WHILE the authorities are on their way, Devin managed to sneak out from room 334. Pagkababa niya mula sa balcony ay maingat niyang binuksan ang sliding door. Hindi tulad ng bachelor suite ng Presidente mula sa itaas ay higit na malaki iyon kung ikukumpara rito.
The lights are on. There were clothes hanging from a hanger. The meals were also served on the table, but the room was empty.
Walang tao.
He checked the whole place quietly. Nang masiguro niyang siya lamang ang naririto, Devin didn't hesitate to invade the room. He quickly changed his formal outfit into casual. Base sa nakuha niyang itim na turtle neck, mukhang bago pa ito. The tag price was there anddn it's branded. Masikip ang damit ngunit nagkasya naman ito sa kaniyang katawan.
Nang matapos si Devin ay kaagad niyang kinuha ang black glasses mula sa suot niyang coat kanina pagkatapos ay ipinalit niya ito sa suot na round glasses. Wala na siyang pakialam kung maiwan ang damit niya rito at mapansin ng may-ari ng suite. What's important right now is to leave this place as soon as possible. Sinigurado niyang naka-tuck pa rin sa kaniya ang baril na ibinigay sa kaniya ni Ethan.
Devin reached the corridor with unsuspicious movements. Kaagad niyang napansin ang ilang mga tao na nagmamadaling lumabas dala ng alarm na patuloy tumutunog. May mga staff din siyang napansin na nag-a-assist sa daan.
He blended in with the crowds at agad hinanap ang fire exit ng lugar. Nobody recognizes him. Malayo ang porma nito sa itsura niya kanina. From what he was wearing, simple lamang ito, ngunit dahil sa tindig ng binata ay nagmumukha itong espesyal para sa mga nakakakita.
Bago pa man siya makaliko sa kanang bahagi ng corridor ay nagmamadaling mga pulis ang sumalubong sa kaniya. Naramdaman niya ang sandaling pagtigil ng hanging pumapasok sa kaniyang baga. Bawat madaanan nilang mga kuwarto ay kanilang binubuksan nang sapilitan. Kitang-kita niya rin ang mga baril sa kanilang mga kamay, senyales na may tinutumbok silang suspect.
Sinubukan niyang ikubli ang sarili sa mga ito. Mas bumaba ang tingin ni Devin mula sa sahig. Ilang metro na lamang ang layo bago niya mahawakan ang pinto ng fire exit nang may mahigpit na kamay ang humawak sa pulsuhan niya. Awtomatikong napatigil siya sa paglalakad. Napalunok siya ng sariling laway.
"Hindi po riyan ang daan, Sir," imporma sa kaniya ng isang pulis.
Hindi puwede.
Hindi puwedeng mag-iba siya ng daan. Maaari siyang mahuli dahil sa identity check na siguradong ginagawa sa ibaba. Walang ibang paraan kundi gamitin ang fire exit kung saan dito maluwag ang seguridad. He must continue everything according to his plans.
Napakamot siya sa likurang bahagi ng leeg. "Ah, gano'n ba?" He sounded clueless and yet he was planning to do something that quite opposite on his clueless tone.
Bago pa man tumalikod ang pulis, he quickly grabbed the guy's neck using his right arm. He dragged him forcefully inside the fire exit door. The police was struggling to breathe. He was suffocating in Devin's tight arm kaya't hindi ito agad nakahingi ng tulong o nakatawag ng pansin sa mga taong nagmamadaling dumaan.
Kaagad bumagsak ang pulis sa malamig na semento nang sikmuraan ito ni Devin. Hinila niya ito pagkatapos ay iniwang walang malay ang katawan ng pulis sa gilid ng pinto. Bago bumaba, kinuha niya ang baril nito. Devin rushed his way down the staircase. Mahaba-haba ang hagdang kaniyang bababaan ngunit gayon pama'y hindi niya alintana ang pagod dala na rin ng adrenaline na nangingibabaw sa kaniyang katawan.
Nasa ikaapat na siyang bahagi ng palapag bago marating ang ground floor nang biglang bumungad sa kaniya ang apat pa na armadong pulis. Mukhang nakilala siya ng mga ito kaya't kaagad siyang pinaputukan gamit ang kanilang mga baril. Devin doesn't have a choice but to enter the nearest door and use it to block the bullets.
BINABASA MO ANG
Death Glare
Боевик"He tried to look for a good reason, but no such good reason is there to deter something that death can easily touch." For Devin Cross, life's always been so fucked out. Devin spent his life lurking in a restless city where street crimes, prostituti...