Dalawang araw na ang nakalipas mula nung binawian ng buhay si Troy. Kinuha ang bangkay ni Troy ng kanyang mga magulang na lumuluha pa.
Nakakalungkot isipin na hinding hindi sila pwedeng lumabas ng FAQ U. Kaya hindi makakapunta ang magbabarkada sa lamay ng kanilang barkada na si Troy.
Ilang araw na ring palaging walang ganang mag-aral si Christine. Biruin mo nga naman ang tadhana, kung makapaglaro wagas.
Nagsisimula pa lang ang kanilang love story pero tinapos din agad ng tadhana. Ang bitter talaga ng tadhana. Ang tadhana ba talaga o ang writer? Ene be telege? Ehe!
Kasalukuyang nandito na sina Christine kasama ang kanilang mga kaklase sa kanilang classroom. Dalawang araw nang tulala si Christine.
Nagdidiscuss ang kanilang guro tapos nakatingin siya sa guro. Pero ang tingin lang niya ang nakatuon sa guro, hindi ang kanyang atensyon.
Nakatingin siya sa kanyang guro ngayon na nagdidiscuss. Ngunit ang kanyang isip ay lumilipad at nag ala cloud nine. Iniisip pa rin niya ang karumal-dumal at mapait na kamatayan ng kanyang iniibig na si Troy.
Hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isip ang ngiti ni Troy nung magtatagpo na sana sila at yayakapin niya si Troy nang agad itong pinagsasaksak ni Amby. Naalala rin niya ang huling mga salita ng minamahal niyang si Troy bago bawian ang buhay.
Naalala niya kung gaano karumi ang white t-shirt ni Troy. Kung gaano naging pula ang puting t-shirt ni Troy. Naalala niya kung gaano ka dami ang dugo na iniluwa ni Troy ng mga panahon na yun.
At ang pagkaputol ng hininga ni Troy at pagkatumba ng ulo ni Troy sa sahig. Naalala niya ang mukha ni Troy na namatay nang bukas ang mga mata.
"Hindiiii!!!" Sigaw ni Christine habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tainga. Dahil may mga tinig siyang naririnig na hindi naririnig ng kanyang mga kasama dito ngayon sa kanilang classroom.
"Ms. Psy! Okay, ka lang ba?" Tanong ng nagdidiscuss sa kanila ngayon na si Ms. Amanda. Natataranta na ito ngayon dahil sa inakto ng kanyang studyante na si Christine.
Sa halip na sagutin siya ni Christine ay tumayo si Christine at dinuro silang lahat. Kaya naman ay napailing-iling nalang ang magbabarkada dahil sa isiping nababaliw na ito dahil sa pagkamatay ng kanyang minamahal.
"Kayo! Kayo!" Sigaw ni Christine habang dinuduro si Ms. Amanda at ang kanyang mga kaklase. "Hindi kayo magtatagal! Walang magtatagal na relasyon! Mamamatay yan dahil papatayin yan ng issng misteryosong tao na si Amby! Whahahaha!" Sigaw ni Christine pagkatapos ay tumawa ng napakalakas.
"Boys! Dalhin nyo na agad yan sa clinic! Nababaliw na ata." Sigaw ni Ms. Amanda na natataranta na. "Bilis!" Sigaw ni Ms. Amanda na inuutusan ang mga boys na dalhin sa clinic si Christine.
"Christine, tara na. Dadalhin ka lang namin sa clinic." Pagsusumamo ni Lee kay Christine.
Mukha namang nanumbalik na ito sa katinuan kaya nilapitan agad ito ni Lee.
"Wag kang lalapit! Sigaw ni Christine pagkatapos ay dinuro pa si Lee.
"Boys! Pwersahin nyo yang dalhin sa clinic!" Sigaw ni Ms. Amanda na natataranta na. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at bakas din sa kanyang mga mata ang lungkot na nadarama para kay Christine.
Siguro kung siya man ang nasa sitwasyon ni Christine ay hindi malabong magkakaganyan rin siya. Ikaw ba namang makakita sa kamatayan ng taong mahal mo. Tapos nakita mo pa kung gaano ito naghirao at walang awang pinagsasaksak.
Kaya naman ay agad na nagtulong-tulong ang mga boys na buhatin si Christine pagkatapos ay dali-dali nila itong inilabas sa kanilang classroom. Nagpupumiglas pa si Christine.
