Part 1

372 63 77
                                    

Ang mga mababasa mula dito hanggang susunod na pahina ay likha lamang ng author na ito. Walang hango sa totoong buhay. Inaabisuhang ihanda ang puso maging ang buong pagkatao sa kwento. Makakaradam ka ng kilig, lungkot, tawa at iba pang pakiramdam.. Read well and enjoy.

-Demi POV-

"Hindi ka na mabubuntis."

Isang malalim na boses ang nakapagpatahimik sa maingay kong pag-iisip. Apat na katagang hindi ko inaasahan. Isang pangungusap na nakasira ng aking hinaharap.

Hindi ako nakapagsalita at tanging pagbigkas niya lang ng bibig ang aking nakikita. Nakatutok ako sakanyang sinasabi ngunit ni isang wika niya ay hindi ko maintindi. Unti unting lumalabo ang pandinig ko sa bawat paliwanag niya sakin. Ramdam ko ang pagbalot ng kalungkutan sa aking damdamin, na siyang lalong nakapagpatigil ng oras namin.

"Demi.. Demi.." Mahinang usal niya pa at napahawak na siya sa kamay ko. "Did you hear me? Are you ok?"

Bumalik ako sa realidad at napabuntong hininga pa. Nangingilid ang luha kong tumingin sakanya. Napalunok ako at ni isang salita ay hindi ko na mabigkas, dahil parang hindi ko na sigurado ang aking magiging bukas.

"This is not a joke Demi." Seryosong usal niya pa. "Ovarian Fibroids is a serious case for a woman like you!"

Napalunok ako at napayuko. Napakuyumos pa ang mga kamay ko at napahinga pa ng malalim, nakahugot ng lakas ng loob para sa pag uusap namin. "Can it turn into a cancer?" Takot ang aking nararamdaman ng sambitin ko ito sa harap niya. Kinakabahan sa kung anung isasagot niya pa.

"Yes." Isang salita at lalong gumuho na ang mundo ko. Bumagsak ang balikat ko at ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. "But sa kaso mo, very rare lang na maging cancerous ang sakit mo." Pangpalubag loob niya pa. "1 out of 100 case lang naman kaya imposibleng maging cancer yan."

"How about sa pregnancy? May tendency bang magkaroon pa ko ng baby?" Sunod sunod na tanung ko sakanya.

"Yes. For now." Sagot niya pa sakin at iniabot niya ang ultrasound ko. "Look. Yung mga bilog bilog na yan na parang bukol sa uterus mo, those are Ovarian Fibroids. For now maliliit palang yan at konti pa. "

Napatitig ako dito at napatutok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatitig ako dito at napatutok. "And? What will happen if.."

"If you want to have a baby, do it now." Payo niya at nanlaki ang mga mata ko! Napasandal siya sa swivel chair at napagdikit niya pa ang dalawang kamay niya. "I know 17 years old ka palang Demi, pero kapag tumagal pa ito mahihirapan ka nang magdalang tao."

"Pero tito Fin!" At napatayo na ko dahil hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi niya! "You're a doctor! You should know po kung anu ang makakabuti sakin!"

"Yes I'm a doctor Demi and you're my patient. Kaya ko to sinasabi sayo, para makapagdesisyon ka." Mariing sabi niya pa. Napahinga siya ng malalim at napahawak naman ako sa sentido ko.

"So you're telling me at the age of 17 I should have a kid?!" Mariing tanung ko kay Tito!

"I'm not saying na magpabuntis ka na ngayun sa boyfriend mo! What I'm saying is, if you really want to have a baby do it now!" Isang sohistyon niya at lalong bumigat na ang eksena namin.

"Pregnancy is not a game po tito na kung saan magbabahay-bahayan lang po ako." Seryosong usal ko at napatingin siya sa isang brochure na nakapatong sa table niya. Kinuha niya ito at iniabot sakin. Tinignan ko ito at napakunot ang noo ko. "A-Anu po ito?"

"It's a mature oocyte cryopreservation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"It's a mature oocyte cryopreservation." Dagdag niya at napaseryoso siya ng tingin sakin. "It's also called egg freezing, kung saan kukunin namin ang eggcells mo at ife-freeze namin ito hanggang sa gusto mo nang magkaanak."

Nakahanap ako ng pag-asa sa sinabi ni tito. Napalunok akong tumingin sa brochure na hawak ko. "M-Magkano naman ang magagastos ko dito?" Nauutal pang tanung ko sakanya dahil parang hindi pa din ito ang solusyon para sakin.

"120,000 depende pa kung ok ka para dyan." Natigilan ako at hindi na makapagsalita. "Umalis ka sa poder ng magulang mo at ngayun mauubos ang savings mo para dyan."

"I can do it on my own tito. Kaya kong suportahan ang sarili ko without their help!" Mariing sabi ko pa at napahinga siya ng malalim.

"For now Demi, maliliit at konti palang ang Ovarian Fibroids mo. Pero kapag umabot ka na ng ilang taon dadami at lalaki din yan."

"I am not prepared on this.." Malungkot na sabi ko pa sakanya. "Hindi pa po kami ready ni Owen.."

"Owen?" Tanung niya at inis siyang napatayo. "Your stupid boyfriend?!"

"Pwede ba tito Fin!" Inis kong usal sakanya.

"Kung siya ang magiging ama ng anak mo WAG NA!" Dagdag niya at natigilan ako. "I know him Demi. Hindi siya para sayo at ayoko sakanya."

"HUWAG KANG MANGIALAM SA MGA BAGAY NA GUSTO KO!" Isang sigaw ko na bumalot sa buong kwarto. Natigilan si tito Fin at maging ako ay nagulat sa aking ginawa.

Napayuko siya at halata sakanya ang pagkadismaya. "Umalis ka sainyo dahil galit ka sa magulang mo. Lumayo ka sakanila dahil ayaw nila si Owen para sayo." Mariing sabi niya sakin. "And now sinisigawan mo ko dahil lang sinabi kong hindi ko gusto ang lalaking yun para sa pamangkin ko? Did you hear yourself Demi?! Narinig mo ba ang sinigaw mo sakin kanina?"

"I-Im sorry tito Fin.." Mahinang usal ko at nagsimula nang magsilabasan ang mga luha ko.

Napahinga si tito Fin ng malalim at napabaling ang tingin sa iba. "I came back to the Philippines for you. Dahil humiling ang papa mo kay Queen Arya na alagaan at bantayan kita dito. You're turning 18 next month." Mahinang usal niya at marahan kong iniangat ang tingin ko kay tito. "I heard that he's coming back for you."

"Po?"

"Your fiance Demi." At natigilan ako. Napaatras akong nakatingin kay tito Fin. "Ang deal ng papa mo sa mga Alonto."

HI THANK YOU FOR READING! Silent readers dyan.. Baka naman kahit vote lang..
*PLEASE DO VOTE AND COMMENT (^•^)
Add niyo ko sa FB: Stephen Lie

HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon