MADALIM pa nang mapagpasyahan ni Devin, Homer, at Ronan na lisanin ang lugar kung saan sila pansamantalang nagpalipas ng gabi. Si Homer ang nagmaneho sa sasakyan habang katabi naman nito ang boss. Naging tahimik lamang ang buong biyahe ng tatlo. Bubuksan sana ni Homer ang FM ngunit pinigilan siya ng kaniyang boss dahil payapang natutulog si Ronan sa likod balot-balot ng kumot. Ngumiti naman nang nakakaloko si Homer na agad ding sinuklian ng nakamamatay na tingin ni Devin.
Habang tumatakbo ang sasakyan, hindi naiwasan ni Devin isipin ang mga sinabi niya kagabi kay Ronan.
"I hope you won't get tired treating my wounds."
"And I hope you won't get tired being with my side."
Ito ang mga salitang paulit-ulit tumatakbo sa kaniyang isipan. He's like he was paralyzed at that moment while reminiscing the scenes. May parte ng kaniyang utak ang nagsasabing walang mananakit kay Ronan hangga't nasa puder niya ito; ngunit malaking bahagi nito ay nasasakop ng kaniyang konsensya - na kung saan maaaring malagay sa kapahamakan ang binata kung patuloy itong mananatili sa tabi niya. Weighing the scale of the situation seems vulnerable enough to let Ronan suffer with his sins. Kung tutuusin ay dapat hindi na ito makisama sa kanila because it's only between him and Mr. Hawkins.
Devin heaved a deep sigh that caught Homer's attention.
"What are you thinking, boss?"
Homer broke the silence while the car hits the freeway. Devin wanted to answer the question but his throat seems uncooperative. He refused to face his friend. Kahit pa madilim pa rin sa labas ay hindi naputol ang tingin niya sa labas ng bintana ng pickup truck habang patuloy pa ring pinapanood ang mga matataas na damong nagpapaalam na kanilang nalalagpasan.
Mukhang madali namang naintindihan ni Homer ang ibig sabihin nito kaya hindi na lamang siya naghintay ng sagot. Maaaring masyado itong personal at hindi pa niya kayang ibahagi o ayaw niya lang na may ibang taong makakarinig. However, Homer still respects whatever reason his boss has.
"Nakuha mo ba?" sa wakas ay putol ni Devin sa katahimikang bumabalot sa sasakyan.
Homer flicked his fingers before he opened a small compartment near in front of them. May inabot siyang cell phone, isang kahon ng facemasks, at isang bote ng pabango sa kaniyang boss. Kung hindi siya nagkakamali ay pagmamay-ari ni Ronan ang cell phone. Dahil walang anumang security o password ito, walang hirap na naka-access si Devin. Kaagad siyang nagtungo sa phone log nito at doon hinanap kung sino ang huling nakausap niya. Calvin ang pinaka-bagong nakatala sa call history. Devin entered the name until it automatically dialed the number. Naka-dalawang dial si Devin bago ito sinagot ni Calvin.
"Tol?" ang medyo namamalat na sagot ng nasa kabilang linya. Calvin quickly checked his alarm clock beside his bed. 5:47 am. Napahilamos siya ng mukha.
"Send me your location. Ihahatid ko ang kabigan mo," someone with a deep and husky voice answered.
Napabangon siya sa sariling higaan dahil mistulang binuhusan siya ng malamig na tubig.
"Sino ka? Nasaan si Ronan?"
Kinukutuban man sa nangyayari ay naglakas loob pa rin siyang tanungin ito.
"Doesn't matter. Just follow what I've instructed," mahinahong sagot ng tao sa kabilang linya. Mahinahon man ay mababakas pa rin dito ang awtoridad.
Napakunot ng kilay si Calvin dahil sa kausap. "Gago ka pala, eh. Ang lakas ng loob mong mang-utos pero ayaw mong sagutin ang tanong ko. Malay ko ba kung masamang tao ka," hindi niya naiwasang bulalas dahil baka nanti-trip lamang ito ngunit para saan? Sigurado siyang hindi ito ang boses ng kabigan.
BINABASA MO ANG
Death Glare
Ação"He tried to look for a good reason, but no such good reason is there to deter something that death can easily touch." For Devin Cross, life's always been so fucked out. Devin spent his life lurking in a restless city where street crimes, prostituti...