"...Sir, anak nyo si kian?" di-makapaniwalang tanong ni Jihan
"...A-ano?...Yan ba ang mas importante ngayon? NAWALAN AKO NG ANAK TAPOS YAN ANG TATANUNGIN MO SAKIN?!"
Alam kong unethical yung tinanong ni Jihan pero i cant blame her. Parehas kaming nagulat.
...So si sir pala yun... Yung pinagmukhang masama ang mag-ama na yon para pagtakpan ang ginawa ng anak nya...
Leigh's POV
"nasan pala si Hanna(Johanna)?" tanong ko kay Jihan," ba't mag-isa mo lang sumunod dito?"
Andito kami ngayon sa restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan naming si Lois. Kasama sana namin siya na maging detective pero di niya tinuloy at nagtayo nalang ng restaurant in the middle of the streets.
"... H-ha? may pinuntahan siya. Susunod din yon..." sagot niya
"... Ba't parang there's something wrong. Anong nangyari?"
Tumingin siya sakin, "wala"
"... Okay. Sabi mo eh"
After an hour, dumating na rin ang tao.
Ay. Hindi pala siya tao.
"oh. Ba't ngayon ka lang? San ka galing?" tanong ko kay Johanna habang hinihila niya ang upuan sa tabi ko only to sit on it.
"may ininterview ako," sagot niya at sinilip ang mga cups sa table," anong inorder niyo? Nag-order kayo ng para sakin?"
"malamang..." Russelle paused (and yes. Kasama namin siya. Nakasalubong namin siya sa labas ng station kanina kaya niyaya namin siya),"...hindi. Ano kami? Alipin? Mag-order ka ng sayo"
Sinamaan siya ng tingin ni Johanna,"... Ba't ba ganyan ka sakin? Ano bang ginawa ko sayo?"
Tumawa lang ang lalake, "joke lang! Bati tayo. Diba alien~? *giggles*"
Tumawa rin si Johanna at tumayo," sandali. Order lang ako"
"sige," sabi ko
"ay. Padagdag nga ako ng fries,"pahabol ni Hea
" okay... May fries sila dito?"
" oo" sagot ko in a 'duh' tone
"ay oh? Ngayon ko lang nalaman yun ah..." bulong niya at pinagpatuloy ang lakad papuntang counter
Maya-maya, bumalik siya hawak ang isang tray.
"oh..." inabot niya ang fries ni Hea.
"thanks"
Johanna's POV
Pagbalik namin sa office, tahimik akong umupo sa desk ko.
"anong ginagawa ni Hanna don? Nage-emote?" narinig kong tanong ni Gladez
"ewan. Baka dinidibdib parin yung music video na napanood nya. May kasama kasing babae si jackson dun sa video," sagot ni Hea.
"sana ol may dibdib," halakhak ni Gladez
"huh Para lang dun? Magluluksa sila? *sigh* di ko talaga maintindihan ang mga kpop fans," buntong-hininga ni Leigh.
Napabuntong-hininga rin ako habang tinititigan ang ace of spades na iniwan ni sir kenneth kanina.
Humarap ako sa tatlo," oy. May nasabi na sya?"
"huh? Sino? Si liam?" sagot ni Gladez, "Wala pa eh..."
YOU ARE READING
Silver Bullet
Mystery / ThrillerThis story is pulled out entirely from the author's wild imaginations. I hope you all enjoy😘