Part 21

105 27 19
                                    

-Bree POV-

Sinundo kami ni ms. Jacil para pumunta sa Deans Office. Napanguso ako at napatingin kay Demi. Suot niya ang jacket na pinahiram sakanya ni Perry. Nakayuko siya at nakatingin lang sa mga paa niyang naglalakad.

Anu kaya iniisip nitong babaeng to?

At bigla ko siyang binunggo gamit ang braso ko dahilan para mapatingin siya sakin. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya at napangiti naman ako sakanya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanung ko sakanya. Napaikot ang mga mata niya at ibinaling ang tingin sa iba. "Dahil ba sa picture natin kaya tayo pinatawag?"

"First time mo bang mapatawag sa deans office?" Tanung niya at napatango ako. "Pwes ako hindi." Seryosong usal niya at nauna na siyang maglakad samin.

"Ang sungit niya talaga." Sabay kamot ko ng ulo.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa deans office. Natigilan ako at nabunggo pa si Demi ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Inis siyang lumingon sakin at napanguso naman ako.

"Tss." -Demi.

"Now that you're here." Isang maawtoridad na boses ang aking narinig. Napatingin ako sakanya at nanatili namang nakaharap si Demi sakin.

"Dean Fontanilla." Mahinang usal ko at napahinga na ng malalim si Demi.

"Pumasok na kayo at mag-uusap na tayo." Sabi niya pa samin.

Pumasok kami at natigilan ako ng makita sila mama, papa, tita Evie at tito Drei sa gilid na nakaupo sa sofa na gawa sa leather

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok kami at natigilan ako ng makita sila mama, papa, tita Evie at tito Drei sa gilid na nakaupo sa sofa na gawa sa leather. "Pumasok na daw tayo." Bulong ko at nagkatitigan kami ni Demi.

"Come on Demi." Sabi pa ni Dean at napakagat na ng labi si Demi. Napahinga ako ng malalim at napahawak sa balikat nito.

Napatingin siya sakin kasabay ng pagngiti ko sakanya. "I'm here. Huwag kang kabahan." Pangpalubag loob ko pa sakanya.

"TSS!" Inis niyang inihawi ang kamay ko at humarap na siya sakanila.

Pumasok siya at isinara ko naman ang pinto. "Demi?" Tanung ni tita Evie at napatayo na siya ng makita niya ang itsura ni Demi.

"Bakit niyo po ako pinatawag, Dean Fontanilla?" Mahinahong tanong ni Demi.

"Sit down and we want to talk to you." Mahinang usal ni Dean.

Pumunta siya sa likod ng sofa at sinundan naman siya ng tingin nila tito Drei. Sumandal sa mga bookshelves at napakrus ang mga kamay niya. "Hindi naman po siguro tayo magtatagal dito. Tatayo na lang po ako kasi sigurado akong apat na oras nanaman akong uupo kapag tapos nito."

Napalapit ako kay Demi at napalagay ko ang mga kamay ko sa harap. "Bree, gusto mo bang umupo dito?" Pag-aalok ni tito Drei sakin.

"Tss. Sana all inaalok." Bulong ni Demi at napatingin siya sa iba.

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon