Part 19

102 29 17
                                    

*Ihanda ang puso sa mga susunod na mangyayare*

-Demi POV-

"Anu bang problema nung lalaking yun?" Inis na tanung ko at napahawak ako sa mukha ko. "A-Anung sabi niya? M-Maganda ako pag walang nakatakip na buhok sa mukha?!"

Agad akong natigilan sa paglalakad at napalingon sa VDR buildings. "ASA SIYANG SASAGUTIN KO SIYA SA MAY 4!" At napalunok pa ako.

Naglalakad ako palabas ng school para makauwi ng biglang may kumawit ng braso ko at napatingin ako sakanya.

"Sabi na nililigawan ka ni Zoi Bree eh." Mahinang usal niya sabay ngiti sakin. Napalunok ako at papalag na sana ako ng biglang may kumawit sa kabila ko pang braso. "Why don't we have a little talk over there Demi?" Sabay turo niya sa likod ng building.

"Uuwi na ko Phoebe." Inis ko at lumayo siya sakin pero pinalitan siya ng isa niya pang kasama at agad din naman nitong ikinawit ang kamay niya sakin.

Hindi ako makagalaw dahil sa dalawang babaeng nakahawak sa magkabila kong kamay! Lumapit si Phoebe at tinapik ang mukha ko. "No. Kapag sinabi kong mag-uusap tayo mag-uusap tayo Demi." Seryosong sambit niya at hinatak na nila ako sa likod ng building.

"Anu ba bitawan niyo nga ko!" Inis ko pero hindi ako makapalag sakanila dahil sa higpit ng kapit nila sakin!

"Sinasabi ko na nga bang malandi kang babae ka." Sabi ni Phoebe ng makarating kami sa likod ng building. Napalunok ako ng bigla siyang lumapit sakin at sinampal niya ko ng malakas! "That's for Owen." Sabay sampal nanaman niya sakin sa kabila! "That's for me." At isa nanaman! "And that's for the time Owen wasted for you. Dapat kasi sakin lang ang oras niya pero mas pinili niyang pag-aksayahan ka ng oras."

Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko dahil sa pananampal niya. Ang dugong natitikman ko dahil sa lakas nito. Napayuko ako at napahigpit pa sila ng hawak sakin.

"Inagaw mo si Owen sakin. Mas itinuon niya ang atensyon niya sayo dahil may pera ka." Inis niya at bigla niya kong sinabunutan at tinignan sa mga mata. "Do you know how hard for me na nakikita kayong magkasama maski ako naman talaga ang girlfriend niya?!"

Napangiti ako at natigilan siya. Lalo niya pang hinigpitan ang pagsabunot sakin kasabay ng pagwagayway niya ng ulo ko. "What's funny you bitch?!"

"Yung mukha mo." Mahinang usal ko at bigla nanaman niya kong sinampal dahilan para mapasalampak na ko sa lupa. "Ha.Ha.Ha." Isang sarkastikong tawa ko at marahan akong tumingala sakanya. "Mahal ka lang niya pero hindi ka naman niya kailangan."

"What?"

"Pupusta ako na bukas makalawa babalik si Owen sakin dahil mas kailangan niya ko kesa sa katawan mo Phoebe." Mariing sabi ko at napatayo na ko. Pinagpag ko ang damit ko at inayos pa ito kasabay ng pag-ayos ko pataas ng buhok ko.

"Hindi ka naman niya kasi kailangan. I know Owen." Sambit ko pa at napalapit ako kay Phoebe sabay madiin kong dinuro ang dibdib niya dahilan para mapaatras siya. "Katawan mo lang ang gusto niya hindi ikaw." Paunang sabi ko at napaduro pa ako sakanya. "Mahal ka lang niya pero hindi ka niya kailangan." Pangawala at napapaatras siya dahil sa lakas ng pagduduro ko sa dibdib niya. "Iiwan ka niya at babalik sakin dahil may mga bagay na hindi mo kayang ibigay sakanya na ako lang ang nakakabigay!"

"FUCK YOU!" At sasampalin na sana niya ko ng bigla akong mapahawak sa pulso niya.

"Nakatatlo ka na sakin. Pinagbigyan na kita." Inis ko at lalo ko pang hinigpitan ang paghawak ko sa kamay niya.

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon