Chapter 18

10 2 0
                                    

Johanna's pov

"ano ang time of death?" tanong ko kay Russelle.

"hindi ko alam.... Pero based sa exposure ng dugo sa hangin, i'd say... 12-15 hours ago?"

"nung kakarating namin dito sa baguio?" sabi ni Raven.

"nakakapanghina naman yun... Kasama lang natin sya bago sa mamatay eh..." sabi naman ni Roen.

"eh. Ano namang ginagawa nya dito? Pano sya napadpad dito sa baguio?" tanong ni Joaquin," akala ko sabi niyo taga Laguna siya

"ewan," nagkibit-balikat ang dalawa

"... Isa lang ibig sabihin non," sabi ni Hea,"sumunod siya sainyo"

".... Pero bakit?" tanong ni Cassey

"anong bakit? Hindi ka ba mababahala kung ung anak mo hawak sa leeg ng killer? Siyempre naaalala siya kay Aireen," sagot ni gladez

"ahhh..."

".... Pero may napansin ba kayo nung ini-interview niyo siya, Roen?" tanong ko

"huh? Wala naman... Pero nung ini-interview namin sya, halata sa boses nya na malungkot sya. Na parang... Nag-give up na sya sa buhay nya.... Basta yun. Alam niyo na yon. And lagi nyang nababanggit na pinagsisihan nya ang lahat ng nangyari 20 years ago."

"20 years ago? Ano yun?"

"hindi ko alam eh. Ayaw nyang sabihin."

20 years ago...

"huh...."

Tumango lang ako.

*phone ringing*

"oh Leigh," sinagot ko ang tawag.

"Hanna. You won't believe what happened"

".... Ano?"

"nandito yung killer"

"HA? pano ? Okay ka lang? Pupuntahan kita jan."

"ha? Hindi! I mean, she turned herself in"

Mas kumunot ang noo ko," p-panong nangyari?"

"and magugulat ka kung sino," nanghihina niyang sabi.

"sino?"

"ano..."

Leigh's POV

noong umalis ang lahat, pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Naiwan ako sa office dahil pag may kailangan silang information, ako ang taga-bigay.

Yun ang ambag ko sa team

"*sigh* ano na kayang nangyayari don...." sabi ko habang binabasa ang report na bigay ni Russelle kanina

"hm........."

"Leigh!“ biglang may tumawag sakin.

" yeah?" napatingin ako sa tumawag sakin at nakitang nakatayo si Loís sa may pinto

Ngumiti lang siya

" uy,"tumayo ako at lumapit sa kanya," anong ginagawa mo dito?"

"uh....hulaan mo"

".... May nagpadeliver samin noh? Shocks... Wala pa man din akong pang abuno..."

She let out a small laugh,"hindi ako magdedeliver."

Napakunot ang noo ko, ".... Eh.... Bakit ka nandito?"

Ngumisi siya at inalis ang jacket niya.

At nanlaki ang mata ko

"I came here to come clean" sabi niya habang nakangisi

Puno ng dugo ang polo niya at may kinuha siyang isang lalagyan ng cards na puro ace of spades ang laman.

"i–....ikaw—" hindi ako makabuo ng salita while stepping backwards

Tumawa ulit siya, " I should introduce myself. AKO yon. I'm the ace of spades killer *proud creepy laugh*"

[°°°]

Jonhanna's POV

"asan na sya?" bungad ko pagdating ko sa office

"Nasa interrogation room. I kept her held up there for the meantime" sagot ni Leigh,".... What exactly is happening? Panong so Loís ang killer?"

Hindi ako sumagot at dumiretso sa interrogation room

Nakaposas si Loís sa table at pinaglalaruan nya yung chain nung posas.

"...papasok ako," pumasok ako ng interrogation room.

"okay. Ireready ko lang ung cameras and mic"

"... Loís," tawag ko while locking the door

Lumingon sya sa direction ko at tumawa ng parang baliw," hello detective Puentes!"

"..." umupo ako sa upuan sa harap nya,"so.... Ikaw talaga ang killer?"

"uh.... What's with your tone? Hindi ka ba masaya na nahuli niyo na ako?" she slightly tilted her head

Nagkibit-balikat ako, "hindi pa naman kasi sure na ikaw talaga ang killer. We have to abide by the rules. For now, suspect ka palang"

"hm.... Just like Hanna would do things... Yes..."

"...Ba't mo naisipang sumuko?" tanong ko

"kasi... Antagal nyo akong hinahanap eh. Naiinip na ako. Kaya sumuko na lang ako"

Ngumisi ako," so bakit ka pumapatay?"

"huh..." bumungisngis sya,"for fun. Ansaya kasing panoorin silang magmakaawa"

Nakitawa ako, "ah...." tumayo ako at nilock ang pinto

I sat back on my chair at pinatay ang mic na nagkaconnect sa room sa labas

"hm... Pero kasi...."

[°°°]

Tumayo ako at lumabas ng room.

"..."

Silver BulletWhere stories live. Discover now