Chapter 31

19 5 0
                                    

Pagkatapos ng pagp-plano ng magbarkada ay pumanaog na sila para maghapunan kasabay ang iba pang mga last section students.

Pagkatapos nilang maghapunan ay agad na nagtungo na ang lahat sa boys' at girls' room. Lumalalim na ang gabi hanggang sa hindi na nila namalayan na nakatulog na pala sila.

Panibagong araw nanaman ang sumikat sa last section's mansion. Dorm ang tawag diba? Pero last section's mansion lang ang tinawag ko dito kasi nga ang laki ng dorm na ito. Parang triple na mansion talaga.

Panibagong araw nanaman ang sumikat at panibagong kaganapan nanaman ang magaganap. Ano nanaman kaya ang magaganap ngayon? Sabay-sabay nanaman nating tunghayan ang mga magaganap na kaganapan ngayon.

Kasalukuyang nandito sina Nexus, Troy, Lee, Shiva, Eya at Christine. Sumisimsim ng kape si Nexus habang si Lee ay nagbabasa naman ng dyaryo.

Si Eya naman ay nag cellphone, si Troy ay nag earphone at nagshare pa sika ni Shiva. Si Christine naman ay nagbabasa ng issng wattpad book na pinamagatang "Hell University"

Walang imikan ang lahat dahil may kanya-kanya silang mundo. May pasok ngayon pero chill lang sila kasi nga, may pinaplano sila kay Sister Jolina. Kung ano ang kanilang pinaplano? Yun ang ating aalamin.

Maya-maya pa ay dumating si Mayordoma Lyshee at agad naman silang napalingon kay Mayordoma.

Agad silang tumayo na napakasnaopy na parang army. Alam naman nating lahat na ayaw ni Mayordoma Lyshee sa mga tatanga-tanga.

"Mr. Tolentino and Ms. Agoncillo. Pinapatawag kayo ni Dean Williams. Pumunta kayo saboffice ngayon rin! Saka magsama na rin kayo ng kaibigan." Seryosong sabi ni Mayordoma Lyshee na mala army sa pagiging snappy.

Agad namang nagmarka ang question mark sa kanilang mga noo. Agad namang kumunot ang noo ni Shiva.

"B-Bakit daw po ako pinapatawag?" Nagtatakang tanong ni Shiva.

"Paano mo malalaman kung hindi mo pupuntahan?" Pamimilosopo ni Mayordoma Lyshee kay Shiva. Kaya naman ay napairap nalang si Shiva sa isinagot ni Mayordoma sa kanya.

Kahit na naguguluhan ay pumunta nga si Shiva sa dean's office kasama ang buong barkada. Nandito na sila ngayon sa loob ng dean's office.

"B-Bakit po dean?" Naguguluhang tanong ni Shiva na nakaupo na ngayon sa harap sa table ni Dean Williams.

Kasama niyang nakaupo sa tabi niya si Nexus. Ang mga barkada naman nila ay nasa mahabang sofa nakaupo. Biglang tumunog ang pintuan ng dean's office sa bandang likod nila na nangangahulugang may pumasok na tao.

"Hindi ko na kailangang sagutin yang tanong mo dahil nandito na siya." Seryosong sabi ni Dean Williams na magkayapos ang dalawang kamay at sinusuportahan ang ulo ni DW.

"Baka nakalimutan mo, Shiva?" Matigas at matapang na boses ang narinig ng lahat na nasa dean's office. Agad namang nanigas si Shiva habang si Nexus naman ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nilingon naman agad sina Shiva at Nexus ang pinanggalingan ng boses.

"K-Kuya Topz?" Nauutak na tanong ni Shiva. Agad na naghahabol ng himinga si Shiva ng makita ang kanyang kuya. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib na para bang gusto nang kumawala nito mula sa kanyang katawan.

Agad na tumayo si Shiva, Nexus t ang kanilang mga barkada. Agad na nanginginig ang mga paa ni Shiva at nanigas sa kanyang kinatatayuan. Dahil si Kuya Topz ay napakabait pero parang leon kung magalit.

"Hoy! Nexus! Gago ka! Panagutan mo ang kapatid ko!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Topz habang papalapit ito sa gawi nina Shiva na tinuturo pa si Nexus. Agad nmang nanlaki ang mga mata ng kanilang mga barkada at maging 'O' ang mga bibig nila.

The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon