"What?!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat na kameeting ni Troy.
Ting! Ting! Ting!
Yun ang tunog ng bell ng library na hudyat na warning sila dahil sa pag-iingay nila. Lahat ng kaklase nila ay milagrong tahimik na gumagawa ng kanilang activity. Kaya agad na silang nahalata ng librarian.
"Wag maingay! Kung gusto nyong mag-ingay lumabas ng library!" Sita ng librarian sa kanila na nakatingin sa kanila mula sa di kalayuan.
Tiningnan lang ni Nexus ito ng masama at inirapan. Pero ang mga mata nina Eya, Shiva at Lee ay nanlaki pa rin na halos lumuwa na ang kanilang mga mata dahil sa sinabing yun ni Troy.
Nilapit ni Eya ang mukha niya sa kanila. "B-Bakit naman magagawa yun ni Sister Jolina?" Mahinang tanong ni Eya.
"E-Ewan ko. Basta ang alam ko lang ay nakita ko siyang nagsusulat sa stickynote tapos kung wala siyang tinatago. Bat kailangan pa niyang mabilis na itago sa bag niya ang ballpen saka stickynote? Did you get my point?" Sabi ni Troy habang nanginginig pa rin ang mga kamay mito at pinapawisan kahit na ang ginaw na at de aircon pa ang library.
"Sabagay, tama ka nga bro. Kung wala siyang tinatago bat kailangan pa niyang gawin yun." Pagsang-ayon ni Lee sa sinabi ni Troy.
"Pero anong kasalanan natin sa kanya para gawin niya sa atin tong ganitong bagay?" Nakakunot noo at naguguluhang tanong ni Nexus.
"Diba ang kukulit natin? Kaya siguro ginawa niya yun." Sabi ni Troy.
"T-Teka parang ang babaw naman nun. Saka bakit niya ako tinulungan nung isang araw na imbes na ako ang mabasa sa lemonade ay si Rhian na nagbuhos sakin ang nabasa?" Nakakunot noong sabi ni Shiva.
Tila kunti nalang talaga ay sasabog na ang kanyang utak sa dami nang iniisip.
"Siguro para hindi mahalata at hindi natin siya masuspetsahan na siya si Amby." Sagot ni Troy na naguguluhan rin.
Tila hindi maproseso sa sistema niya ang kanyang nasaksihan kung bakit ginagawa ito ni Sister Jolina sa kanila.
"T-Teka bago pa si Sister Jolina ah. Tapos si Amby dati pa to nagdadala ng notes sa atin." Sabi ni Nexus na kunti nalang ay magmamalfunction na ang kanyang utak dahil sa dami ng iniisip kung sino ba talaga tong si Amby.
"Siguro kaya siya lumipat dito para mas mapalapit pa siya sa kanyang mga target. Which is kayo." Sagot ni Lee na ikinapanlaki naman ng mga mata ng kanyang mga kasama. Tumango naman si Eya.
"So kailangan nating magmanman kay Sister. Dapat nating bantayan ang bawat kilos niya. Saka delikado na baka saksakin lang siya ni Sister agad nang walang nakakakita." Mahinang sabi ni Eya.
"Sabagay, tama ka Eya. Bantayan mo si Shiva. Tapos so Troy at Lee nasa paligid nyo lang na handang tumulong. Babantayan nila kayo at ako amg mangangalap ng impormasyon." Sabi ni Nexus.
"Saka wag kayong matakot na magsabi sakin kung may nahahalata at nakita kayong mali sa mga kinikilos ni Sister Jolina." Dagdag ni Nexus na tianguan naman ng lahat.
Pagkatapos ng ilang minuto. "Okay, class. Bukas nyo nalang yan ipapasa kasi naabutan tayo ng time saka ang dami kong words na pinaparesearch ko sa inyo. Good bye, last section." Sabi ni Ms. Debra.
Agad naman na nagsitayuan ang lahat at sabay-sabay na sinabi ang mga katagang "Good bye and thank you, Ms. Debra. See you around and may God bless you."
Pagkatapos nun ay nagstretch pa ng mga kamay ang mga studyante na halatang pagod na pagod at parang nalalantang gulay dahil sa kakasearch.
Baliw kasi tong si Ms. Debra. May internet hindi naman ipinagamit sa kanila para daw masanay at mag effort sila na magbasa ng libro.
Agad naman na pinasok nila ang silya sa lamesa na kinalalagyan nito at sabay-sabay na bumalik sa last section's room.
Kasalukuyang nakabalik na sa last section's room ang buong klase. Kakaupo pa lang ng lahat at nagdadaldal ngunit hindi rin nagtagal ay pumasok din si Mr. Glenn.
Siya ang ESP o Edukasyon Sa Pagpapakatao teacher nila. Pumasok siya na parang babae at tila maria clara sa hinhin at may bitbit na paypay.
"Magandang umaga sa lahat." Mahinhin na bati ni Mr. Glenn. Nagkatinginan naman ang lahat at nagdadalawang isip na tumayo. Ngunit sa huli ay tumayo rin naman sila.
"Magandang umaga po, Ginoong Glenn. Ikinagagalak po namin kayong makita ngayon umaga." Sabay-sabay na bati ng lahat.
"Pakikuha ng inyong lecture notebook upang masimulan na natin agad ang ating pagdidiskurso." Sabi Mr. Glenn.
"S-Sir, wala po kaming ESP ngayon." Sabi ni Mara na alipores ni Rhian. Mean girl to pero matino ito at nakatutok sa pag-aaral.
Agad naman na nagsitungo ang lahat at palihim na tumatawa. "Ahh ganun ba." Sabi ni Mr. Glenn na tila napahiya. Saka niya tiningnan ang papel na may folder. Kinuha niya ito at tiningnan
"Ahh, may changing of schedules pala." Pagpapalusot ni Mr. Glenn kahit na ang nakalagay ay hindi class schedule kundi ito ay isang promotions na paper ng Jollibee na 20% off discount ng chickenjoy. Saka niya ito sinarado.
"Sorry, class. Good bye." Sabi ni Mr. Glenn na punong-puno ng hiya na ngayon. Hindi na nito inantay ang pagbati pabalik ng mga studyante sa kanya. Pagkaalis ni Mr. Glenn ay nasihalakhakan ang lahat.
Pero si Nexus ay hindi tumatawa at nakatulala lang ito na tila ang lalim ng iniisip.
"Sino ka ba talaga Sister Jolina? Ikaw ba talaga si Amby? Ginugulo mo lalo ang isip ko! Bat mo nagawa samin to? Saka ikaw ba talaga si Amby? Fuck! Mababaliw ako nito!" Sabi ni Nexus sa kanyang isip.
BINABASA MO ANG
The Last Section and Sister Jolina (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may...