"...Pauwi po kami ni mama kagabi nung may nagtanong na lalake samin kung san ang daan papuntang syudad. Habang tinuturo ni mama, bigla niyang tinapik si mama sa ulo..." kwento ng bata.
Wait... Tinapik?
"Tapos yun na yung nangyari?" straight-forward kong tanong
Dahan-dahan siyang tumango.
Kung tapik lang yon at tumumba na si Ms. Manrique (Yung biktima), malaki ang posibilidad na nilason siya.... Venom ? Pero dudugo parin dapat yun...
"ah...Sorry sa nangyare. Nawitness mo pa un..." siniko ako ni Leigh ," pero...Kilala mo ba kung sino ang lalakeng yon?"
Umiling sya.
"natatandaan mo ba ang mukha nya?"
Umiling ulit sya," di ko nakita mukha nya. Madilim eh..."
"ah..."
"liam," tawag ng isang malalim at maotoridad na boses ng lalake.
Lahat kami napatingin sa kanya.
"tara na"
"uh... Kayo po ba si mr. Marlon Manrique? Ang asawa ni mrs Manrique?" tanong ko habang tumatayo sa pagkakaluhod.
Tinignan nya ako nang nakakunot ang noo," ako nga. Bakit. Anong kailangan nyo?"
"ah.... Pwede po ba namin kayong matanong? Sandali lang po."
"...O sige na. Sige na."
Huh? Para sa isang asawa na namatayan ng asawa, masyadong casual ang galaw nya ah..
" kamusta po si mrs manrique sa inyo? Sya po ba ay mabait na tao?" tanong ni Leigh
"mabait? Pwede" nagkibit-balikat sya.
Huh? That's strange...
"eh sa mga kakilala nyo po? Wala po bang may galit sa kanya?"
"wala-...Sandali. Bakit nga ba kayo nagiimbestiga? Hindi naman to murder ah," tinaasan niya kami ng kilay, "Umalis na nga kayo"
Huh? Oh tapos ngayon, tinataboy pa kami. Something's fishy...
"eh... Ganon po talaga yon. Since kami ang pinatawag, may kutob ang seniors namin na murder case po ito," pagpapaliwanag ni Leigh
"...Eto lang ang masasabi ko... Nagsasayang lang kayo ng oras nyo! Hindi to murder case. Namatay ang asawa ko dahil sa stress! Anong 'murder' na sinasabi niyo? *scoff* Liam, tara na" hinila nya ang bata sa kamay at umalis na sila.
"... Pwede ba natin syang hulihin o ano?" tanong ni Cassey," kahina-hinala ang mga kinikilos nya..."
"true," sagot ko,"... You know? Mag tanong-tanong muna tayo sa mga kakilala ng biktima. Baka may masagap tayo"
"okay. Tara"
[...]
"yung magasawang manrique? Ay oo. Madalas magaway yang dalawang yan. Minsan nga, nadadamay pa ang anak nila. Nakakaawang bata," sabi ng kapitbahay nila.
"ah ganon po ba? Eh gano po ba kadalas magaway ang dalawa?"
"araw-araw."
"araw-araw po? Ano po bang pinagaawayan nila?"
"hindi ko alam eh...Pero naaalala kong sinigaw ni marlon(mr. Manrique) nung isang araw na maghiwalay na lang sila... Na ang dahilan lang naman daw ng pagsasama nila ay dahil sa anak nila... Gusto ko mang alamin ang totoong nangyayare, hindi ko naman maitanong. Masungit silang dalawa eh"
"ah...Napansin nga po namin yon... Pati po si ms. Manrique? " tanong ko
"oo. Ni hindi nga namin yan mabati sa paradahan ng jeep. Laging nakasimangot."
[...]
"aish... Alam mo kung ano ang kasong pinakamahirap isolve?" tanong ko kay leo (Cornelio)
"ano?"
"yung taong maraming kaaway," buntong-hininga ko," masyadong maraming suspects, maraming iimbestigahan. Pota..."
"kaya mo yan"
Tinignan ko sya," seriously? Ako lang? Alisin kita sa grupo eh"
Tumawa sya habang nagpapakita ng peace sign.
...Pero kahina-hinala talaga si marlon (mr. Manrique) eh... Ang unusual ng mga kilos nya para sa namatayan.
Okay. Sabihin nating they're not in good terms. They are on the pre-divorcing stage. Pero imposible naman na hindi ka man lang magalala ng kahit konti. I mean, Nagsama sila sa iisang bubong nang ilang years. Pag nga namatay ung alagang aso mo, malulungkot ka. Pano pa kaya pag tao.
Weird
YOU ARE READING
Silver Bullet
Mystery / ThrillerThis story is pulled out entirely from the author's wild imaginations. I hope you all enjoy😘