Kasalukuyang nasa slicing room pa rin sila. Nandito pa rin sina Amethyst, Byron, Eya at Lee. Wala man lang silang magawa.
Hindi man lang nila magawang lapitan si Shiva dahil baka barilin sila ni Mara. Ngayon ay may hawak na baril si Mara na nakatutok sa magbabarkada.
Si Amethyst ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha habang tinatanaw si Shiva na nakahiga ay papalapit na ang katawan sa slicing blade. Ngayon ay basang basa na ang pisngi ni Amethyst dahil sa kakaiyak.
Si Eya naman ay kanina pa iyak nang iyak at ngayon ay muli nanamang nangingilid ang kanyang mga luha dahil sa nakikita niyang umaandar ang circular slicing blade na umiikot-ikot na kahit anumang oras ay pwedeng pwede na hatiin nito ang katawan ng nakahiga ngayon na si Shiva.
Sina Lee at Byron naman ay kasalukuyang nakatingin sa nilalanguyan ni Nexus na glass pool. Medyo dumarami na ang kulay pula sa kulay transparent na tubig ng glass pool.
Hindi na nila alam kung buhay pa ba si Nexus dahil halos isang minuto na ang nakalipas mula nung sinimulan ito ni Nexus na sisirin.
Bakas sa mga mata ni Shiva ang panghihina habang nakatingin kay Eya na nangingilid ang mga luha. Makikita mo ang paghihirap ni Shiva at bakas sa mga mata ni Shiva na nahihirapan na ito.
Ngunit pinili ni Shiva na ngitian ang kanyang matalik na kaibigan na gumabay sa kanya at walang sawang sumuporta sa lahat ng balak niya sa kanyang buhay.
Kaya naman ay muli nanamang nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ni Eya sa kanyang pisngi. Dahil kahit na nginitian siya ni Shiva ay nakikita niya ang pagdurusa ng kanyang matalik na kaibigan. And worse, kapag hindi ito maililigtas ay makikita pa niya ang kamatayan ng kanyang matalik na kaibigan.
"B-Besh. Kapit lang ah! Please, wag ka mawalan ng pag-asa!" Sigaw ni Shiva na ngayon ay nag mala waterfalls na ang pag-agos ng kanyang luha. Pagkatapos ay pinahiran niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga palad.
"B-Besh. I-Ito na ang k-katapusan ko. P-Para rin naman ito sa i-ikakatahimik ng buong FAQ U." Nauutal na sabi ni Shiva.
Ito ay senyales na nahihirapan na itong magsalita dahil sa panghihina. Bakas na bakas sa mga mata nito ang paghihirap sa kanyang sitwasyon ngayon.
Sinabi yun ni Shiva ng hindi sinisigaw. Bagaman medyo may kahinaan ang boses ni Shiva ay narinig pa rin ito ni Eya.
"Besh! Wag ka mawalan ng pag-asa! Ano ka ba! Wag ka nga magsalita ng ganyan! Hindi pa ito ang huli nating pag-uusap okay?! Pagsubok lang to besh! Kaya please! Kapit lang. Besh, tandaan mo. Nandito pa kami. Saka si Mara naman ang nagdadala ng kaguluhan eh. Hindi naman ikaw. Besh, please. Wag ka namang magaalita ng ganyan." Sabi ni Eya na nababasag na ang boses at nagtaas-baba ang magkabilang balikat. Ito ay senyales ng mas lalo pang pag-iyak.
"Shet! Nexus! Bro! Nandyan ka pa ba?!" Sigaw ni Lee na may nanlalabo nang paningin dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata.
Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay walang sumagot na Nexus o kahit kumaway man lang na kamay sa ibabaw ng tubig na ngayon ay nagmistulang kulay pula.
Ngunit ilang segundo na ang lumipas ay walang sumagot na Nexus o kahit kumaway man lang na kamay sa ibabaw ng tubig na ngayon ay nagmistulang kulay pula.
"Shet! Bro! Magsalita ka please!" Sigaw ni Lee na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha.
Akmang lalapit na sana si Lee sa pool glass ngunit pinigilan siya ni Byron. Agad naman na nagpupumiglas si Lee ngunit hindi pa rin ito nakawala sa pagkakakulong sa mga bisig ni Byron.
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...