"Hindi! Hindi ako baliw! Bitawan nyo ko!" Sigaw ni Christine habang nagpupumiglas na naging dahilan na nagsipuntahan ang mga studyante sa mga pintuan at bintana ng kanilang classroom upang tingnan kung sino ang sumigaw.
Kasalukuyang pinag-uusapan na ng mga studyante si Christine habang pinapanood siya na nagpupumiglas mula sa pagkakabuhat ng mga boys.
Kasalukuyang nandito na sina Lee at Nexus kasama ang mga boys sa clinic. Sumalubong naman kaagad sa kanila si Doc Eureka. Pagkatapos ay inihiga nila ito ngunit nagpupumiglas pa rin.
"Wag! Waag!!! Maawa kayo sakin!! Hindi ako baliw promise!!!" Sigaw ni Christine habang nagpupumiglas. Nag-uunahan na ang kanyang mga luha sa pagbagsak sa kanyang pisngi.
"Parang napaka impulsive niya. Teka kukuha ako ng kadena." Sabi ni Doc Eureka.
Pagkatapos nun ay agad nilang inihiga at kinadena si Christine. Pagkatapos ay nagpupumiglas pa rin si Christine. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nanghina rin ito agad.
Kasalukuyang nandito na sina Amber at Sister Jolina sa guidance office. Si Amber ay pabalik-balik sa kanyang linalakaram at tila hindi mapakali dahil sa mga nangyayari. Habang si Sister Jolina naman ay nakaupo sa kanyang upuan at malalim ang iniisip.
"Amber, anong nangyari? Bat hindi ka mapakali riyan, hija?" Tanong ni Sister Jolina kay Amber na kanina pa nagpabalik-balik sa kanyang linalakaran.
"Eh, k-kasi po S-Sister Jolina. A-Ano..." Nauutal na sabi ni Amber.
"Anong ano ang ibig mong sabihin, Amber?" Nakakunot noong tanong ni Sister Jolina.
"Alam ko ang mga galawang yan. Ilang taon na akong nagdidisiplina ng mga kabataan. Kaya alam kong may hindi ka sinasabi sa akin." Dagdag ni Sister Jolina.
"K-Kasi p-po si C-Christine." Nauutal na sagot ni Amber.
"A-Anong? A-Anong meron kay Christine?" Nauutal na tanong ni Sister Jolina.
"S-Si C-Christine po. N-Nabaliw na. Usap-usapan na siya ngayon ng mga studyante sa buong campus." Nauutak na sagot ni Amber.
"Ano?!" Sigaw ni Sister Jolina. Nanlalaki ang kanyang mga mata na halos luluwa na ang kanyang mga mata dahil sa gulat na nadarama. Agad siyang napatayo nung sinigaw niya ang katagang yun.
"Tara, sundan moko." Sabi ni Sister Jolina pagkatapos ay nagmamadaling umalis ng guidance office. Si Amber naman ay agad na sumunod kay Sister Jolina.
Nagmamadaling maglakad si Sister Jolina na tila alam na kagad nito kung nasaan si Christine.
Nagmamadaling naglakad si Sister Jolina habang si Amber ay lakad-takbo ang ginawa upang mahabol niya si Sister Jolina. Napakabilis maglakad ni Sister Jolina.
Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay narating na nga nila ang clinic.
Hingal na hingal si Amber at napahawak nalang siya sa kanyang tuhod at tila naghahabol ng hangin. Habang si Sister Jolina ay parang hindi man lang nakaramdam ng pagod.
Binuksan kaagad ni Sister Jolina ang pinto ng clinic. Agad namang nakita nina Sister Jolina at Amber ang nakahigang si Christine. Mahimbing itong natutulog habang nakakadena pa rin.
"Sister, mabuti naman at dumating na kayo." Sabi ni Doc Eureka na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Asan na ang mga barkada ni Christine?" Tanong ni Sister Jolina.
"N-Nandun po sila sa stockroom. H-Hindi na po nagpapigil sakin. M-Mghahanap po daw sila ng impormasyon tungkol sa pinagsususpetsahan nila." Sagot ni Doc Eureka na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"Ano?!" Sabay na sigaw nina Sister Jolina at Amby.
"Shet! Kung kikilos pa sila baka may papatayin pa si Amby or should I say Mara. Kapag kikilos pa sila baka dadami pa ang papatayin ni Mara. Shet! Hindi maaari to!" Sigaw ni Amber sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...