kalagayan ni Rohan na nasa mga bisig ko. Ayaw ko siyang bitawan.

"May pulso pa siya! Dalhin na natin sa ospital!"

Tila nabunutan ako ng tinik sa sinabi. Nabuhayan ako ng loob na baka pinakinggan na nang panginoon ang nag iisa kong hiling sa kanya.

Mabilis na inakay ng mga tao ang nanlalamig na katawan ni Rohan at mabilis itong ipinasok sa sasakyan. Hindi ko na pinansin ang napakaraming tao na nakapaligid, pati na rin ang nakatutulang magulang niya at si Flora.

Mabilis na rin akong pumasok at hinawakan ang mga kamay ng lalaking hindi pa rin umiimik.

Napakabilis ng takbo ng sasakyan at mabilis ring inasikaso ng mga taong nasa loob si Rohan.

Lumuluha pa rin ako habang pinagmamasdan siya.

You should have let me take the bullet, Rohan.

How could you..

I took a deep breath as I pressed my forehead against his.

D-don't leave me, please.

"Huwag po kayong mag-alala ma'am, gagawin po namin ang lahat para maisalba ang asawa niyo." Saad ng lalaking nakatanaw saakin na umiiyak.

Hindi ko na narinig pa ng klaro ang kanyanh sinabi at paulit-ulit na tumango dahil gagawin daw nila ang lahat.

No Longer Alive (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon