Natapos na kong naligo at syempre sa cr na ko nag palit, mahirap na baka sumilip pa yung bungal na Jimin na yon. Pag pasok sa kwarto ay naabutan ko siyang nag babasa ng libro.
Tinanggal ko ang pag kakadikit ng poster.
"Sure ka talagang sasama ka ah?" Blanko ang reaction niya akong tinignan.
"Oo nga" tumayo na siya at nag snap ng 3 beses at nawala na siya. Bumaba naman na ako pag katapos kong tupiin yung poster, Nakita ko naman si Claudette na nanonood ng tv.
"You're so baduy manamit talaga" rinig ko pang sabi niya bago ako makalabas ng pinto kaya nag salita din ako.
"You're so arte talaga" pang gagaya ko pa sa tono ng boses niya.
"May sinasabi ka ba?"
"WALA SABI KO ANG GANDA MO sapakin" mahina na talaga syempre yung last word. Tuluyan na kong naka labas nag lakad ako sa isang eskinita at sinilip kung may naka tingin o tao sa paligid.
"Labas ka na" sabi ko at maya maya nga lang ay nasa harap ko na si Jimin.
"Ang baho ng bag mo" sabi nito habang nag papagpag pa ng damit.
"Ang baho ka diyan, di ka lang sanay sa pabango ko" hindi na niya ko pinansin at nauna pa itong nag lakad sakin agad naman akong pumara ng jeep, sabay hawak sa kamay niya tuloy tuloy kasing nag lalakad tsaka hinila na siya sa loob.
"Remove your hands flat" mahinang bulong niya napatingin naman ako sa kamay kong nakahawak din sa kamay niya, agad naman akong bumitaw.
"Saan saan ka kasi pumupunta, baka nakakalimutan mong may kasama ka" sagot ko naman sakanya.
Nag bayad na ako at tinignan ko siya, tahimik lang naman itong nakatingin sa kawalan tumingin ako sa katapat namin at napakunot naman ang noo ko sa dalawang babae, na nasa tapat nga namin mag bubulungan sila sabay tingin kay Jimin tapos parang kinikilig.
"Why are you staring at them like that?" Lalong sumama ang tingin ko sa dalawang babaeng ito na pasimple pang pinapakita ang ID nila kay Jimin.
Hah! Akala nila hindi ko alam ang mga galawan nila, ngumisi ako at pinag intertwine yung kamay namin ni Jimin.
"Bumitaw ka nga.." mahinang bulong niya sakin mas hinigpitan ko naman yung pag kaka hawak sakanya. At di pa ko nakuntento at sumandal sa balikat niya, napatingin naman ako sa dalawang babaeng katapat namin at hindi na maipinta ang muka nila HAHAHA
"Tss naiintindihan ko na" hindi ko siya kinibo hanggang sa makarating na kami sa Mall pero bago bumaba, ay lumingon siya sa babaeng nasa harap namin.
"Ill add your facebook account ladies" sa inis ko ay sinipa ko nga ayon muntik na mahulog pababa ng jeep.
"Yah! Inaano ba kita kanina ka pa?!" Bungad na talak niya sakin habang masama ang tingin.
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok ng mall, pag pasok ko ay agad kong hinanap ang national book store bahala siyang maiwan. Pag pasok ko sa loob ay kumuha agad ako ng basket gusto kung mag tingin tingin muna ng libro kaya Novels section muna ako pumunta, hindi ko napansin na almost 10 minutes na din pala wala pa si Jimin.
Hanggang sa naramdaman kong may humawak ng right hand ko, at pinag intertwine bibitaw na sana ako ng ma realize ko kung sino, si manyak.
"Akala ko nawala ka na, akala ko may nangyaring masama sayo" Blanko ko naman siyang binalingan ng tingin.
"Siguro mas hindi ako magugulat kapag ikaw ang nawala, sating dalawa mister ikaw ang walang alam sa lugar na ito" sagot ko sakanya.
"Hmm sabagay, but i don't know why im feeling something in this place, parang alam na alam ko tong lugar na to"
"Alam mo kung bakit malamang dito po kasi ako pupunta diba school supplies store?" Nakataas kilay kong sagot.
"Alam mo kanina ka pa, bakit ba ang sungit sungit mo?" tinitigan ko siya sa mata at sinagot.
"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko" nakakunot pa din ang noo nito sakin.
"Wanna know why? Malandi ka kasi" sabi ko at iniwan siya doon sabay lipat ng lugar kung saan nandon ang mga notebook.
BINABASA MO ANG
" The Magical Poster "
Fanfiction" Ano nga ba ang gagawin mo, kung ang isang binigay lang sayong poster ay siyang makaka pag bago ng ordinaryo at simple mong buhay, are you willing to take a risk? O pipiliin mong lumayo para sa kaligtasan mo?" Grammatical errors ahead, di naman po...