Part 5

153 32 12
                                    

-Demi POV-

Palabas na sana ako ng building ng mga Alonto ng makita ko ang ilang mga guards dito! Mas marami sila kumpara kagabi. Napalunok ako at napabaling pa ang tingin sa iba upang maghanap ng iba pang daanan.

"Fuck! Kahit saan may guard!" Mariing sabi ko at napatago pa ako sa likod ng pader ng biglang..

"What are you doing here?!" Malalim na boses ang aking narinig at bigla niya kong hinawakan sa braso! Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya!

"O-Owen.."

"Bakit ka nandito?!" Inis niya pa sakin. "Anung ginagawa mo dito? Gusto mo ba talagang mapahamak Demi!"

"Pero nagpunta lang ako dito kasi gusto kitang makita." Sabi ko at sumimangot naman ang mukha ko. Napasilip ako sa mga guard na parang may seryoso silang tinitignan. "A-Anu bang nangyare?"

Mahigpit na humawak sakin si Owen at isinandal niya ko sa pader. "Someone sent a note sakanila. A note na gustong patayin si Zoi Bree."

"Ha?! Si Bree?!" Gulat na tanung ko at napabitaw na siya sakin.

"Yah. Nakabasag pa siya ng vase na mamahalin kaya sobrang higpit nila ngayun dito." Sagot pa ni Owen at napayuko na ko. "Let's go. Hindi ka pwede dito."

Hinawakan ako ni Owen at agad na inilabas sa building. "Owen.."

"Huwag ka na basta basta pumunta dito Demi." Seryosong usal niya pa. "Mamaya mahuli ka pa ng mga guard."

"I'm sorry." At napaatras na ko. "I should go. Papasok pa ko."

Napahinga ng malalim at inisip ko ang nangyare kagabi. "Nakita ko si Phoebe kagabi na tumatakas sa mga guard.." Bulong ko at natigilan ako! "H-Hindi kaya siya ang nagpadala ng sulat?" Sabay hawak ko sa baba ko at nguso. "Pero bakit gusto naman niyang patayin si Jae? I mean Bree?"

Napahinto ako sa paglalakad ng marealize kong nasatapat na ko ng building ni Perry. Napakunot ang noo ko at pumasok na sa loob. "Tyaka ko na nga isipin yun! Wala naman akong pakialam sa lalaking yun!" Dagdag ko at pumasok na ko.

Nadatnan kong natutulog pa din si Perry. Dahan dahan akong tumabi sakanya at pakunwaring bagong gising lang. Ginulo ko din ang buhok ko at hinubad ang jacket niya. Nilagay ko ito kung saan niya nilapag kagabi.

"Goodmorning!" Masayang bati ko at nag unat unat pa. Nagising siya sabay hikab ko naman. "Grabe sarap ng tulog ko.."

"Morning." pagbati niya sakin sabay kusot pa ng mata niya at upo. "Anung oras na?"

Kinuha ko ang phone ko at ibinigay sakanya. Humiga ako sabay talukbong. "Tulog pa tayo. 8am palang."

"ANO?! 8 NA?!" Sigaw niya at nagtakip na ko ng unan sa tenga ko! "HOY DEMI! Bumangon ka na dyan! 9 ang klase natin at ngayun ka lang nagising?!"

"Maaga pa! may 1 hr late naman tayo for the whole sem!" Mariing sabi ko at bigla niya tinggal ang unan na nakatakip sa tenga ko! "Anu ba! Matutulog pa ko!"

"Hoy Demi! Bumangon ka na diyan at anung oras na!" Inis niya at hinatak niya ang dalawang kamay ko para makaupo. Napayuko ako sabay pikit at nguso. "May balak ka pang matulog?! Anung petsa na!"

"Antok pa ko Perry.." At hihiga na sana ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko sabay hatak ulit sakin dahilan para manatili nanaman akong nakaupo!

"Isa! Pumasok na tayo!" Inis niya at pumunta na siyang cabinet niya. "Tara na! Pumasok ka na!"

"Perry naman.." Sabay nguso ko sakanya.

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon