Part 6

141 34 8
                                    

-Bree POV-

"Whoah! You have a assistant huh!" Isang mapang-asar na pangbati samin ng Librarian. "Ano nanaman ginawa mo Demi?"

Nandito kami sa Library para maglinis. Ito kasi ang naging parusa namin ni Demi sa sinabi ko.

"Wala." Mahinang sagot ni Demi sakanya at kinuha na niya ang walis sabay bato sakin ng basahan. Napahawak ako dito at napalunok. "Oh! Ikaw magpunas ako na magwawalis. Punasan mo lahat ng libro dun pati dito." Nakaturong utos niya pa.

"Is there any clean rugs that I can use?" Sabay napahawak pa ako sa basahan na parang diring diri.. "It's dirty. Madudumihan lang din ang mga libro pag pinunas ko ito sak—"

"Gusto mo mukha mo na lang pamunas mo." Sagot ni Demi at natigilan ako. "Ay wag na pala baka lalong madumihan ang mga libro pagginawa mo yun."

"Are you saying na madumi ang mukha ko?" Inis kong tanung sakanya.

Ang attitude naman nitong babaeng to! Siya na nga niligtas kanina!

"Ang harsh naman Demi.."

"Hindi naman madumi mukha mo." Sabi niya sabay walis pa sa gilid. "Makapal lang. Singkapal ng encyclopedia." Dagdag niya at tumalikod na siya sakin.

Gigil akong pumunta sa mga libro at sinimulang punasan ito. "Kainis!" Sabay nguso ko pa. "Wala naman dapat ako dito!" At napatingin ako kay Demi. "Pasalamat ka talaga.."

"Ganun talaga siya." Sabi ni ate sakin sabay tingin ko sakanya. "I don't know pero gustong gusto niya dito sa library."

"Po?"

"Lagi niya kasing tinitignan ang video ng kapatid niya dun sa vroom." Sabay turo pa ni ate dito. "Maging ang pictures ng parents niya sa VDR book."

"G-Ganun po ba?" Tanung ko.

"She might seems strong but she has a kind heart." Napangiti siya at umalis na din.

Napatingin ako kay Demi na nagwawalis sa row ng Science. Pumunta naman ako sa kabilang row at nagpunas ng libro habang pasimpleng tinitignan siya. Natigilan ako ng makita ko siyang kumuha ng isang libro at binasa to.

"Reproductive system?" Bulong ko ng mabasa ang librong hawak niya.

"Pwede bang ituon mo ang atensyon mo sa librong pupunasan mo kesa sa mukha ko?" Pagtataray niya sakin at napatingin siya sabay sara ng libro. Napalunok ako ng makita ko ang mga mata niyang nakakapatay kung makatingin. Mata lang ang makikita mo kasi natatakpan ng libro ang ibabang parte ng mukha niya.

Napangiti ako at tinanggal ko ang mga librong nasa harap ko dahilan para makita ko siya. Pumangalumbaba akong tumingin sakanya. "So ano? May nangyare ba satin kagabi? Nabasa mo na ba kung tama yung ginawa mo sakin?"

"Tss.."

"Panung hindi ako nagising kung may nangyare satin kagabi?" Napahawak pa ako sa baba ko. Hindi niya ko pinansin at sinauli niya ang libro. "Your name Demi." Sabi ko at natigilan siya. "Kay Denesmi yun no?" Tanung ko at napahinga ako ng malalim. "You're using her nickname Demi, Eve."

"Wala kang pake." Sabay alis niya sa harap ko at sinundan ko naman siya ng tingin.

"I know Demi is important to you. She's your sister. A year younger to Zai." Natigilan siya at napaharap sakin. "Tinatanung ka ni Zai sakin. Kayo ni Demi. Kung kelan kayo babalik ng Paris dahil excited siyang makita ka at makipaglaro sa kapatid mo." Napakuyumos pa ang kamay ko sabay hinga ng malalim. "Hindi ko siya masagot. Hindi ko kaya Eve kahit 6 years na ang nakalipas ng mamatay siya."

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon