-Bree POV-
"Roses are red. Violets are blue. When I look at you, I hope you'll be mine too." Pagbabasa ko sa mga sinulat ko sa papel. Napangiti ako at napalingon sa likod ko. Nakita kong natutulog nanaman si Demi sa upuan niya.
Napahinga ng malalim at muli kong itinuon ang atensyon sa love letter na sinusulat ko. "Your my reason that's why i'm here. In this world that you couldn't hear." Sabay ngiti ko ng mapagtanto kong nagiging tula na ang love letter ko. "Demi I want you to be free. From your shitty past, we all that agree?"
"Agree?" Tanung ni Perry at agad akong napatakip sa papel ko!
"Perry!" Gulat ko habang nakatingin siya saakin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod habang nakanguso naman.
"Anu yan?" Tanung ni Perry at napabaling naman ang tingin ko sa iba.
"A-Ano." Nauutal na sabi ko
"May assignment ba tayong tula?" Tanung niya sakin.
"Wala naman!" Mariing sabi ko at napaatras pa ako. "Nagprapractice lang ako sa poetry, para lang may alam din ako dun."
"Ah patignan nga?" Sabi ni Perry pero..
"Guys punta na daw tayong gym!" Sigaw ng kaklase ko at napatingin naman si perry sakanya. Ako naman ay agad kong tinago yung papel sa bag ko. "Magpalit na daw ng damit muna pala."
"Ok!" Sigaw naman ng iba.
Napatingin naman kami ni Perry kay Demi na natutulog. "Magpapalit na ko ng damit. Gisingin mo na lang siya."
"Ok sige." Sabay ngiti ko.
Umalis si Perry at napapatong naman ang isang kamay ko sa lamesa ni Demi. Halata ang masarap niyang pagkakatulog habang nakadantay ang ulo niya sa isang braso niya.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya para bumulong. "Demi." at napakamot naman siya ng tenga. Napangiti ako ng wala man lang epekto sakanya ang sinabi ko. "Demi, hear me." Bulong ko ulit at hindi pa din siya nagigising. "Demi may sasabihin ako." at isa pa pero nanatili pa din siyang nakapikit. "Gusto kong malaman mong ma—"
"Mahal kita." Natigilan ako ng bigla siyang magsalita. Marahan niyang idinilat ang mga mata niya at napatingin siya sakin. Napalunok ako at napaangat na ang ulo niya mula sa lamesa. "Ayun ba sasabihin mo?" At sumeryoso na siya ng tingin sakin.
"Ayun ba gusto mong sabihin ko?" Tanung ko at natigilan siya. Napalapit ako sa mukha niya kasabay ng magkakasunod na lunok niya. "Gusto mo bang marinig mula sakin ang mga katagang "Mahal kita, Demitria Eve" ?" At bigla na siyang namula. Napahawak ako sa baba niya at napatingin pa sa mga mata niya. "Kasi kung yun na ang nararamdaman mo.. Hindi ko lang sasabihin sayo. Ipagsisigawan ko pa sa buong mundo na mahal kita."
"LUMAYO KA NGA SAKIN!" Sigaw niya at bigla niyang sinapak palayo ang mukha ko!
"Aray!" Sigaw ko at napahawak ako sa ilong.
"Tss! Aga aga." Inis ni Demi at napatayo siya. "Magpalit ka na ng PE uniform. Maglalaro na daw."
"Oo na oo na." Sabi ko sabay hubad ng pang-itaas ko.
"Anak ng tokwa!" Inis niya at napatingin na samin ang iba naming mga kaklaseng lalaki. "Bakit ka dito nagpapalit ng damit?!"
"Hala si Demi!"
"Oh shit!"
"Nandito pa pala siya!"
"Fuck hindi ko din napansin!"
![](https://img.wattpad.com/cover/240902720-288-k22397.jpg)
BINABASA MO ANG
HEAR ME, DEMI BOOK 1 (COMPLETE)
Любовные романыHindi ko na iintruhan kasi hindi uso sakin ang mangspoil kung anung meron sa kwento ng buhay ko💁♀️💁♀️💁♀️ Basahin mo na lang para mashookt ka sa mga malalaman mo tungkol sakin💁♀️💁♀️💁♀️ Hindi ito joke time💁♀️💁♀️💁♀️ Hindi din ako nakikipagbir...