Chapter 8

11 2 0
                                    

"*scoffs* inosente? Gano ka kasigurado jan?"

Napatigil ako.

May gusto ba siyang sabihin?

"...ano bang pinagsasab-"

"yang batang yan," pinutol niya ang sinasabi ko, " sigurado ka bang mabait siya? Ba't ka nagaalala para sa kanya?"

Huh ? Eh, sira pala utak neto eh. Malamang magaakala ako. One wrong move nung bata, he'll come plummeting down.

"mabait o hindi, talagang nagaalala ako gago," sagot ko

"hm.... Interesting...yan parin kaya ang sasabihin mo pag nalaman mo ang ginawa niya?"

Natahimik ako.

Biglang may nag-pop na notif sa screen ng laptop ko. Binuksan ko ito at biglang nanghina ang loob ko.

Sa video...

'oh san ka pupunta? Di pa tayo tapos oh' tinatawanan ng 5 highschool student ang isang kapwa nila estudyante na duguan, bugbog sarado, at may kadenang pangtali ng asong naka tali sa leeg niya.

I was speechless.

'sandali! Sandali. Di pa nga tapos eh' nagkakatuwaan nilang hinubaran ang lalake at mas tinutok pa sa kanya ang camera, 'say hi! Live yan oh *laughs*'

'sikat ka na! Hahaha'

'w-wag k-kayong m-magvid-eo' utal-utal na pagmamakaawa ng bata

Pagkatapos ay pinagpasa-pasahan sya na parang bola hanggang sa hindi sya sinalo ng isa na sanhi ng pagkasubsob nya sa sahig

'*laughs!*'

"yang batang yan, di siya makapagsalita ng maayos at uutal-utal siya kaya siya pinagtripan ng magkakaibigang yan," sabi ng kausap ko sa phone," Pero tignan mo naman ang kinahinatnan nya... Binugbog, pinahiya, trinato na parang mas mababa pa sa hayop. Hindi nya naman deserve yon dahil mabait naman sya sa kapwa... At ang nagpahirap sa kanya ay ang batang kinakaawaan mo ngayon"

Napatingin ako sa batang nasa gilid ng building.

"nagpakamatay ang batang binully nila dahil sa sobrang kahihiyan..."

"h-hindi..."

"...ngayon sabihin mo sakin. Sa tingin mo ba, hindi nya deserve ang mahulog jan?"

Unti-unting nagbago ang pananaw ko.

I mean, may part sakin na gusto kong tulungan ang batang nambully... Pero may part din sakin na gusto kong magbulag-bulagan...pano nila nakayanang gawin yon sa kaklase nila? Hindi ba sila nakokonsensya?

Kung ako yon, kahit isang libong sorry ang matanggap ko mula sa kanila, hinding-hindi ko sila mapapatawad.

And the worst part is... Hindi man lang sila magbabayad sa kasalanan nila since hindi pa sila pwedeng makulong. At kung dumating man ang time na yon. Ilan pang bata ang i-ririsk natin na matorture ng magkakaibigang yan? Dalawa? Tatlo?

"...At para masimulan ko na ang movie ko, nagtawag pa ako ng isa pang character. At yun ang tatay ng binully ni Kian(yung bully) "

Bigla akong natigilan.

"sabay nating panoorin ang magiging reaksyon ni tatay" humalakhak sya

Silver BulletWhere stories live. Discover now