Chapter 41

13 2 0
                                    

Dumaan ang araw ng linggo na walang kahit anumang nangyari sa buong campus ng FAQ U.

Naging sanhi naman ito ng bahagyang pag gaan n pakiramdam ni Shiva. Dahil hindi na niya alam kung ano ang sasabihin dahil paniwalang paniwala na talaga ag pamilya ni Shiva na buntis siya.

Kasalukuyang nandito sila ngayon sa sala ng second floor ng FAQ U. Wala na ang mga boys dahil nung isang gabi lang sila natulog sa labas ng boys' room.

Natapos ang imbestigasyon na isang lead lang o clue kung sino ang may kagagawan nito. Hindi pa natukoy at nadiin sa kulungan ang salarin na panigurado ay si Amby.

Nakaupo ngayon si Shiva sa sofa dito sa sala ng second floor. Pinapagitnaan siya nina Christine at Eya. Si Eya sa kanyang kanan at si Christine naman sa kanyang kaliwa.

Si Nexus ay nakaupo rin sa kabilang sofa. Pinapagitnaan nina Troy at Lee. Si Lee sa kaliwa ni Nexus habang si Troy naman sa kanan.

Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagmumuni-muni at sa pag-iisip. May kani-kanila silang mundo. Nahinto na lamang sila sa pagmumuni-muni nang...

"Ms. Shiva Agoncillo. Pinapatawag ka sa dean's office. Isama mo si Nexus." Sabi ni Mayordoma Lyshee habang nakatindig ng isang mala sundalong tindig.

"Sama ako!" masayang ani Troy pagkatapos ay tumayo pa. Ngunit napatigil na lamang siya nang may sinabi si Mayordoma Lyshee.

"Walang barkadang sasama. Tanging sina Nexus at Shiva lang ang pinapatawag. Kayong mga hindi pinapatawag ay dapat na umattend sa inyong mga klase." sabi ni Mayordoma Lyshee at pagkatapos ay tumalikod saka pumanaog na ng hagdan.

Agad namang naupo si Troy na nanlulumo pa.

Pero si Shiva ay agad namang ginapangan ng magkahalong emosyon. Agad siyang ginapangan ng pinaghalong takot at kaba.

Takot siya na baka kung anong kaparusahan ang ipapataw ng kanyang mga magulang sa kanya dahil sa paniniwala nitong buntis siya.

At kaba dahil hindi alam ang kanyang sasabihin upang mapaniwala niya ang kanyang mga magulang at kanyang kuya Topz na hindi siya buntis.

Agad namang tumayo si Nexus pagkatapos ay sabay silang naglakad ni Shiva.

Bakas  na sa mukha ni Shiva ang pag-aalala. Nag-aalala siya kung paano nalang kung ikasal sila ni Nexus dahil sa paniniwalang buntis siya.

Saka nag-aalala siya para kay Nexus dahil baka ilang rounds pa ng bugbog ang kanyang makuha mula sa ama niya at sa kuya niya bago darating ang araw ng kanilang kasal.

Nag-aalala rin siya kay Nexus dahil hindi niya alam kung ano ang ililitanya ng kanyang dragonang mama. Hindi niya alam kung anong klaseng ratata ang isesermon ng kanyang mama kay Nexus.

"Hey, tinatawag kita." sabi ni Nexus pagkatapos ay nag smirk.

Tiningnan naman ito ni Shiva pagkatapos ay inirapan saka nagkrus ng bisig.

"Ewan ko sayo. Hindi ko alam kung ikakasal nga tayo saan naman tayo pupulot ng bata? Sa DSWD? Tapos mapapamahal sa bata? Tapos iiyak dahil babawiin na ng tunay na mga magulang?" tanong ni Shiva ng may halong pagkasarcasm ang tono ng pananalita.

"Bakit mag adapt pa?" Edi gawa tayo. So simple." Sagot ni Nexus pagkatapos ay tumawa ng isnag mala sexy na tawa pagkatapos ay kinindatan si Shiva. Ang kumag hindi pa nakontento nagtaas-baba pa ng kilay.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay narating na nila ang dean's office. Sandaling nagkatinginan sina Shiva at Nexus. Bakas na sa mukha ni Shiva ang pag-aalala ngunit si eus ay tila chill lang at ngumingiti-ngiti pa ang loko.

Dahan-dahang binuksan ni Shiva ang pinto. Agad naman niyang nakita ang kanyang mama at papa na nakaupo sa living room.

Nasa likod naman ng kanyang mama att papa ay si kuya Topz niya na nakatayo at nagcross-arms.

Ang kanyang mama ay agad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Ang kanyang papa naman ay agad na dumikit ang mga titig kay Nexus.

Kahit na hindi tinitingnan ni Shiva si Nexus ay nakikita niya si Nexus na napalunok ng ilang beses. Senyales na ito ay kinakabahan.

Maya-maya pa ay umupo na rin sila sa kabila ng inuupan ng kanyang mama at papa na sofa.

"A-Asan si D..." hindi natuloy ni Shiva ang kanyang sasabihin nang magsalita angk anyang dragonang mama niya.

"Wala si Dean dito. Nagpaiwan muna kami para magkaroon tayo ng oras mag-usap." walang emosyong sagot ng kanyang dragonang ina.

Aagad namang nagtaas-baba ang Adam's apple ni Nexus na senyales na nabigla at kinakabahan dahil sa paraan ng pagsagot ng mama ni Shiva sa tanong ni Shiva.

"M-Mama naman h-hindi po ako buntis eh. Fake po talaga yung buntis ako promise. Diba Nexus? Magseryoso ka naman oh. Nexus, please sabihin mo na ang totoo." pagsusumamo ni Shiva kay Nexus.

Kumakalabog na ang puso nina Shiva at Nexus dahil parangn asa isang paglilitis sila na ang tanging pagya na pakawalan o bibitayin.

Kumakalabog ang kanilang puso na tila ba gusto na nitong kumawala mula sa kanilang katawan.

Kinakabahan si Nexus sa isasagot ng mama, papa at kuya ni Shiva at pati si Shiva ay kinakabahan rin.

Kinakabahan dahil baka hindi na paaaralin si Shiva dito sa FAQ U at baka ipapatanggal si Nexus dito sa FAQ U.

Ngunit nabigla nalang sila ng biglang nag pout face ang mama ni Shiva.

"Yun na nga eh. Pinapa-imbestigahan ka nami pero hindi ka raw talaga buntis." malungkot na sabi ng mama ni Shiva. Bakas ang lungkot sa mga mata ng kanyang mama. May papadyak-padyak pa.

"Oo nga anak. Kailan pa ba kami magkakaapo?" tanong din naman ng kanyang ama na bakas sa mukha ang panghihinayang. Pagkatapos ay nag snap pa pagkatapos ay sinabing "Sayang."

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Shiva at Nexus at napa 'O' ang hugis ng kanilang bibig.

Nang tiningnan ni Shiva ang kanyang kuya ay tila gulat din ito. Nanlalaki rin ang mga mata nito na tulad ng sa kanila ni Nexus. Nanlalaki ang mga mata nilang tatlo.

"M-Mama, n-namali po ata ako ng pandinig. Ano nga po ulit yung sinabi nyo?" nauutal na tanong ni Shiva pagkatapos umakto pa itong inilapit ang tainga upang mas marinig niya ng mas malinaw ang sinasabi ng kayang mama at papa.

"Gawa nakayo ng baby, anak. Anak, wala na akong inaalagaan sa mansion natin. Palaging business nalang ang inaatupag namin. Sige na cutie, please." pagsusumamo ng mama ni Shiva na parang bata na gustong gusto na magpabili ng laruan.

"Oo nga naman, anak. Para may maalagaan naman kami ng mama mo. Saka after work ko ay dating gawi. May niyayakap akong baby nan agpapatanggal ng stress ko sa mga trabaho sa business natin." pagsusumamo rin ng kanyang papa.

"M-Mama, P-Papa, a-akala ko po ba sesermonan natin sila? nauutal na tanong ni Topz.

Nilingon naman si Topz ng mama at papa nila ni Shiva. Pagkatapos ay pinandilatan siya ng mata.

"A-Ay. S-Sabi ko nga po eh. S-Support ako sa inyo, Nexus at Shiva. Hehe go! Fight lang!"sigaw ni Topz na para bang nagchecheer sa tambalan nina Nexus at Shiva.

Kinakaway-kaway pa nito ang mga kamay na tila sumasayaw sa isang cheer dance.

Si Nexus ay tulala at nanlalaki ng mga mata. Tila hindi siya makapaniwala sa inasal ng pamilya ni Shiva.

Ang weird lang, yung inaakala mong tutol na tutol at kulang nalang ay bitayin ka sa harap nila ay heto pa't nagsusumam na gumawa sila ng bata?!

"Fuck! This can't be! This is impossible! I thought they will get mad at me! But they're here to please Shiva and I to make a baby?! Are they crazy?! N-Nasisiraan na ba talaga sila ng bait?!" siga ni Nexus sa kanyang isip.

The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon