CHAPTER 09: Meeting

312 25 4
                                    

RAMDAM ni Ronan ang panlalambot ng kaniyang buto sa tuhod. Anumang oras ay bibigay na ang katawan niya dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Natutunaw ito sa kaniyang kalooban. Hindi niya mapigilang manginig sa takot.

"Come on," saad ng lalaking yumakap sa kaniya pagkatapos ay mabilis na hinawakan at hinila ang palad niya habang patuloy pinauulanan ng bala ang kanilang direksyon.

Sumunod si Ronan. He knew it has something to do with the guy's authoritative deep baritone voice. Mabilis niyang sinunod ito kahit pa hindi siya sigurado. Napatanong siya sa kaniyang sarili.

Was the guy taking advantage of me?

Why the hell would I go with a stranger whose got a fucking gun?

Ronan was left with no choice; nothing but a helpless thought. He wanted to run and leave the place, but the guy's grip on his wrist seemed to be tight that made him obey those given orders. Sa kaniyang isip ay baka mas lalo lamang siyang mapahamak kung sakaling hindi niya sinunod ang utos nito.

They hid in a nearby pillar where it was far from where they had fled. They can still hear the constant firing of every gun in the area. Nang mapalinga si Ronan sa direksyon kung saan sila nanggaling ay mayroong higit siyam na mga kalalakihang naka-black suit at armado ang tumutugis sa kanila ngayon. Tansiya niyang matataas ang kalibre ng mga hawak nilang baril. Hindi niya naiwasang sisihin ang sarili dahil sa kamalasang kaniyang pinasok. Hindi lamang gulo ang pinasukan niya kundi maging ang pinto na magdadala sa kaniya papunta sa impyerno.

Ronan was forced to hide beside the stranger. Wala na siyang pakialam kung madagdagan muli ang katawan nito ng tama ng baril. Mahalaga sa kaniyang makaalis at makauwi nang buhay.

"T*ng ina!" rinig niyang mura ng lalaki. Ibinato niya ang hawak na baril pagkatapos ay pansamantalang binawi ang palad niya upang takpan ang sugat sa kaliwang braso.

Napansin ni Ronan ang ilang patak ng dugo sa kamay nito pababa sa sahig. Mistulang pulang pintura ito na nag-iwan ng matinding mansiya sa kalsada. Mukhang wala ring balak tumigil ang dugo nito sa pag-agos mula sa malalim na sugat sa kaniyang braso. Ronan wanted to help, but he doesn't know how to start.

"Hey," pagkuha ni Devin sa atensyon ng lalaki. Alanganing humarap ito sa kaniya, naiiyak at halatang walang lakas ng loob sa mga ganitong bagay. He can't blame him for acting that way. What isn't normal is that Devin can't feel any thing aside from being a little thrilled about it. He was used to this apathetic feeling.

Sandaling may dinukot sa bulsa si Devin pagkatapos ay inihagis ito sa katabi. Mabuti na lang ay maagap itong nasalo ni Ronan. Ibinukas niya ang kaniyang palad. It was a car key.

"You know how to drive?" Devin asked, hoping to hear a yes from him. Ronan nodded.

"Great. Sneak the car out from that block," turo niya sa kabilang bahagi ng direksyon, "while I'll try to distract them with my gun," Devin instructed pagkatapos ay may inilabas itong baril mula sa kaniyang likuran.

"A-Anong klaseng sasakyan?" Sa wakas ay nagkaroon na ng sapat na lakas ng loob si Ronan upang magtanong. Devin smiled.

"It's a white taxi."

White taxi? he thought.

Why does he have a taxi?

Napalunok si Ronan ng sariling laway pagkatapos ay tipid na tumango. Tumingin si Devin sa suot niyang relo.

"Can I trust you?" tanong ni Devin habang diretsyo itong tumingin sa mga mata ni Ronan. Bumigat ang paghinga ng binata dahil dito. It was like he's being sealed with Devin's deep gaze. Once he agree, there's no reason for him to turn his back.

Death GlareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon