Chapter 6

8 1 0
                                    

Jihan's pov

[next day]

"eto na ung autopsy report. Tinapos ko kagabi," sabi ni Russelle habang nilalapag ang isang folder sa desk ni Johanna

"thanks," sinuri agad ito ni Johanna, "... Naks. Sana all masipag"

Nakibasa rin ako

"...Huh? Two stabs on the same spot but with different depths? Dalawang beses syang sinaksak?" tanong ko

Tumango si Russelle, " mas malalim ung isa"

"...sabihin nating kay liam ung isa... May iba pang tao sa crime scene?" sabi ni Johanna

"pwede. Pero di yan ang ikinamatay nya."

"huh?"

"as you can see, naiwasan nung saksak ung vital spot ni mr. Manrique. THE TWO OF THEM. Walang tumama ni kahit isa. Para bang sinadya. "

Mas kumunot ang noo ni Johanna, " HEH???"

"nung inautopsy namin siya kagabi, wala kaming nakitang iba kundi yung mga saksak na yon. Wala kaming makitang ibang cause of death kundi yan"

"pero pano yon? Akala ko sabi mo, hindi natamaan yung vital spot niya?" naguguluhang tanong ni Roen

"yun nga ang palaisipan ngayon. Pano namatay si mr Manrique ng hindi natatamaan ang vital spots niya," sabi ni Russelle

"... Di kaya naubusan siya ng dugo?" guess ni Leigh

"pwede rin yon," kibit-balikat ni Russelle, "pero as i said, walang natamaan na pulse."

"....yung kutsilyo na ginamit ngay?" tanong ni Johanna, "did you run some tests?"

"oh. About that....wala ngay kaming nakitang ibang fingerprints aside sa fingerprints ni Liam"

Kumunot ang noo ni Johanna

" but don't worry. Itetest ko ulit as soon as i reach my office, " nag'okay' sign si Russelle bago lumabas ng office.

Johanna's pov

.... Parehas di alam ang cause of death... Parehas ding may natagpuang ace of hearts sa mga bangkay... Di kaya connected tong dalawang to?

In what way?

"...Same killer?" bulong ko sa sarili ko

"hoy. Utak mo, lumilipad," sabi ni Leo sakin at nag-act na parang may nahuling lamok,"...Ay. Sorry, napisa"

I rolled my eyes while smiling.

"...Ano bang iniisip mo?" napatingin din sya kay Jihan,"...Nyo pala. Anong iniisip nyo?"

"..."

"...Ah. Alam ko na. Its either comeback ng bts, exo or got7. Ano sa tatlo?"

Tiningnan namin siya in 'di-ka-titigil?' way

"*laughs* joke lang! Ano ngang iniisip nyo?"

"Leo," tawag ni Jihan

"oh"

"usually ba sa isang murder case, may matatagpuan kang clue like... Nagiiwan ng card or something like that?"

"... Sa serial killings, oo. May nabasa pa nga ako noon eh na bago daw pumatay ng tao ung killer, pumapatay muna sya ng hayop. Tapos ilalagay nila malapit sa biktima nila."

"ish! Leo naman ," sinamaan ko siya ng tingin

Tumawa lang siya," ikaw talaga. Mas sensitive ka pa pag hayop ang biktima kaysa sa mga tao. Galing mo *laughs*"

"pero imposible naman dito sa pilipinas na magkaron ng serial killings" sabi ni Jihan

"huh? Pano mo naman nasabi?" tanong ko.

"look at this," pagsimula niya, " diba ang common cases dito sa pilipinas are robbery and theft. Alam mo kung bakit ? Kasi walang makain ang mga tao. Unlike sa advanced countries like... Japan, korea, mentally troubled karamihan ng tao don kasi mahirap talaga ang buhay don. Kaya hindi uncommon sa kanila ang serial killing don just because they want to kill. Dito walang panahon ang mga tao na pumatay for fun dahil uunahin nila ang kumita ng pera. You get my point? "

"... Pero meron din namang serial killings dito sa pilipinas," unsure na depensa ko

Tinignan niya lang ako ng 'then-prove-it' look.

"... Habal habal serial rapist, " natawa kaming tatlo. pati ako natawa sa sagot ko

" yah. That's different! Pumatay siya kasi pinagtatakpan niya yung krimen na ginawa niya! "

" kaya nga. Pero di ba counted yun as serial killing?"

".... So anong sinasabi mo. Nirape yung magasawang Manrique ? "

Nanlaki ang mata sa gulat. Bigla kasing may pumasok na scenario sa utak ko.

For the scenario.... Dont ask. MASAGWA

" N-NO!" I denied full-heartedly," Jesus Christ! Where did that idea came from!"

Tumawa lang siya

" I-i was just giving an example of serial killings here in the philippines! W-w-wala akong sinabing baka yun ang nangyari sa kanila ! Aish..." bumuntong-hininga ako, in hope na mababawasan ang pagkaflustered ko

" i know. I know. Sheesh..."

Aish.... Now, I'm never gonna get that image out of my head.....

" *deep sigh*"

Silver BulletWhere stories live. Discover now