DEVIN woke up the moment he felt pain inside his stomach. Hinawakan niya ang tiyan. It was like his intestines were the ones digesting. He's hungry as fuck. He gets up from the bed while holding his growling stomach. Devin headed through the kitchen to look for something that's edible. Wala siyang kinaing anuman kagabi at puro kape lamang ang laman ng humihilab niyang tiyan. It was a mixture of hunger and pain. If he'd back to his old self eleven years ago, paniguradong ikamamatay niya ito.
Binuksan niya ang lumang ref. He was not surprised kung wala siyang nakitang anumang laman nito bukod dalawang itlog at isang malaking plastic bottle na may lamang tubig. Napagtanto niyang kailangan na niyang mamalengke. Agad niya itong kinuha upang lutuin.
Two sunnyside up will do.
He checked the time from the round wall clock. It's 10:24 in the morning. He needs to take a shower para bisitahin ang shop. Naalala niyang wala ngayon si Homer kaya si Dinah lamang ang tao rito. Saka na siguro siya dadaan para mamili ng pagkain kapag pauwi na siya.
Devin heard knocks coming from the door. Pinatay niya ang electric stove pagkatapos ay inilagay ang dalawang sunnyside up sa babasaging puting plato. Wala siyang inaasahang bisita ngayon kaya wala itong ideya kung sino ang nasa kabilang pinto. Bago pa man siya lumapit sa pinto, may nakahanda ng baril sa kaniyang likuran. He just needs to be sure.
Muling kumatok ang taong nasa kabilang pinto. Tila tumigil sa paghinga ang kaniyang baga nang mahawakan niya ang malamig na knob ng pinto. Maingat itong pinihit ni Devin. It was a relief nang si Dinah ang bumungad sa kaniya. Nagtungo ang paningin ni Devin sa mga bitbit nitong paper bag na may lamang ilang gulay at prutas. Nagtanong ang kaniyang mga mata.
"What brought you here?" he asked with a confused face.
Dinah rolled her eyes in disbelief. "Hindi mo ba ako papapasukin, boss?"
Niluwagan ni Devin ang pagkakabukas niya ng pinto pagkatapos ay sumandal sa gilid with his arms crossed. Agad pumasok si Dinah dala-dala pa rin ang kargang mga paper bag. Hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta rito ang dalaga. There's no reason for Devin upang alalayan itong magtungo sa kusina. Binuksan ni Dinah ang ref pagkatapos ay isa-isang nitong inilagay ang mva laman galing sa paper bag.
"Kumain ka na?" tanong ni Devin dito.
"I should be the one asking you that question," she replied.
Devin shrugged his broad shoulders bago sumubo. "Balak ko sanang bumili ng stocks mamaya, kaso dumating ka kaya nasira plano ko."
Humarap si Dinah, hawak ang dalawang carrots, pagkatapos ay hindi makapaniwalang tumingin kay Devin. "Wow, boss. Nagjo-joke ka ba?"
Napailing ang binata, smirking while hiding his face. "You talk too much," he said. "You want anything?"
Nang matapos si Dinah ay kumuha siya ng baso pagkatapos ay nilagyan ito ng tubig mula sa faucet.
"Water will do."
"How did you know I'm out of stocks? Are you stalking me?" muling biro ng boss kahit alam na niyang minsan ay dinadalahan talaga siya nito ng mga pagkain. Alam kasi ni Dinah na laging busy ang boss kaya minsan ay hindi na siya nagdadalawang isip upang mag-alok ng tulong dito just to relieve his stress.
Umakto namang nandidiri ang dalaga. "I don't know. Just by accident, I guess?"
Sumandal ang dalaga sa katapat na sink. Naglabas ito ng lighter at sigarilyo mula sa suot na maikling denim shorts. She used her palm to cover the fire from the lighter. Nang masindihan na niya ang hawak na sigarilyo ay umihip siya rito.
BINABASA MO ANG
Death Glare
Ação"He tried to look for a good reason, but no such good reason is there to deter something that death can easily touch." For Devin Cross, life's always been so fucked out. Devin spent his life lurking in a restless city where street crimes, prostituti...