Chapter 07

3 0 0
                                    

At pag kabayad nga namin ng pinamili namin ay pumunta kami ni Jeff sa isang fast food chain para kumain sandali, oo mabilis lang talaga kasi nga FAST foodchain (edi wow corniii Cy). Tapos ay hindi ko na nakita pang muli si Jimin bahala nga siya sa buhay niya. Sa kabilang barangay na kasi nakatira ngayon sila Jeff at iyon ang sabi niya sakin, kaya sa sakayan lang kami nag kasabay pero ng papasok na sa lugar namin ay nag hiwalay na kami, hay na miss ko talaga yung crush slash boy bestfriend ko na yon. Habang nag lalakad ay napatingin naman ako sa kalangitan, medyo madilim na din pala. Nilabas ko ang phone ko its 7:30 pm wow hindi ko napansin yung oras ah.

Tuloy tuloy lang akong nag lalakad ng mapatingin ako sa eskinita, wala pa si Jimin? Ay bahala na nga siya akmang mag lalakad na sana ako ng may humila sakin papasok, nakatakip yung bibig ko habang nasa likod ko siya nakayakap naman siya sa bewang ko.

"Ang tagal mo naman, balak mo pa kong iwan" agad ako pumalag at humarap sakanya.

"Hoy bakit malay ko bang andito ka pa ha? Mister Park Jimin, at bwisit ka talaga natakot ako sayo"

"I'm already here since 5 pm so yeah almost 2 and half ours of waiting"

"Aba malay ko ba na matataga--" Dahan dahan siyang lumapit sakin at pinahawak yung poster tapos nag 3 times snap at bigla na siyang nawala.

"Bastos mo, iwan kita dito eh" sabi ko sakanya sabay tiklop ko na ng poster at nilagay sa bag ko, at nag lakad na papasok ng bahay. Naabutan ko naman sa sala sila Tita na nag hahanda ng pag kain habang si Tito at Claudette ay nanonood sa sala, nag mano naman ako kay Tita at Tito.

"Bakit ngayon ka lang Y/N?" Tanong sakin ni Tito.

"Oo nga halika at tulungan mo na kong mag handa ng hapunan" pumunta naman ako kay Tita at tinulungan siya.

"Siguro nag landi nanaman yan"

"Hindi po, katunayan nga pwede po bang mamaya na lang ako kumain? Medyo busog pa kasi ako nag kaayaan lang pong kumain kanina ni Jeffrey" bigla namang napatayo si Claudette.

"What did you say? Andito na si Jeffrey?" Gulat na gulat na sabi niya.

"Ah oo? Dito na daw kasi siya mag aaral, at sa Harver University din daw siya mag aaral" sagot ko naman kay Claudette na ngayon ay malaki ang ngiti sa labi, pumayag na din sila na mamaya na muna ako kumain kaya, umakyat muna ako sa kwarto ko para makapag palit di ko muna nilabas sa bag ko yung poster hanggat di ako nakakapag palit. Mahirap na yong manyak pa naman na yon, pag kasabit ko ay lumabas agad siya.

"Bakit ba mamaya ka pa kakain? Nagugutom na ko eh"

"Di ka kumain" sagot ko sakanya habang inaayos ang mga gamit ko, para sa pasukan bukas.

"Tsk hinintay kita ng halos 3 oras tapos gugutumin mo lang ako?"

"Aba bakit mo sinusumbat sakin yan mister manyak, kasalanan ko bang lumandi ka kanina pero di manlang kayo kumain?" Nakataas kilay kong tanong sakanya, umupo naman siya sa kama ko at nag de kwatro gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Hindi naman ako lumandi"

"Wow nakakahiya sa babe at tawa mo ha" sagot ko naman sakanya.

"Wag ka ngang umaktong parang nag se selos ka diyan" sabi niya sakin habang pumikit nanaman at tumingala, gaya ng lagi niyang ginagawa.

"At sino nag sabi sayong nag seselos ako ha? Ang kupal mo ding manyak ka, naiinis lang ako sayo kasi bakit pag dating sakin ang sungit sungit mo, samantalang sa ibang babae bakit ang bait mo, nakikipag tawanan ka pa" sabi ko habang padabog na nilalagay sa bag ko yung mga notebook.

"Then tell me if that makes you mad my flat chested lady i won't flirt again" sabi ni Jimin sa mismong muka ko dahil sobrang lapit ng muka niya habang naka ngisi sakin at hinaplos yung leeg ko.

"Bwisit ka talaga, at tigil tigilan mo ko sa kalandian mo ha Jimin kung akala mo tulad ako ng ibang babae na nalalandi mo no.. no.. no"

"Asa ka din namang papasa ka sa standards ko, sa liit ng dibdi--" binato ko siya ng tumbler ko.

"Oo na ikukuha na kita ng pag kain just, wag mo kong bwisitin" sabi ko at padabog na bumaba at pumunta na ng sala para kumuha ng pagkain.

At ayan tahimik na itong kumakain, hanggang sa Matapos siya natapos ko na ding maayos ang gamit ko para bukas.

"May pasok na ko mula bukas, dito ka lang sa bahay ha?"

"Hmm, salamat sa pag kain wag ka mag alala dito lang ako di ako gagawa ng kalokohan"

"Goo--" nag snap nanaman siya ng tatlong beses sabay nawala.

"Bastos amp! Ang moody moody ng manyak na malanding to" hanggang sa nakatulog na ko matapos kong bigyan ng pag kain si Jimin, kinabukasan ay nag madali ako ng kilos sheez tinanghali ako ng gising malililate na ko! Hindi na ko nag almusal at nag madali ng lumabas.

"Good morning babs" natigilan ako sa pag lalakad ng makita ko sa harap ko si Jeff.

"Ano good morning sige late na ko eh"

"Halata nga, sakay kana babs tara" sabi niya sakin at hinila papasok ng isang kotse, nag drive naman siya agad.

"Wow may kotse ka na pala babs"

"Yup, regalo ni dad last month"

"Nice" nakangiting sabi ko sakanya. Hanggang sa makarating na kami sa school

"Wait mo na lang ako dito babs kunin ko lang sa guidance copy ng schedule natin" sabi niya sakin at naiwan akong nakatayo dito sa gilid ng pathway.

Hanggang sa narinig ko ang mga mahinang tili ng mga estudyante lalo na ang kababaihan.

"Omy andiyan na sila"

"Ang gwapo talaga nila aAaa" okay anong meron? Hanggang sa naramdaman ko nalang ng may sumagi ng balikat ko, abat?! Agad akong lumingon sa likod ko at omy gosh ang ang.. ang..

"Gwapo" ngumisi naman sakin yung lalaking sumagi sa balikat ko.

"Ang laki mong basura pakalat kalat" sabi nito habang naka tingin sakin. Natawa lang naman ang mga kasama niya, at tumuloy na sila mag lakad habang ako? Hindi pa rin makapaniwala sa nakita ko, pero parang familiar yung tatlong lalaki lalo na yung sumagi sakin.

"Grabe walang kupas ang gwapo talaga ng 6 Aces"

"Oo nga lalo na si Yoongi"

"Sperm cell lang ni Taehyung masaya na ko shet" luh? OA naman non saan ko ba nakita yung sungit na yon?

" The Magical Poster "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon