Chapter 16

0 0 0
                                    

That day pinahiram ako ni Athena ng damit at naka pamalit ako, lumipas ang ilang araw na ganon pa din. Laging nag babangayan si Jeff at Jimin na akala mo nga ay walang nag papatalo, kapag nasa bahay naman kami puno kami ng plastikang pakikitungo sa isat isa ni Clauddette na akala mo ay ayos pa din kami, pero kapag nasa school puro parinig at kung ano ano pinag gagawa niya sakin. Ganon din sila Yoongi, minsan pag makakasalubong ko sila biglang ihaharang ni Yoongi ang paa niya at natatalisod ako, nilagyan din nila ng palaka yung bag ko pinapahiya at kung ano ano pa, sobrang clingy na din ni Jimin ngayon , hindi ko alam kung bakit siya biglang nag bago lagi niya din akong pinag tatanggol kung may pag kakataon, lagi din akong tinutulungan ni Athena.

"Flat sakay ka na sa bike ko" bungad sakin ni Jimin pag bukas ko ng gate.

"Heh! Inaway mo ko kagabi bwisit ka tapos gusto mo kong sumabay sayo? Ni hindi ko nga alam kung saan mo ninakaw yang bike mo!" Sagot ko sakanya at nag tuloy tuloy na nag lakad, ewan ko ba diyan bigla na lang ang sungit sungit kagabi. Kesyo daw pano na lang pag napahamak ako, late na kasi ako nakauwi dahil birthday ni Jeff.

"Hoy di ko ninakaw to this is how my magic works, sorry na hon" sabi nito habang sinasabayan ng pag pedal niya ang pag lalakad ko, isa pa yan lagi na niya kong tinatawag na hon.

"Tigil tigilan mo ko Park Jimin"

"Babs!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin, nakita ko si Jeff sa loob ng kotse niya nakababa lang ang bintana niya.

"Pasok na tayo" napatingin ako kay Jimin na nakayuko at nakatingin sa bike niya.

"Sumabay ka na sakanya" nag aalangan man ay tumawid na ko para sumabay kay Jeff, napatingin ako kay Jimin at nag pedal na ito ng mabilis paalis.

"Good morning babs, here" bati niya sakin pag pasok ko sa kotse niya, at inabot sakin ang isang box ng chocolates.

"Thank you babs" ngumiti lang ito sakin hanggang sa makarating na nga kami sa school.

"Mauuna na ko babs ha? Kita na lang tayo mamaya" sabi ko at nauna ng bumaba ng kotse tsaka nag madali ng pumunta ng room late na kasi ako, pag bukas na pag bukas ko ng room namin ay may nabuhos sakin isang timba ng pulang pintura. Kasabay nito ang tawanan ng mga kaklase ko pero mas nangibabaw talaga sa pandinig ko yung tawa ng 5 Aces, pinunasan ko ang muka ko at bumungad sakin silang anim naman hawak na mga balde.

"This is gonna be fun" nakangising sabi ni Jungkook sabay binuhos papunta sakin ang mga harina na laman ng timba.

"Wooohhh" mas naging maingay ang mga kaklase ko sa nangyari, napayuko na lang ako habang nag pipigil ng iyak.

"What now Y/N? Umiyak ka na, mag sorry ka na kasi sakin at aminin mong tatanga tanga ka talaga para gawin sakin yung pag papahiyang ginawa mo" hindi ko sinagot si Yoongi at nanatiling nakayuko.

"Hahaha ayaw sumagot, paliguan na natin" sabi naman ni Namjoon, napatingin ako sakanila na ngayon ay may hawak ng mga balloon na may tubig sa loob.

"Let the fun begin!" Sigaw ni Taehyung, sabay pinag babato nila ako ng balloon na may tubig. Ang mas nakaka gulat pa maging ang iba naming kaklase naki bato na din. Hanggang sa napaupo na lang ako at napa pikit, hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ko ng tuluyan. Puro tawanan lang nila ang naririnig ko.

"What the Y/N!" Narinig kong sigaw ng kung sino, hanggang sa narinig ko na lang ang gulo at murahan. Nakita ko na lang na pilit inaabot suntukin ni Jimin si Yoongi.

"WALA KA TALAGANG AWA HAYOP KA! HINDI MO TALAGA SIYA TITIGILAN?! PAPATAYIN NIYO BA SIYA HAH?!" nag wawala na talagang sabi ni Jimin na ngayo'y hawak hawak ni Taehyung at Jhope. Nagulat na lang ako ng buong lakas siyang bumitaw sa pag kakahawak nila, at tuloy tuloy na sinugod si Yoongi hanggang sa mag palitan na sila ng suntok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

" The Magical Poster "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon