Chapter 50

16 1 0
                                    

Kasalukuyang nandito pa rin sina Shiva, Nexus, Lee at Eya sa clinic. Nanonood pa rin sila ng pelikula ng dalawang artista na idol nina Shiva at Eya na sina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero.

Ang dalawa namang binata na sina Lee at Nexus ay heto at nakikinood na rin sa pelikula na pinagbibidahan ng mga iniidolo ng kanilang mahal.

Tila nanonood ito at katulad nina Shiva at Eya ay kinikilig din sa scene na kanilang pinapanood nila ngayon.

Ang scene na kanilang pinapanood ngayon ay kung saan ay hinabol ni Aldwin bilang si Ernest si Richbell bilang si Zhaya roon sa airport.

Kasalukuyang nandito na sa NAIA si Zhaya at papaalis na. Alas sais na ng gabi ang flight ni Zhaya. Kaya todo hanap na sa kanya ngayon si Ernest.

Hinahanap siya ni Ernest ngayon dahil tinanggap na ito ni Adelaide. Dahil nakita ni Adelaide kung gaano ka sinsero sina Zhaya at Ernest sa kanilang pagmamahalan sa isa't isa.

Habang nanonood si Adelaide sa kanila ay tumulo ang kanyang mga luha. Dahio mali ang kanyang iniisip, akala niya ay pera lang ang habol ni Zhaya kay Ernest.

Kaya todo hanap ngayon si Ernest ngayon dito sa mga nakahilerang upuan. Bakas sa kanyang mukha ang kaba. Kinakabahan si Ernest dahil sa isiping baka nakalayo na si Zhaya at hinding hindi na niya ito makikita pang muli.

"Sheeeet!!! Bilisan mo! Andun si Zhaya oh!!! Andun sa likod mopumipila na sa linya ng mga aalis! Nako! Shet! Ichecheck-up nalang si Zhaya pagkatapos ay makakaalis na!" Sigaw ni Eya habang nanonood.

Sina Lee naman at Nexus ay tila nadala na rin sa eksena. Kitang-kita sa kanilang mukha ang kaba. Tila natataranta na rin silang dalawa dahil baka hindi na maaabutan ni Ernest si Zhaya.

"Shet! Ayun! Yan! Si Zhaya yan!" Sigaw ni Shiva na natataranta na.

Nang tumalikod si Ernest ay nakita niya si Zhaya at agad niyang hinila ang kaliwang kamay ni Zhaya na may hawak na passport. Pagkatapos ay niyakap niya ito ng napakahigpit.

Nanlalabo na ang paningin ni Ernest habang yakap-yakap si Zhaya ngayon. Katulad ni Ernest ay nanlalabo na rin ang paningin nina Shiva, Lee, Nexus at Eya dahil sa namumuong luha sa kanilang mga mata.

Ang luha nito ay hindi isang produkto ng isang malungkot na emosyon kundi ito ay isang produkto ng isang masayang emosyon.

Masaya si Ernest dahil naabutan niya pa si Zhaya at sina Shiva, Lee, Eya at Nexus naman bilanh manonood ay masaya rin sila at nagtagpo na nga sina Zhaya at Ernest na pinagbibidahan ng kanilang iniidolong tamabalan o loveteam na sina Richbell Mercado at Aldwin Guerrero.

"Waaaahh!! Sheeeet! Nakakaiyak talaga! Hindi OA ang pagkakaacting nila! The best loveteam talaga ang mga idol ko!" Sigaw ni Eya na para bang hindi man lang nakadarama ng panghihina sa katawan.

Sinigaw ni Eya ang mga katagang yan habang pinupunasan ang kanyang mga tumutulong luha gamit ang kanyang palad.

Napalingon naman si Shiva sa gawi nina Nexus at Lee habang nagpupunas din ng kanyang luha na kanina ay nag-uunahan sa pagbagsak sa kanyang pisngi.

Ngunit napangiti nalang si Shiva nang makita niya ang mukha nina Nexus at Lee.

Napangiti si Shiva ng may isang ngiting nang-aasar pagkatapos ay tinitingnan niya ang mga ito ng may nang-aasar na tingin. Dahil nang makita niya ang mukha nina Lee at Nexus ay may tumulo na luha sa kanilang mga mata.

Nang magtama ang paningin nina Shiva at Nexus saka nung nagtama ang paningin nina Shiva at Lee ay agad na nag-iwas ang mga ito ng tingin. Saka pinahiran ang kanilang mga luha gamit ang kanilang mga palad.

"Uuuuuyyy!!! Umiiyak sila besh!" Pang-aasar ni Shiva pagkatapos ay humalakhak na para bang hindi man lang nahimatay kanina.

Sina Lee at Nexus namam ay nagkatinginan pagkatapos ay napatingin sa kanila ni Shiva at Eya na nakangiti na sa kanila ngayon ng may isang nang-aasar na ngiti. Saka nakatingin rin ito ss kanya ngayon ng may isang nang-aasar na tingin.

"Umiyak kayo mo?" Sabay na tanong nina Eya at Shiva na may halong nang-aasar na tono ng pananalita.

Agad namang sumama ang tingin nina Nexus at Lee sa kanila ni Shiva at Eya. Ngunit sina Shiva at Eya ay hindi nagpatinag at nanatiling ganun ang tingin at ngiti nina Shiva at Eya sa kanila ni Nexus at Lee.

"H-Huh?! Kami?! Umiyak?! Hindi no!" Sabay na sigaw nina Lee at Nexus. Pagkatapos ay sabay na bumulalas ng tawa.

"Hindi no!" Sabay na sigaw nina Lee at Nexus.

Pagkatapos nun ay napatigil nalang sila nang biglang bumukas ang pintuan ng clinic.

Agad namang napatingin ang apat na magbabarkada sa pintuan. Nakita nika na iniluwa nito sina Sister Jolina at Amber.

Nginitian naman ng magbabarkada sina Sister Jolina at Amber. Ngunit nagtaka ang magbabarkada kung bakit hindi ito ngumingiti sa kanila ngayon. And worse, bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot.

Kahit na si Sister Jolina na emotionless ay tila nakatungo lang at bakas din sa kanyang mga mata ang lungkot na nadarama.

"S-Sister? O-Okay lang po ba k-kayo?" Nauutal na tanong ni Eya.

Nawala na ngayon ang mga ngiti na gumuhit sa kanilang mga labi kanina. Napalitan ito ng isang seryosong mga mukha.

Ang kanilang mga masayang mukha ay naglaho. Kasabay ng paglaho ng kanilang mga ngiti na gumuhit sa kanilang mga labi ang kanilang nararamdamang saya kanina.

"S-Sister? P-Pwede po ba naming malaman kung m-meron ba kaming hindi nalalaman?" Tanong ni Shiva.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring kahit na sinuman sa kanilang dalawa nina Sister Jolina at Amber ang sumagot sa katanungan ni Shiva.

Kaya agad na ginapangan ng kaba ang magbabarkada. Siguro ay isang masamang balita ang dala nina Sister Jolina at Amber ngayon.

"Sister Jolina, Amber, sagutin nyo naman ako oh?" Sabi ni Shiva na may nanlalabo nang paningin ngayon.

Nanlalabo na ang paningin ni Shiva dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata. Kaya naman ay agad na lumapit si Nexus kay Shiva na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi.

Hindi na natiis ni Shiva ang kanyang mga namumuong luha kanina kaya ngayon ay naging mala waterfalls na ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Basang-basa na ang kanyang pisngi. Kaya naman ay hinagod ni Nexus ang likuran ni Shiva bilang pagpapatahan at pagpapakalma kay Shiva.

"Sister, Amber, please lang. Sagutin nyo naman ang katanungan ko!" Sigaw ni Shiva habang nag-uunahan pa rin sa pagbagsak sa kanyang pisngi ang mga luha.

"S-Shiva. P-Patay na si Christine." Nauutal na sagot ni Amber na ngayon ay nanlalabo na ang paningin.

Pagkatapos ay lumapit si Amber kay Shiva at niyakap niya ito. Hindi nagtagal ay hindi na natiis ni Amber ang kanyang mga namumuong luha. Kaya ngayon at nag-uunahan na rin sa pagbagsak sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha.

"H-Huh? S-Si C-Christine? Patay na?! Amby! Sino ka ba talaga?! Pinapahirapan mo kami! Sino ka ba ha?! Bakit hindi ka nalang magpakilala?! Saka ano bang atraso namin ni Nexus sayo?! Bat mo kami pinapahirapan?! Dinamay mo pa ang mga mahal namin sa buhay na mga barkada namin! Mas masahol ka pa sa hayop!" Sigaw ni Shiva sa kanyang isip habang naging mala waterfalls nanaman sa pag-agos ang kanyang mga luha at habang niyayakap ni Amber na nag-uunahan na rin sa pagbagsak ang mga luha.

The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon