Tumunog na ang bell na hudyat na dismissal na. Nag-uunahan na sa paglabas ang mga studyante ng last section. Sa lahat ng section ng grade 10 dito sa FAQ U sila talaga ang nauna. Natigil ang lahat ng studyante ng FAQ U nung tumunog ang mega phone sa bawat room.
"Hala besh ano kaya ang announcement?" Tanong ni Eya. "Nako besh ano nanaman kayang trip nitong panot na si DW. Yun ay malalaman natin besh kung makikinig tayo kaya mas mabuti pang makinig nalang tayo." Tugon ni Shiva kay Eya kaya tumango nalang ito sa tugon ni Shiva.
"Teka bro ano nanaman ba tong announcement?" Tanong ni Nexus kay Troy. "Ewan bro siguro may trip nanaman tong panot na Dean natin. Aray!" Sagot ni Troy kaya binatukan ito ni Nexus. "Pero bro ang tanong ay kung ano nanaman ba kayang trip nitong magaling natin na Dean." Sabi ni Lee na nasa mega phone ang tingin. Kaya nagkatinginan sina Nexus at Troy at sabay silang napatiingin kay Lee.
"Announcement! Did you find your first stay here in FAQ U boring?" Sabi ni DW mula sa mega phone na batid na nakangisi na si DW ngayon. Nagtataka na sina Nexus at kanyang nga barkada. Si Shiva naman nakakunot na rin ang noo at napatingin kay ito kay Eya na may nagtatanong na tingin rin kay Shiva. Si Rhian at kanyang mga alipores ay curious din as in lahat ng studyante ay curious.
"Okay, I will straight to the point. Si Sister Jolina ay may inilagay sa nga boys' locker na isang papel na naglalaman ng isang pangalan." Dagdag ni DW na sanhi ng agad na paglaki ng mata nina Nexus at kanyabg nga barkada at syempre ang mga studyante ay nabigla. "Ang pangalan na nilalaman ng inyong papel ay siyang dapat ninyong suyuin at ligawan agad. Habang ang mga girls ay blind, hindi nyo alam kung sino ang manliligaw sa inyo and all you need to do is to wait for youe manliligaw. Ang mabibigo at hindi nanunuyo sa pangalan na nakalagay sa kanyang papel ay may kaukulang punishment at si Sister Jolina na ang bahala sa pagpapahirap sa inyo. Alam na ng mga magulang nyo ito. Walang exemption. Yun lang, thank you and enjoy your stay here in FAQ U." Dagdag nanaman ni DW na mas nakapanlaki ng mata ng mga studyante.
Pagkaoff ng mega phone ay nagkakagulo ang mga studyante. Nagtutulakan, nagbabanggaan at kanya-kanyang takbo patungo sa kanilang locker pati na rin ang mga girls. Dahil ang girls ay magbabalik pa ng nga gamit nila sa locker at takot na macrowded pa lalo ang lockers' area kung mahuli pa sila.
Agad na tumakbo si Nexus at pati na rin ang kanyang mga barkada. " Tabi! Tabi sabi eh!" Sigaw ni Nexus at natakot naman ang mga studyante sa kanya kaya madali siyang nakapunta sa kanyang locker. Si Shiva naman ay walang ganang naglagay ng kanyang nga gamit sa kanyang locker.
Magkatabi ang locker nina Eya kaya sabay silang nagsauli ng mga gamit nila. "Sino kayang makakabunot sa pangalan natin besh? Sana naman hindi Grade 7. Nako lagot talaga sakin yang panot na yan pag Grade 7 ang manliligaw ko." Sabi ni Eya. "Ano ka ba hayaan mo na. Task lang naman to eh." Tugon ni Shiva kaya tinanguan nalang ito ni Eya.
"Bro, sinong nabunot nyo?" Tanong ni Troy. Binuksan pa ni Nexus ang kanyang locker. "Rhea Methusela Alonzo." Sabi ni Lee. "Hala diba bestfriend ni Shiva yan?" Tanong ni Troy. "Oo, si Eya yang nabunot niya." Sabi ni Nexus. "Naks alam na alam ah." Sabi ni Troy na nakangisi.
Booooggssshhhh!!!
Yan ang tunog na umalingawngaw na naging sanhi ng panlaki ng mga mata nina Troy at Lee pati na rin ng nga studyante na nasa lockers' area. Naroon rin si Shiva, Eya, Rhian at kanyang mga alipores na sina Mara at Ella na nakatingin na kay Nexus ngayon.
"Bro chill lang, tingnan mo oh pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Bulong ni Troy na nasa mga studyanteng nakatingin na ngayin sa kanila ang paningin. "Sabi ko na nga ba eh!" Galit na sigaw ni Nexus.
"Teka bro, anyare ba?" Naguguluhang tanong ni Lee. "Humanda talaga sakin yang natandang madreng yan!!!" Nanggigil na sigaw ni Nexus. "Bakit anyare nga?" Tanong ni Troy. Binalewala nalang ito ni Shiva at tumalikod na. "Sino ba ang nabunot mo?" Tanong ni Lee. Kasalukuyang naglalakad na sina Shiva at Eya ngayon palayo ng lockers' area. Nakatatlong hakbang pa lang sila nang...
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Gizem / Gerilim(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...