Nag tuloy tuloy naman na ko at tinahak ang room namin, pag dating ko ay naabutan ko ang 6 Aces na nasa kanya kanya na nilang upuan. Tuloy tuloy lang naman ako sa pag lakad papunta ng pwesto ko kahit pa na pinag titinginan nila ako.
"Ngayon ko lang naalala na katabi pala kita sa subject na to" nakangising sabi ni Yoongi, hindi ko na lang siya kinibo at naupo na ko sa tabi niya. Parang naman kasing may choice pa ko, isa pa ayokong mag simula ng gulo pagaling pa lang ang mga sugat ko sa binti. Maya maya lang ay dumating na si Athena parang may hinahanap naman siya at ng makita niya ko ay ngumiti siya at kumaway sakin. Ngumiti din naman ako at kumaway, napatingin naman ako sa katabi ko na biglang ngumisi.
"Fuck" natatawa parang kinikilig na sabi niya, ako naman ang natawa sakanya takte akala niya siguro ay siya yung kinakawayan ni Athena HAHAHA. Hinayaan ko na lang siya kung anong gusto niyang isipin, dumating na ang sir namin at nag simula na ang klase, mukang di ko kaklase si Jimin.
"Okay so kindly solve this problem infront any volunteer? " sabi ng Sir namin, nagulat naman ako ng hawakan ni Yoongi ang kamay ko.
"H-hoy!" At tinaas niya ang kamay ko.
"Sir si Y/N daw" sabi niya nanlalaki ang mata ko namang tinignan siya, ngumisi lang siya sakin at binitawan ang kamay ko sabay cross arms.
"Okay Ms. Y/N" napatingin ako sa pwesto ng 6 Aces at lahat sila naka tingin sakin, actually ang lahat ng kaklase ko. Kaya tumayo na ko at tayong pag tayo ko ay medyo umangat din yung kinauupuan ko. Pag tingin ko ay naka dikit yung palda ko sa upuan ko. Nag tawanan naman ang buong klase lalo na ang 5 Aces si Yoongi naman ay halatang nag pipigil ng tawa. Pilit ko itong tinatanggal pero mas lumakas ang tawanan nila ng marinig ang tunog ng pag kapunit ng palda ko.
"Ano ba! Stop it you guys!" Sigaw ni Athena natahimik naman sila, agad na lumapit sakin si Athena at tinakpan ako ng extra shirt na dala niya. At tinignan ng masama si Yoongi.
"Gawa niyo nanaman to Min Yoongi" sabi niya sakanya.
"What? I didn't do anyting" inalalayan naman ako ni Athena.
"Sir may we go out?" Tunango lang naman samin ang prof namin, at pumunta na kami ng comfort room.
"Hiramin mo na muna yung extra kong palda here" sabi niya sakin sabay bigay ng palda niya.
"Thank you Athena" sabi ko sakanya at medyo ngumiti.
"Nakausap ko si Yoongi kahapon pero sorry bes i can't do anything to stop him hindi niya ko kinikibo, at wag ko daw siyang pakilaman sa gusto niyang mangyari"
"Hayaan mo na siya Athena mag sasawa din yon" sagot ko sakanya.
"But don't worry lagi naman akong andito para tulungan ka" sabi niya sakin at ngumiti.
"Maraming salamat, Ang bait bait mo talaga sakin kaya nga nag tataka ako kung anong nagustuhan mo don sa lalaking yon" ngumiti na napapailing na lang siya sakin at tinahak na namin ang pabalik ng room. Lumipas ang oras sa subject na to kaklase ko naman si Jeff wala si Athena at ang 6 Aces. Pag pasok ko ng room ay agad niya kong tinawag pero hindi ko siya pinansin.
"Babs!" Naupo na lang ako sa tabi ng isang kaklase ko, Maya maya lang ay pumunta siya sa harapan ko.
"Hi miss pwede bang lumipat ka na lang don sa pwesto ko? Please?" Baling na tanong niya sa katabi ko. Parang kinilig naman ang bruha sabay sabing "sure" sa pabebeng tono, napairap na lang ako sa hangin.
"Babs, sorry sa kahapon kung pinangunahan kita. Umasa lang naman ako na mababago ang pakikitungo niya sayo kapag, kapag sinabi ko" bumaling naman ako ng tingin sakanya
"At yon nga ang nangyari Jeff, nag bago si Clauddette mas naging masama ang ugali niya at hindi ako natutuwa dahil don" hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Ill protect you no matter what babs" natigilan naman kaming dalawa ng makarinig kami ng malakas na tawanan, napatingin ako sa pinto at sila Clauddette yon. Natigil din ang tawanan nila pag kakita saming dalawa.
"Oh guys look who's here ang pinsan kong ahas at si Jeff, kaklase pala natin sila what a good coincidence" tumatawang sabi niya. Naalala kong iisa nga lang ang teacher sa subject na to at may tsansa talagang maging kaklase ko si Clauddette, Kahit pa na 2nd year college lang siya. Inirapan niya ako sabay upo na sa pwesto nila sa likod, kasabay naman nito ang pag pasok ng teacher namin. Nag simula ang klase at dahil wala daw ako kahapon ay kailangan kong mag pakilala sa harap.
"Hi, goodmorning ako nga pala si Y/N 17 years old s-sana maging mag kakaibigan tayo sabi ko at ngumiti" ng bigla namang sumigaw si Clauddette.
"Guys don't get too close at her wanna know why? Malandi kasi yan mang aagaw ng soon to be boyfriend" narinig ko namang nag bulungan ang mga kaklase ko at again napayuko na lang ako.
"Okay thats enough, mag pinsan kayo pero sinisiraan niyo ang isat isa" sabi ng teacher namin napaupo na lang ako, hinawakan naman ni Jeff yung kamay ko.
Napatingin naman ako sakanya, gusto ko si Jeff at handa nga ba akong ipag patuloy to? Tinitigan ko siya pero parang bigla kong naririnig ang boses ni Jimin na sinasabing..
"Hindi lang magiging maganda ang dulot sayo ng lalaking yan, kapag pinag bigyan mo siya masasaktan ang pinsan mo lalo ka na physically" natapos ang klase at lunch time na palabas na kami ng pinto ni Jeff ng biglang dumaan sa gitna namin si Claudette at mga alipores niya sinadya niya pang banggain ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Haharang harang kasi" sabi niya sakin sabay hawi ng buhok niya, nag tawanan naman ang mga kasama niya sabay labas na ng room.
"Babs.." mabilis naman akong inalalayang tumayo ni Jeff.
"Kailangan ko na talagang makausap ang pinsan mo"
"H-hayaan mo na siya Jeff, naiintindihan ko naman isa pa ang sabi mo ang importante naman yung kung anong meron tayo diba?" Nakangiting sabi ko sakanya, Parang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Talaga? Ibig bang sabihin niyan?"
"Hahaha oo Jeff pinapayagan na kitang manligaw" mag re react na sana siya ng
"Ehem" sabi ni Jimin na nasa likod ko na pala.
"Hey Flat lunch tayo" sabi niya sakin.
"Tara Babs, daanan na din natin si Athena" baling ko naman sakanya.
"Ikaw nanaman?" Nakakunot na tanong ni Jeff.
"Yeah, why?" Sagot ni Jimin sakanya.
"Bakit ba lagi kang nakadikit kay Y/N ano ka ba niya?"
"Nung unang meet up natin di ka ba nakikinig? Kaibigan pre" blankong reaction na sagot ni Jimin habang nakapamulsa.
"Pwes di ako natutuwa Jimin, manliligaw na ko ni Y/N kaya pwede ba dumistansiya ka?"
"Eh ano naman kung manliligaw ka kaibigan ako, bawal na ba lumapit sakanya"
"Oo pre di mapag kakatiwalaan ang mukang meron ka eh" nakangising sabi ni Jeff.
"Babs.."
"So sinasabi mong ikaw lang na manliligaw pwede?"
"Parang ganon na nga" ngumisi si Jimin sa sagot ni Jeff at napayuko habang umiiling, at inangat nito ang ulo niya ng may ngisi pa din sa labi.
"Edi liligawan ko na din siya ano babawalan mo pa ko?"
Jimin ano bang sinasabi mo?
BINABASA MO ANG
" The Magical Poster "
Fanfic" Ano nga ba ang gagawin mo, kung ang isang binigay lang sayong poster ay siyang makaka pag bago ng ordinaryo at simple mong buhay, are you willing to take a risk? O pipiliin mong lumayo para sa kaligtasan mo?" Grammatical errors ahead, di naman po...