6

8 1 0
                                    

School
Life is a paradise for us before, not until it became a mess. Expect the unexpected? That's right. Ano ba kasi talaga ang buhay kung puro saya lang? O kung puro problema lang? Nakakasakal.
May mga bagay kang kailangan mong tanggapin kahit ayaw mo, kahit halos sumira ng buhay mo. Kailangan mong harapin kase matagal ng panahon ang nakalipas?

Shit!

Para sakin kahit kailan hindi naging sagot ang oras o panahon sa sakit na meron ka. Time never heals wounds for me. At kung totoo nga iyon? Gaano katagal?...
Mahirap intindihin at tanggapin pero may mga bagay na panghabang buhay na.
Lifetime pain.
Napailing na lang ako at sumunod na sa mga pinsan kong nasa garden na.
"Lex," thick voice from behind.
It was my dad... Mga bagay na hindi kayang harapin pero kailangang gawin. Napailing na lang ako at hinarap siya.
My emotion was void. Dark.
His stance never did change. Maangas at malakas pa rin. With his camouflage uniform paired with black thick boots. And a hand-gun to his waist.
I feel so betrayed and hatred starting to consume me kung hindi ko lang naaalala ang sinabi ni mommy...

"Let's fix everything Lex... Our family...please..."

Hinawakan niya ang kamay ko habang ako nakatayo sa harapan niya habang nakaupo siya sa kama. Her voice is husky and the glistening tears is provoking to fell for her cheeks.

Malungkot na mga mata niya ang pumipiga sa puso ko at nagpapaalala na hindi tayo pwedeng makulong sa isang lugar o sitwasyon na sisira sa atin. It will never break me though. Hindi ko hahayaan mangyari ang bagay na iyon. I was broken before everything happened and I'm fixing myself by being broken...

No one can understand that without being in my shoes.

I caressed moms' hands ang looked at her painfully. I smiled, half faked smile. Totoong gusto kong maayos kaming lahat pero iba ang sitwasyon ngayon. I can't even understand Tito Saxtro. Paano niya natanggap? Paano niya nagawang magpatawad sa mga taong hindi man lang siya nagawang tingnan ng may pagsisisi? Ni hindi man lang sumubok na magsalita at humingi ng tawad sayo...

Nag igting ang panga ko at lumapit sa kaniya. He hugged me. This is my father...I heard him sobs at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Gusto kong...sabihin na ama ko pa rin siya at tanggap ko kahit ano. Pero...twing dumadapo yung sakit...hindi ko mapigilang magdilim ang paningin. Gustong gusto kong ibuhos ang pakiramdam ko.

Damn it!

"Dad...," nag-aalinlangan kong salita ng kumalas siya sa akin. He tapped my shoulders and smiled at me... Tumango na lang ako...at binalingan ang pababang si mommy.

"Mom...," hindi nawala ang tingin ni mommy kahit pa tinawag ko siya.

She's looking at her husband, kitang kita ang pangungulila sa ilang taong hindi nila pagkikita. Binalingan ko ang daddy kong hindi na rin nawala ang titig sa mommy ko they really missed each other. That's for sure...sa tagal ng hindi pagkikita nang taong mahal mo kahit sino naman siguro masasaktan at mangungulila.

Naging mabagal ang paghakbang ni mommy kaya sinalubong na siya ni daddy nang mahigpit na yakap sa pangalawang baitang pa lamang ng hagdan.

I guess, I should leave now. This is their moment...inalis ko ang tingin at tinahak ang daang patungo sa pool. Naabutan kong nagkakatuwaan ang mga Tita at Tito ko sa kabaliwan na pinaggagagawa ni Aedrian. Tumutugtog ang isang kanta na pangsexy dance at sumasayaw siya.

"Yuck kuya!You're so disgusting!" Irap ni Milly sa kuya niya nang sayawan siya sa gilid habang nakaupo.

Tawanan naman ang nga nanonood.

"Daddy...look at kuya grabe! Nakakahiya siya!" Si Milly na ngayon ay halos mailuwa ang iniinom na iced tea.

Nilapitan siya ni Aed at hinila patayo. Hinawakan pa ang beywang ng kapatid at sinayawan. Natatawa na lang ako habang pinapanood sila. Tinulak siya ni Milly kaya pumunta naman siya kay Tita Melania.

Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon