Andito ako ngayon sa divisoria inutosan kasi ako na mamili ng tela para sa gagamitin ni Tita, mas mura kasi mga paninda dito. Nang mapadaan ako sa isang parte na kung saan madilim at masikip yung daan doon ko naman nakita ang isang matandang nag titinda may mga nakalapag na iilang mga poster sa karton kung saan iyon nakapatong.
"Ineng bumili ka na ng paninda ko sige na, gutom na gutom na kasi ako"
"Eh lola pano po kayo makakabenta kasi dito, wala namang halos dumadaan dito eh dapat di po kayo dito nag pwesto. Tsaka heto po ibili niyo po ng pagkain niyo kahit wag niyo na po akong bentahan ng mga ito" sabay abot ko sakanya ng 100 pesos at tinanggap naman niya ito.
"Tsaka ito po may burger pa kong di nakaka kain buy one take one po kasi to sainyo n alang po yung isa"
"Nako salamat iha hayaan mong masuklian ko ang iyong kabutihang loob" nakangiting sabi niya, sabay tingin sa mga paninda niya at mabilis na inabot sakin ang isang poster ng isang kpop idol. Kpop idol nga ba? Hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganito at wala akong alam sakanila.
"Heto iha tanggapin mo" kinuha ko naman ito at tinitigan ewan pinapakita lamang nito na ang isang lalaking naka itim na kasuotan mababakas mo rin ang taglay niyang karisma ang gwapo niya in fairness.
"Siya ng mag papakilala sayo sana ay matulungan ka niya" sabi ni Lola nakatingin lang ako sa poster at tumingin sakanya.
"Anong ibig niyo--" nanlaki ang mata ko ng pag tingin ko wala na si Lola at mga paninda niya.
"Ang bilis naman niya nawala weird" nirolyo ko nalang yung poster at nag kibit balikat.
Pag uwi ko sa bahay ay tumambad ang pinsan kong mukang clown sa kapal ng blush on at akala mo ay sinuntok sa labi sa pula ng lipstick.
"Hoy panget gawin mo assignment ko mamaya ah? kundi isusumbong kita kay Mama"
"Oo Claudette" sabi ko at tumuloy na para ipasok ang mga pinamili kong tela mananahi kasi ng mga gown at kung ano ano si Tita mabait siya at sila ni Tito ang nag papaaral sakin mag mula ng mamatay ang mga magulang ko. Iisang anak lang naman ako nila mama at papa sadyang itong bruhang anak lang nila ang inaalila ako masyado please insert sarcasm, at ubod ng sama ang ugali.
"Tita heto na po yung mga pinabili niyong mga Tela"
"Sige salamat iha mag pahinga kana muna doon" sabi niya at nag patuloy sa pag tatahi.
"Sige po tita" nandito na ko sa kwarto ng maalala ko yung poster binuklat ko ito at kumuha ng tape at dinikit sa pader ko.
"Wala namang masama kung idikit ko to dito" naibulong ko at hinagod yung poster.
"In fairness ha ang gwapo mo talaga" kumuha na din ako ng damit sa cabinet ko mag papalit muna ako dinikit ko kasi sa gilid ng cabinet ko yung poster na siyang nasa ibabaw naman ng kama sa ulonan ko. Hinubad ko na yung blouse ko at akmang mag papalit ng bra ng..
"Why still using bra? You dont have even breast" agad kong dinampot yung blouse ko at tinapat sa hinaharap ko.
"S-sino yan ha?" Tumingin ako sa paligid at natigilan ako sa isang lalaking nakaupo sa kama ko naka de kwatro pa siya habang naka tingin sa mga kuko niya. T-teka? Agad nanlaki ang mga mata ko ng ma realize kung sino ito.
"Ikaw yung nasa poster?!" Napatingin ako sa poster at wala na yung lalaki don.
"Yes i am, flat chested lady"
"T-teka pa-panong?" Ngumisi siya at dahan dahang lumapit sakin.
"I'm here to grant your 4 wishes. Park Jimin at your service" sabi niya, sakin sabay hawak ng kamay at hinalikan ang likod ng palad ko.
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
" The Magical Poster "
Fanfiction" Ano nga ba ang gagawin mo, kung ang isang binigay lang sayong poster ay siyang makaka pag bago ng ordinaryo at simple mong buhay, are you willing to take a risk? O pipiliin mong lumayo para sa kaligtasan mo?" Grammatical errors ahead, di naman po...