"liam!" napatayo ako sa gulat
Punong-puno ng talsik ng dugo ang bata mula ulo hanggang paa.
"an-anong nangyari sayo?!" nilapitan ko siya .
"s-si papa..." humagulgol siya at niyakap ako ng mahigpit.
[...]
"anong ginagawa mo jan?" naiiritang tanong ni Jihan
Halatang nagising ko sya mula sa tulog nya eh.
" si liam kasi pumunta sa office tas punong-puno ng dugo-... Basta! Basta! Ang hirap i-explain sa phone. Pumunta ka na lang dito. Isend ko sayo ung address."
"...*sigh* fine. Fine. Papunta na," at binaba nya ang linya.
Maya-maya pa, dumating na sya kasama ang team ni Russelle
"anong nangyare sayo?" agad na tanong ni Jihan
"huh?" napatingin ako sa damit ko na punong-puno ng dugo, "... Ah. Wala. Nung niyakap ako ni Liam kanina, dumikit sakin yung dugo."
"....so anong nangyare? Ano yung sinasabi mo sakin kanina sa phone?"
"pinuntahan ako ni liam sa office tapos umiiyak sya. Nung una, akala ko nasobrahan na sa pagbugbog sa kanya ang papa nya pero..."
"napatay ko sya... Napatay ko sya..."
Napatingin kami sa direction ni Liam. nakaupo sya sa isang malaking tipak ng bato, slightly cradling his self.
"...Napatay nya papa nya?" di-makapaniwalang tanong ni Jihan
"doesn't make sense, right?" sabi ko
" at imposible yon," sabat ni Russelle habang pinupulot ang isang kutsilyo sa tabi ng katawan ng ngayon ay hindi na humihingang si mr. Manrique
"first, bata sya. Second, mapurol tong kutsilyo at makunat ang balat ng tao. Third," tumayo si Russelle," kung sakali mang nasaksak nya talaga ang papa nya, daplis lang ang matatanggap ng tatay nya. Which means, hindi nya 'to ikakamatay *smiles* i' m sure alam niyo na ang tungkol don. You studied criminology for a purpose"
"...Mwoya... May ibang pumatay sa kanya?" bulong ko pero narinig ito ni Liam
"...Hindi! Ako yon! Napatay ko sya!" biglang sumigaw ang bata,"a-ako yon! Papatayin niya daw ako...."
Heh ? What was that reaction for? Bakit niya pinipilit na kasalanan niya to? Don't tell me-....
"..."
"...Oh? Meron na naman."
Napatingin ako kay Jihan sabay tanong, "merong ano?"
"eto," inilabas nya ang isang card mula sa bulsa ng tatay ni liam.
Kumunot ang noo ko," ace of hearts? Para san yan? And what do you mean 'meron na naman'?"
"may ganitong card din akong nakita sa bulsa ni miss manrique eh..." sabi niya ," ang bothering lang kasi... Eto lang naman ung meron. Wala namang ibang kasama. And look. Maya naka scribble na letter ngayon."
Pinakita niya sa kin ang isang Ace of Hearts na may nakasulat na malaking 'R' sa likod neto.
"...Huh?"
Posible bang coincidence lang 'to lahat? Or if not... Murder to? Serial killing? At ang card na to ang clue?
"..."
Pero bat naman siya magbibigay ng clues... Ano yon. Self report?
"Tara na. Sila Russelle na daw bahala dito. Uwi na tayo..." tumigil si Jihan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, ".... At para makapagpalit ka na. *sigh* puno ka ng dugo. Mapagkamalan ka pa na killer"
Nauna siyang maglakad at sumunod ako
"hay! I see another shirt will say goodbye to your wardrobe again," buntong hininga niya na napatawa ako.
"you really know me more than anyone," i chuckled.
Call me tamad pero once kasi na nadumihan ang damit ko, at alam kong mahirap tanggalin ang mantsya, hindi ako nagdadalawang isip na gawin itong basahan.
"nga pala. Nagawa ko na yung inutos mo," sabi ni Jihan habang sumasakay sa kotse niya," Ms. Manrique's case is officially out of our hands"
"ah... Anong sabi ni sir Reyes?" tanong ko.
"wala. Di niya naman tinanong kung bakit natin binitawan yung kaso"
"ah... Baka may kutob na siya na hindi yon murder case"
"*shrugs* baka"
YOU ARE READING
Silver Bullet
Misteri / ThrillerThis story is pulled out entirely from the author's wild imaginations. I hope you all enjoy😘