"WHAT'S his relationship with Devin Cross?"
Sa ikalawang pagkakataon, tuluyan nang hindi nakasagot si Calvin sa tanong ni Prosecutor Alvarez. It wasn't a million dollar question because it's more like a question between life and death. Kahit gusto nang ibigay ni Calvin ang sagot, tila ba may pumipigil sa kaniya at nagsasabing maaaring mas malagay lamang ang kaibigan sa alanganin.
Calvin felt the pressure of the situation. He was caught at the moment and didn't know how to let his voice out. Until someone grabbed his right hand, giving him the space to breathe from the Prosecutor.
"I am so sorry to interrupt but the victim needs to mend his wound. The patient's health is our priority," one of the medical staff informed. Dahil dito, agad namang umakto si Calvin na para bang medyo nasasaktan ang sugat niya sa kaliwang balikat.
"M-Medyo kumikirot na nga po, eh."
Prosecutor Alvarez seemed to get disappointed. It was a chance to move this case forward. Pero ayaw niyang lumabag sa batas. Hindi niya puwedeng pilitin ang mga biktima lalo pa't nangangailangan ang mga ito ngayon ng medical assistance. The Prosecutor sighed pagkatapos ay tipid na tumango.
"Thank you for cooperating," pasalamat ng staff pagkatapos ay tuluyan na silang tumulak.
Dinala si Calvin ng staff papunta sa lugar na hindi nalalayo.
"Saan tayo pupunta? Bakit hindi tayo dumiretsyo sa ambulansya?" walang ideyang pagtatanong ni Calvin.
Sumagot naman ang staff. "Puno na po kasi roon kaya napagdesisyonan po naming sa iba na lang kayo isakay."
Ngunit mukhang natunugan ito ng binata. Handa na sana siyang sumigaw upang humingi ng tulong sa mga awtoridad nang maramdaman niyang mag tumutok na malamig at matigas na bagay sa tagiliran niya.
"Scream and your head will be a mess on the ground," mahinang banta sa kaniya ng staff. He can't fully recognize him because of his face mask and eyeglasses. But one thing's for sure, it was as if he had already heard his voice somewhere.
Ang doble-dobleng kabang nararamdaman niya ay naging triple. Hindi niya naiwasang pagsisihan ang pagsama niya rito. Kung sana ay mas pinili niyang makausap ang prosecutor, baka nakagawa pa siya ng palusot without asking a favor for someone he doesn't know.
Agad napukaw ang atensyon ni Calvin sa nakaparadang lumang kotse malapit sa kanila. Mukhang hindi kasi kahina-hinala ang mga galaw nila lalo pa't naka-uniporme rin ang dumukot sa kaniya.
"Get in," may awtoridad na utos ng armadong lalaki.
Unwilling and hesitant, Calvin entered the car. Mabilis umikot ang armadong lalaki habang hindi pa rin nito inaalis ang tingin niya kay Calvin. Tinted ang salamin kaya malabong mapansin ang ginagawa nila sa loob. Sa driver's seat umupo ang lalaki. Nang masigurong naka-lock na ang bawat pinto ng sasakyan ay nagsimula itong magsalita.
"Can you sort things out what exactly Ronan told you before his disappearance?"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas komportable siya sa kaharap na armadong lalaki kumpara sa prosecutor kanina. But his guards are still up and there's no way he would present himself as a device of crime. But regardless, everyone can be a criminal. Some are just good in their uniforms.
"Hey," Sa wakas ay muli siyang bumalik sa kaniyang sarili, "you're spacing out."
"W-Wala po," maikling sagot niya.
"Be honest with me," muling inilabas ng lalaki ang baril nito, his patience is wearing thin. "I'm gonna repeat my question. What Ronan told you before he got out from your sight."
BINABASA MO ANG
Death Glare
Action"He tried to look for a good reason, but no such good reason is there to deter something that death can easily touch." For Devin Cross, life's always been so fucked out. Devin spent his life lurking in a restless city where street crimes, prostituti...