Part 23

100 23 4
                                    

-Bree POV-

"Hoy! Patahimikin mo yan at sumasakit na ang tenga ko sa batang katabi mo!" Inis niyang usal samin habang nakaturo siya kay Demi.

"I'll calm her down, so don't worry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'll calm her down, so don't worry. We'll be quiet." Sagot ko at napaupo siya sa harap ko. Pansin ko ang malaki niyang pangangatawan at nakakatakot niyang mukha na may peklat. Tumingin siya sakin ng seryoso at napalunok naman ako dahil sa kaba.

"English english ka pa?!" Inis niya at tangkang hahampasin niya ko. Napapikit ako ng mariin at napataas pa ang mga kamay kong nakatali para salagin ito. "Hampasin ko bibig mo eh!"

Halos manginig ang buong katawan ko sa takot sakanya. Ang madilim at malamig na kwarto kung saan kami nakalagi ni Demi. Ang mga kasama niyang nag-iinuman sa kabila at may kung anung hinihithit pa kapag kami ay pinupuntahan nila.

Napalunok ako at napayuko. Ramdam ko ang kawalan namin ng pag-asang makatakas dito. Bawat halakhak nila ay siyang takot sakin dahil sa matatalim na tingin nila samin.

Tumayo ang lalaki sa harap ko at napamewang. Tinignan niya si Demi na patuloy na umiiyak sa tabi ko. "Patigilin mo yan sa pag-iyak. Pag ako nainis.." Sabay labas niya ng kutsilyo sa harap namin. "Puputulin ko dila niyan para manahimik."

"O-Opo." Nauutal pang sambit ko. Tumalikod siya samin at napahinga naman ako ng malalim.

"I-I want my mommy." Humihikbing sabi ni Demi sakin. "L-Lets go home na k-kuya Jae. I want to see my mommy."

"Shhh.." Sabi ko sabay lapat pa ng hintuturo sa bibig ko. "Huwag kang maingay. Nagagalit yung mga monsters satin."

"I miss ate Eve and daddy. I want to see them. It's ate Eve dance competition tomorrow. Please let's go home na po." Pagmamakaawa niya at biglang..

"Hoy!" At muli kaming binalikan ng lalaki. Lumapit siya kay Demi at hinawakan ang braso nito't itinayo. "HINDI BA SINABI KONG WAG KANG MAINGAY HUH!"

"I-I want to go home na po." Umiiyak na sabi ni Demi sakanya. "I want to see mommy."

"ANUNG GO HOME? GO HOME?! TANGA WALANG UUWI AT MAY GAGAWIN PA KAMI SAYO!" Sigaw niya at nanlaki na ang mga mata ko. Agad kong hinawakan ang braso niya at napatingin siya sakin.

"Huwag niyo pong saktan ang kapatid ko!" Mariing sabi ko sakanya.

"Anung kapatid?! Kapatid mo ba talaga ito huh?!" Sabi niya pa at bigla niya kong sinampal ng malakas dahilan para mapasandal ako ng madiin sa pader. Naibaling din naman niya kay Demi ang tingin. "Tumahan ka na at naririndi na ko sa iyak mo!"

"Huwag niyo po siyang hawakan!" Inis ko at buong lakas ko siyang itinulak.  Nagulat siya at napatingin sakin. Napahawak ako kay Demi na nginginig na din sa takot sakanya.

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon