Kasalukuyang nandito sina Lee at Troy sa boys' CR. Nasa fiest floor sila na CR.
"Bro, grabe ka. Hindi mo na ba talaga matiis yung ihi mo?" Tanong ni Lee na nasa labas ng cubicle ng CR na pinasukan ni Troy. Inaantay niya si Troy na matapos sa pag ihi.
"Oo, bro. Grabe kanina ko pa talaga to pinipigilan." Sagot ni Troy habang umiihi.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos din si Troy sa pag-ihi at lumabas na sa cubicle na kanyang inihian.
"Oh, success na bro?" Nakangiting tanong ni Lee.
"Oo bro. Nilabasan na ako." Sagot naman ni Troy na abot hanggang tainga ang ngiti.
Kaya naman ay agad siyang binatukan ni Lee.
"Aray!" Pagrereklamo ni Troy habang hinihimas himas niya ang kanyang batok. Abot langit pa ang haba ng kanyang nguso.
"Sakit nun ah!" Sigaw nanaman ni Troy.
Tumawa naman si Lee ng napakalakas na nakahawak pa sa kanyang tiyan.
"Sirauko ka kasi! Ang tino ng tanong nung tao sasagutin mo ng isang loko-lokong sagot!" Sigaw ni Lee.
"Linabasan nga ako!" Sigaw ni Troy na masama na ang timpla ng mukha.
Agad naman na natigil sa pagtawa si Lee. Literal na natigilan si Lee sa mga sinabi ni Troy. Nanlalaki ang kanyang mga mata saka may tingin na tila ba hindi makapaniwala na tingin.
"Gago ka, bro. Nag jaks ka sa loob?!" Sigaw nanaman ni Lee. Agad naman na timabunan ni Troy ang bibig ni Lee.
"Hoy. Baka may makarinig sayo. Oo, nilabasan ako, ng ihi. Gago ka, bro. Hindi ako nag jaks." Mahinang sabi ni Troy.
"Hoy!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Agad naman na napaogtad sina Lee at Troy. Sabay-sabay na dahan-dahan silang lumingon sa pinanggalingan ng isang oamilyar na boses.
Nung nilingon nila ang pinanggalingan ng boses ay nakita nina Lee at Troy sina Jack, Rem at Roy na nakangisi na ngayon ng isang mala demonyong ngisi.
Agad naman na ginapangan ng kaba sina Lee at Troy. Ang pagkabog ng kanilang puso ay napakalakas na at hindi na normal. Para bang gusto na nitong kumawala sa kanilang katawan.
"Diba gusto mo to, Troy?" Tanong ni Jack kay Troy saka may kinuhang kung ano.
Nang makita nina Troy ang kinuha ni Jack ay agad na nanlaki ang kanilang mga mata at halos luluwa na ang kanilang mata. Isang chainsaw! Joke only. Iss itong caramel cupcake!
"Diba gusto mo tong caramel cupcake?" Tanong ni Jack na nakangisi pa rin ng isang mala demonyong ngisi.
"A-Anong gagawin nyo kay Troy?" Nauutal na sigaw ni Lee. Kahit na kinakabahan at bakas sa kanyang mga mata ang takot ay pilit niya itong nilalabanan at hindi ipakita kina Jack na natatakot siya.
"Aba, nagmamatapang ka ah. Wag kang mag matapang Lee, wala dito ang master nyo." Sabi ni Rem saka tumawa ng napakalakas na sinabayan naman nina Jack at Roy n nakahawak pa sa kanyang tiyan.
"Aba! Siraulo pala kayo eh!" Nilapitan ni Lee si Jack at akmang sisikmuraan pero agad siyang hinatak ni Roy saka mahigpit na ginapos ang dalawang kamay ni Lee sa mga bisig ni Roy.
Tumawa ng bahagya si Roy.
"Hoy Lee. Bata ka lang. Hindi ka tulad ni Nexus na hinog na." Sabi ni Roy na nakangiti ng mala demonyo pa rin na ngiti.
"Diba gusto mo to, Troy?" Tanong ni Jack. Saka pinapainggit pa si Troy. Saka ito inamoy-amoy.
"Hmmm. Yummy, caramel cupcake!" Sigaw ni Jack na tila ba nasasarapan sa inamoy-amoy nito. "Kainin mo to!" Sigaw ni Jack saka ito pinasok agad sa bibig ni Troy saka pilit sinarado ang bibig ni Troy.
Ang kaninang kinakabahan ngayon na si Troy ay tila napalitan na ng gulat. Mas nanlaki ang mga mata ni Troy dahil ang pinakain sa kanya ni Jack na caramel cupcake ay katulad pala nung maanghang na caramel cupcake na iginanti niya kay Jack noon.
"Yummy! Diba?" Tanong ni Jack na abot hanggang tainga ang ngiti.
Ngayon lang narealize ni Troy na namumula pala ang nguso ni Jack . Siguro ay dahil yun sa pag kain ni Jack nung caramel cupcake kono, isang caramel cupcake na maanghang.
Agad naman na nanlaki ang mga mata ni Lee ng nginuya ni Troy ang caramel cupcake. Pilit na nagpupumiglas si Troy pero ginapos ni Rem ang dalawang kamay ni Troy gamit ang lubid.
"Hoy! Siraulo kayo! Lumaban kayo ng patas!" Sigaw ni Lee saka nagpupumiglas.
Agad naman itong sinikmuraan ni Rem. Kaya agad na nanghina ang buong sistema ni Lee.
Umungol si Troy na tila ba binanggit ni Troy ang pangalan ni Lee dahil sa agad nitong panghihina nito sa katawan.
"Sa susunod! Kung gaganti ka! Siguraduhin mong hindi kana mareresbakan! Piliin mo ang kalaban mo Troylalu este Troy Andrin!" Sigaw ni Jack na dinuro pa si Troy.
"Naiintindihan mo ba?! Ha?!" Pasigaw na tanong ni Jack na tila ba nanggigigil na. Niyugyog pa niya ang magkabilang balikat ni Troy.
Agad naman na tumango si Troy ng maraming beses.
"Teka, nag gy-gym ka no?" Nakakunot noong tanong ni Jack. Agad naman na napakunot ng noo si Troy.
"T-Tara na nga!" Nauutal na sigaw ni Jack. Agad naman na lumisan sina Jack, Rem at Roy. Iniwan nila si Troy na nakagapos pa rin sa lubid at si alee na hinang hinana.
Nagpahinga nalang muna si Lee t Troy sa CR. Maya-maya pa ay may narinig silang kalabog. Sabay naman silang agad na napatingin sa pinanggalingan ng kalabog.
Agad nilang nakita si Nexus sa pintuan ng boys' CR. Nakanganga iti at tila gulat na gulat sa kanyang nakita. Bakas sa mukha ni Nexus ang pagkagulat at pag-aalala.
Kasalukuyang nandito sina Nexus, Lee, Troy, Shiva, Eya at Christine. Nandito sila sa sala ng second floor. Kasalukuyang ginagamot ni Christine si Troy habang ginagamot naman ni Eya ang jowa niyang si Lee. Aww! Very sweet!
Seryosong nakatingin si Nexus sa kawalan at nag-iisip. Namutawi ang katahimikan sa kanila. Pero agae naman itong binasag ni Eya.
"Mas mabuti pa sigurong wag nyo na silang patulan. Kasi ang mangyayari lang nito ay mag gagantihan lang kayo. Saka hindi na tayo makakafocus sa ating misyon." Sabi ni Eya habang ginagamot si Lee.
"Tama, mas mainam yung hindi na lamang natin sila papansinin because if papansinin natin siak ay malilihis tayo sa ating misyon. Magkakaroon ng great opportunity si Amby na magplano kung papaano niya tayo isa-isahin sa pagpatay. Dapat hindi natin binibigyan ng opportunity si Amby or should I say Sister Jolina." Sabi ni Nexus.
"So ano nang plano?" Nakakunot noong tanong ni Shiva.
Wala namang sinayang na oras si Nexus at agad naman sinabi ni Nexus ang plano nila. Seryoso nang nakikinig ang lahat at nakatuong lang sa nagsasalitang si Nexus ang kanilang atensyon.
Ano kaya ang kanilang pinaplano laban kay Sister Jolina? Magwawagi kaya sila sa kanilang plano? Knowing na si Sister Jolina ay may tinataglay na kakayahan.
Patuloy nating abangan ang kwentong ito at walang bibitaw kung gusto nyong masagot ang mga katanungan na nasa isipan nyo ngayon.
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...