Part 24

79 24 15
                                    

-Bree POV-

Natapos ang swimming practice namin kaya naman ay agad na kong nag-ayos para sunduin si Demi sa gym. Napatingin sa pants ko at pinilit na tanggalin ang bubblegum na nakadikit dito.

"Kainis. Wala pa naman akong extra pants." Mahinang usal ko. Napahinga ng malalim at isinuot na lang ito dahil wala din naman ako magagawa.

Ilang minuto pa ay dumeretso na ko sa gym. Sinilip ko si Demi pero mukhang tapos na din sila ng practice.

"Oh Bree?" Sabi ni Perry ng makita niya ko sa pinto. "Bakit ka nandito?"

"Si Demi?" Tanubg ko at sinisipat ko pa din ang likod niya.

"Naliligo pa sa shower room." Sabay turo sa likod niya. Napangiti ako at napatabi sa gilid. "Sige una na ko."

"Sige, kita na lang tayo sa room." Sabay babye ko sakanya.

Umalis si Perry sa harap ko at napanguso akong napatingin sa direksyon ng shower room nila. Dalawa kasi ang pinto dito.

"Doon na nga lang ako maghihintay sakanya sa labas." Mahinang usal ko at napabulsa na ang dalawang kamay ko. "Baka mamaya hindi siya dito lumabas."

Nagpunta akong shower room nila ng makita ko ang grupo nila Phoebe. Tumatawa sila at nagbubulungan pa.

"Omg binigay niyo kay Owen?"
"Yah. Siya na bahala dun. I bet na itatapon niya yun sa pool."
"Hahaha! Papasok siya ng super wet!"

Hagalpak pa na tawa nila.

"Anu nanaman kaya ang kalokohan ng mga yun?" Bulong ko at napahinga na ko ng malalim. Lumapit ako sa shower room nila at pinakinggan ang loob nito. "Baka nagshoshower pa siya. Hinantayin ko na lang dito."

Napapatingin ako sa relo ko ngunit ilang minuto na ay wala pa ding Demi na lumalabas dito. Napakamot ang ulo ko at pinakinggan ko ang loob.

"Bakit parang walang tao?" Tanung ko sabay kunot ng noo ko. "Silipin ko nga."

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng marahan pagbukas ng pinto. Napalunok at napahawak ng mahigpit sa doorknob.

"D-Demi?" Nauutal na sabi ko sakanya. Iminulat ang isang mata at inilibot ang paningin. "Demi?"

Napaayos ako ng tayo at napapasok sa shower room nila ng wala akong makitang ni isang tao. Napakamot ako sa ulo at napanguso. "Nasan yun?"

"Yah. Siya na bahala dun. I bet na itatapon niya yun sa pool." Natigilan ako ng maalala ko ang sinabi nila Phoebe kanina. Napaatras ako at dalidali nang pumunta sa pool area namin.

"Ito ba? Ito ba ang hinahanap mo?" Nadatnan kong hawak ni Owen ang damit ni Demi. "Sige kunin mo."

Napatingin ako kay Demi na nakatowel lang. Basa ang kanyang buhok at pinipilit na kunin kay Owen ang damit niya. "Amina sabi yung damit ko eh!" Inis pang usal ni Demi.

Umakyat ang galit sa ulo ko dahilan para mapakuyumos ang dalawang kamay ko. "Hoy!" Sigaw ko at napaturo ako sakanya. Napukaw ko ang atensyon nila dahilan para mapatingin sila sakin. "Bakla ka talaga eh no!"

"What?" Sabi ni Owen at napalingon si Demi sakin.

Lumapit ako sakanila sabay hubad ng coat ko. Ipinatong ko sa balikat ni Demi ito para matakpan ang katawan niya. Natigilan ako ng makita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.

"Nanakit ka ng babae sa tagong lugar, ngayun pati damit ng babae gusto mo na?" Mahinahong tanong ko kay Owen habang nakatingin ako kay Demi. Nakayuko siya at nakagat pa sa labi niya.

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon