Part 4

179 40 57
                                    

-Demi POV-

"Demi.." Isang boses ang nakapagpabalik saking realidad at napatingin ako sakanya. "Are you ok? Kanina ka pa tulala."

"Ah.. Wala." Sabi ko at napasandal na ko sa braso niya. Nandito kami sa rooftop ng school at nakatambay.

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo." Sabi niya pa sakin sabay tingin ko direkta sa mga mata niya. Natigilan siya at napalapit naman ako sakanya."Bakit?"

Marahan kong inilapit ang hintuturo ko sa labi niya at napatingin dito. Natigilan siya at napalunok pa. "Kung sasabihin kong gusto ko nang gawin natin yun.. Papayag ka ba Owen?" Isang mapangahas na tanung ko at napabaling ang tingin ko sa mga mata niya. "I want to have a child to you."

"Demi.." Mahinang usal niya at unti unti kong nilapit ang labi ko sakanya pero agad niya din itong iniwasan. Natigilan ako at napatayo siya mula sa pagkakaupo namin sa lapag. Pinagpag niya ang pants niya at napatingin siya sakin. "T-Tapos na ang break time.. Pumasok ka na at baka malate ka pa."

"Anu?" Tanung ko at bigla na siyang tumalikod sakin. Lumabas siya at iniwan niya ko mag-isa! "What the?!"

Napahinga naman ako ng malalim dahilan para magtaasan nanaman ang bangs ko! "Makapunta na nga lang sa library."

Ilang minuto ang lumipas..

"Oww... You're here again!" Isang pang-aasar na boses ang unang bumungad sakin. "Si Demitria Eve Fontanilla ay maglilinis nanaman ng Library ngayung hapon."

"Pwede ba? Tigilan mo nga ko!" Inis ko at kinuha ko na ang walis at mop.

"At bakit ka nanaman nandito? Anu nanaman ginawa mo para madisciplinary office ka?" Isa pang tanung ng librarian sakin sabay krus ng dalawang kamay niya.

"Wala akong ginawa no!"

"Sus! Alam mo bang hindi na ko nagpapapunta ng Vanitor dito dahil sayo?" Isang nakakainsultong sabi niya sakin. "Pano? Kakalinis mo lang kahapon tapos ngayun maglilinis ka ulit. Sa sobrang sipag mo inaraw araw mo ang paglilinis dito. Halos mabura na ang mga title ng libro dito kakapunas mo!"

"Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang sakin at nililinis ko itong Library mong inaamag na?!" Tanung ko at natigilan siya! "Ako na nga lang nanghihiram ng libro dito ganyan ka pa. Pano sa panahon ngayun walang nang gumagamit ng libro, nasa internet na kasi lahat ng gusto mong malaman."

"Bakit kasi ayaw mong gamitin ang Vbook at Vwallet mo?" Tanung niya sakin at natigilan ako. "Even yung uniform dito hindi mo sinusuot. Nagtataka nga ako pano ka nakakapasok dito."

"Nakakapasok ako dito dahil sa pin na to ok?!" Sabay turo ko sa pin ng Tresenteng nakakabit sa damit ko. "Tyaka katropa ko ang mga guard kaya nakakapasok ako! Tss!"

"Hay nako Demi! Mas inuna mo pang maglinis dito kesa pumasok sa klase mo!" Inis niya at umalis na ko sa harap niya.

Ilang oras ang lumipas ay naglakad ako sa buong library na dala ang isang trolly. Kinuha ang mga libro na iniwan ng ibang studyante sa lamesa at inilagay ko sa trolly ko para isauli. Ang Library na ito ay hindi pangkaraniwan. May roong isang room dito na tinatawag naming Valencia De Connaissance, kung saan ipapatong mo lang ang isang libro sa digital table at ilalabas na nito ang laman maging ang mga video na related sa libro.

Connaissance is a french word of knowledge.

Connaissance is a french word of knowledge

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon