Shiva. Yan ang pangalan ng isang babae na nagbabalik sa FAQ U. Oops mali ang pagkakaintindi nyo. Ang FAQ U ay may meaning, Ford Alex Quiño University yan ang meaning. Dati ay may jowa siya dito na ang pangalan ay Nexus. Isang matipuno at gwapong lalaki na pinagkakaguluhanng buong FAQ U. Ngunit pinagtaksilan siya nito alam nyo ba kung bakit? Abangan nalang natin.
Kasalukuyang nandito si Shiva sa hallway ng FAQ U. Second semester ngayon, nasa ika-last section sila pareho ng kanyang kasama ngayon na si Eya. Si Eya ang bestfriend ni Shiva mula nung dito pa nag-aaral ang dalaga at nung di pa umalis si Shiva ng FAQ U.
"Ano ba naman 'to besh! Ang init-init naglalakad tayo dito sa hallway tapos ang dami pang mga tao!" Reklamo ng bestfriend ni Shiva na si Eya. "Puro ka dada nang dada besh maglakad nalang kaya tayo kasi lalong umiinit 'pag nagsasalita." Pagsusungit naman ni Shiva kay Eya at inirapan ito. Sabi naman ni Eya sa kanyang isip "Nako wala yata sa hulog ang babaeng 'to." Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may nakatagpo sila.
"Oh! May nagbabalik na isang asungooot!" Anang isang babae na napakasexy at maputi. Maarte nyang binigkas ang mga salitang yun. "Miscusi? I'm sorry to disappoint you but I will never give a fuck." Sabi ni Shiva pagkatapos ay umirap. "Oh, mahina pa rin talaga hanggang ngayon. Tsk tsk tsk." Sabi ng babaeng nagsusungit kay Shiva.
"Rhian ano ka ba pati ba naman dito sa hagdan ay 'di mo palalagpasin?" Awat ni Eya at inirapan si Rhian. "Oh my gosh, pareho pala kayong mga mahihina eh." Sabi ni Rhian na may halong pag-iinarte at inirapan sina Shiva at Eya. Umaksyon si Eya na batukan si Rhian ng harangan sya ni Shiva gamit ang braso nito.
Sabi ni Shiva "I'm sorry but we will not step down just to give a shit on the people who were very low class. Mabuti pa bumaba ka nalang girl." Sinabi ito ni Shiva ng napakataray na pagkasabi at nagsusungit pagkatapos ay inirapan si Rhian. Ngunit nakatingin lang si Rhian sa kanyang mga mata.
Dagdag ni Shiva "Oh? Ano pang tinitingin-tingin mo?" Sinabi yan ni Shiva ng nagtataray at nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. "Sabi ko baba, bababa ka ba o gusto mong sipain pa kita para gumulong ka hanggang sa baba." Sinabi ito ni Shiva ng may naghahamon na tono at napakasungit. Tumawa si Rhian at sumagot " Sige kung kaya mo. Dahil alam mo naman na jowa ko si Nexus at isa siya sa pinakakinatatakutan dito."
Sinabi ito ni Rhian pagkatapos ngumisi ng nakakaloko. Agad na sinipa siya ni Shiva at nahulog as in nagpagulong-gulong sa hagdan. Nagulat nalang ang nga taong nakatingin sa kanila at naki usyoso.
Nung umabit na si Rhian sa sahig ay namimilipit siya sa sakit at agad namang tumayo. "Shit! Rhian sinong gumawa nito sayo?!" Galit na gamit na sigaw ng isang lalaking tinutukoy nila kaninang Nexus.
Namumuo na sa mga mata ni Rhian ang kanyang luha. "Babe, si Shiva!" Sabi ni Rhian na itinuro si Shiva. Agad naman na nikapitan si Rhian ng kanyang mga alipores na sina Ella at Mara. Ngunit si Nexus ay hindi makakilos nang makita niya si Shiva na ibang iba na ang dating, aura at itsura. Malayong-malayo na ito sa Shiva na nakilala niya noon.
"Hi honey. I miss you." Sabi ni Shiva sa malanding pamamaraan at kinindatan si Nexus. Agad naman na nakabawi si Nexus sa pagkabigla niya at sinabing " H-Hoy! Wag na wag mong galawin ang babe ko!" Sigaw ni Nexus ng may pananakot na tono.
Nang mablangko ai Shiva ay agad na tumingin si Shiva kay Eya at mukhang nagets naman ni Eya kaya nagsalita na rin siya. "Ohws! Nakakashokot naman!" Sigaw ni Eya tapos sabay silang tumawa ni Shiva.
Sabi ni Rhian " Himding hindi mo maaagaw sa akin si Nexus, Shiva!" Tapos at tumawa si Rhian ng napakalakas at sinabayan naman ito ng kanyang mga alipores. Ngumiti si Shiva sa kanila at sinabing "Pa'no mo naman nasabi?". Sagot ni Rhian "Simple lang, dahil mahal niya ako. He chose me over you." Sinabi ni Rhian ang huling salita ng may diin at itinuro si Shiva.
Tumawa naman ng napakalakas si Shiva na ikinabigla ng lahat. Sabi ni Shiva "Ah, akala mo totoo ka niyang mahal. Well yes, totoo naman na mahal ka niya Rhian. Pero kasi may dalawang klase ang totoong pagmamahal. Isang nagkukusa at isang natututunan. Sakin, si Nexus ay naging matino like from a gangster and bad boy into a good man. Ang take note, ako ang dahilan nun. Minahal niya ako ng kusa, nang di ko siya hinahabol at pinipilit." Kalmadong sinabi yan ni Shiva.
Pagkatapos ay tinuro si Rhian at sinabing "Pero sayo, naghabol ka sa kanya, inakit mo siya at inahas sakin. Ohws! So desperada. Naakit mo naman si Nexus kaya ayun natutunan ka niyang mahalin dahil magaling ka sa kama." Ngumiti si Shiva nung sabihin niya ang huling pangungusap.
Akmang sasampalin na ni Rhian si Shiva dahil tinamaan siya sa sinabi nito. Pero naunahan na siya ni Shiva. Pak! Pak!
Tumawa ng malakas si Shiva. "Pagdating sa sampalan, amateur." Sinabi yan ni Shiva pagkatapos ay tumawa habang tinuturo si Rhian. "Yan! Mag-inang sampal. Total ang mommy mo naman ay inahas lang din naman niya ang isang businessman dahil sa pera at nakapag-aral ka dito sa FAQ U." Ngumiti si Shiva pagkatapos niyang sinabi yun at agad naman na namula ang pisngi ni Rhian dahil sa galit at hiya.
Agad naman na nagbulungan ang mga studyante na hakatang pinagchichismisam si Rhian tungkol sa kanyang nanay. "Humanda ka sakin! Hindi pa tayo tapos! " sigaw ni Rhian ng may halong pagbabanta na tono. "Oh well, marami na akong kaaway. Sige, pumila ka sa kanila at magsampalan tayo sa susunod nating pagkikita." Sinabi yun ni Shiva ng napakatapang na tono at naghahamon pagkatapos ay umalis.
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Mistero / Thriller(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...