Chapter 35

16 3 0
                                    

Kasalukuyang nandito sina Nexus, Lee, Troy, Shiva, Eya at Christine sa sala sa second floor ngnlast section's mansion.

Narito sila matapos mapagpasyahan na hindi na muna pumasok dahil sa kanilang nalaman. Delikado na baka pati sila ay patayin nalang bigla ni Amby ng walang nakakakita.

Nakaupo sina Shiva, Eya at Christine sa sofa dito sa sala. Pinapagitnaan nina Shiva at Eya si Christine. Sa kanan ay si Eya habang sa kaliwa naman ni Christine ay si Shiva.

Nag-uunahan na ngayon sa pagbagsak sa pisngi ni Christine ang kanyang mga luha. Habang hinahagod-hagod ni Eya ang kanyang likod.

"Ang sakit lang sa pakiramdam na kahit ex mo na siya ay siya pa rin ang laman ng puso mo. Siya pa rin ang kahinaan mo. Hindi ako nagsisisi na kinampihan ko kayo at tinulungan sa problema nyo. Sadyang alam lang takaga nung Amby na yun kung sa anong paraan niya ako masasaktan. Tinira niya ako sa aking kahinaan, si Elmer. Si Elmer ang pinatay niya upang masaktan ako. Duwag ka Amby! Duwag ka!" Sigaw ni Christine habang nag-uunahan pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Pagkatapos ay inihagis pa ang unan sa sofa.

"Tama na, Christine. Sorry, k-kasi nadamay ka pa. H-Hindi ka sana magkakaganito kung hindi ko kami tinulungan. S-Sorry." Nauutal na sabi ni Shiva na nanlalabo na ang paningin dahil sa namumuong luha sa kanyang nga mata.

"H-Hindi, hindi mo kasalanan, Shiva. Kasalanan to ni Amby. Bwiset siya! Ano ba kasing rason niya para sirain ang mapayapa nating pamilya dito sa last section?! Saka sino ba talaga siya?!" Nanggagagalaite sa galit na sigaw ni Christine na naging dahilan ng mas lalong pagtulo pa ng kanyang mga luha.

Sina Nexus, Lee at Troy naman ay nakatingin lang kay Christine. Bakas sa kanilang mga mikha ang awa. Nakaupo sila sa kabilang sofa. Pinapagitnaan nila si Nexus. So Troy sa kanan ni Nexus habang si Lee naman sa kaliwa.

Hindi nagtagal ay hindi rin natiis ni Troy si Christine. Agad siyang tumayo at pagkatapos at yumuko saka tiningnan si Christine sa mga mata.

Bakas sa mga mata ni Troy ang awa at lungkot na nadarama para kay Christine.

Pinahiran ni Troy ang mga tumutulong luha ni Christine gamit ang kanyang hinlalaki.

"W-Wag kang umiyak Christine, please." Nauutal na sabi ni Troy habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata.

"Okay lang yan, Christine. Nandito naman kami para sayo. Sabay-sabay nating pabagsakin si Amby or should I say Amber ng star section." Sabi ni Eya pagkatapos ay napairap nalang dahil sa isiping si Amber ng star section at si Amby ay iisa.

"Dahil sa pagpatay niya kay Elmer. Mas lalo lang akong naging pursigido na pabagsakin siya. Amby just declared a war." Sabi ni Christine na diniinan pa ang huling mga salitang binitiwan. Habang masama ang tingin na nakatingin sa kawalan.

"Mas mabuti pa ay magplano na tayo." Sabi ni Nexus.

Agad namang bumalik si Troy sa kanyang kinauupuan kanina. Umayos ang lahat sa pag-upo pagkatapos ay inayos ang kanilang mga sarili.

"Ano nang plano?" Tanong ni Christine na tila pursigidong pursigido na gawin ang lahat para lang mapabagsak si Amby. Si Amby na pumatay sa kanyang ex na majal pa rin niya hanggang ngayon.

"Maghintay tayong maglunch time. Pagkatapos ay hanapin natin si Amber. Hindi tayo maghihiwalay. Baka may sumaksak nalang bigla sa isa sa ating barkada. Tayong lahat ay magsama-sama. Dahil nagiging bayolente na si Amby." Seryosong ani Nexus.

"Sige. Pagkatapos ano ang ating gagwun sa kanya kapag nakota natin yung Amber ng star section na yun? Babalian ba?" Tanong ng napakapursigido na si Christine.

"Hindi paede Christine. Wala pa tayong ebidensya. Baka mapaalis lang tayong lahat dito kapag sinugid natin siya ng walang ebidensya na magpapatunay at magdidiin sa kanyang kasalanan." Sagot ni Nexus habang nakatingin ng seryoso kay Christine.

"Tama. Don't worry. Ako ang mangangalap ng impormasyon at mga patunay na magpapatunay sa kahayupan ni Amber nf star section na nagtatago sa pangalang Amby." Pagboboluntaryo ni Lee na tinanguan naman ni Nexus.

"Ako naman ang magbabantay kay Christine." Seryosong sabi mi Troy.

Napatingin naman ang lahat kay Troy. Tumingin naman si Troy sa kanyang mga barkada.

Nang makita niya ang kanyang nga barkada nakatingin ito ng may nang-aasar na tingin at nang-aasar na ngiti.

Agad namang napaiwas ng tingin si Troy na tila ba nagpapatay malisya lang sa kanyang sinabi. Tila ba nagpapatay malisya si Troy na walang malisya ang kanyang sinabi kanina.

Si Christine naman ay napatungo. Ang kaninang masamang timpla ng mukha nu Christine ay napalitan ng isang namumulang mukha dahil sa kilig. At sumilay sa kanyang mapupulang labi ang ngiti.

"Shet. Bat ba akk ngumiti?" Mahinang tanong ni Christine sa kanyang sarili.

"May sinasabi ka ba Christine?" Tanong ni Eya kay Christine habang nakangiti pa rin at may tingin na tila ba nang-aasar na tingin.

Nilingon naman ito ni Christine. Pagkatapos ay bumalik sa pagiging masama ang timpla ng mukha na kunwaring hindi kinilig kanina.

"Wala. Sabi ko ay mabuti yang plinano nyo. Maghintay tayo ng lunch  time." Sagot ni Christine.

Hinintay naman ng magbabarkada ang lunch time. Pagkatapos ng ilang oras at lunch time na nga.

"Lunch time na, tara na." Seryosong sabi ni Nexus pagkatapos ay tumayo.

Tumayo naman ang kanyang mga barkada pagkatapos ay inayos ang kanilang mga sarili. Pagkatapos ay pumanaog sa hagdan at lumabas ng last section's mansion.

Habang naglalakad papunta sa campus ng FAQ U. Medyo may kalayuan ang last section's mansion sa campus ng FAQ U. Katulad lang ng mansion ng ibang section.

"Sa tingin nyo? Saan ba natin mahahanap ang Amby na yan?" Tanong ni Nexus.

"Kanina ay tinawagan ko si Mara. Sabi niya madalas daw magpunta si Amby sa CR, canteen, library at saka music room. Yan ang nakalap niyang impormasyon." Sagot ni Troy.

"So, saan natin siya unang hanapin?" Tanong ni Shiva.

"Hindi kaya, nasa library pa siya ngayon? English ang subject ng star section before lunch. Alam nyo naman si Ms. Debra. Maraming pinapa activity at kadalasan ay sa library niya pinapagawa. Pwedeng matagal siya matapos sa activity ngayon kaya, siguro maaabutan pa natin siya." Mahabang sagot ni Lee.

"Sige, tara na. Unahin natin sa library." Sabi ni Nexus na sinang-ayunan naman ng kanyang nga barkada. Pagkatapos ay naglakad pa sila ng kaunti at pumasok na sa gate ng campusnng FAQ U.

Makikita na ba kaya nila si Amber ng star section sa kanilang pagmamanman? Saan kaya nila si Amber matatagpuan? Si Amber na nga ba si Amby? Magiging successful kaya ang kanilang pagmamanman? Saka kung si Amber at Amby ay iisa, ano naman ang rason niya para gawin niya ang lahat ng ito kina Nexus, Shiva at sa kanilang mga barkada. Pati si Rhian ay dinamay pa!

Nako! Mabuti pa ay tunghayan na lamang natin sa susunod na kabanata.

The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon