Chapter 12

33 4 0
                                    

Mika's POV

Pagpasok ni Shar galing veranda tinanong ko agad siya kung bat napatawag si Donny. Bakit ba. Chismosa ako eh. Hahaha..

"Nash palit muna tayo." Shar.

"Dali na Nash." Ako.

"Eto na."

"Thank you." Umalis na si Nash sa tabi ko at tumabi na kay Donny. Tumabi agad sakin si Shar.

"Oh ano sabi ni Jah? Bat daw siya napatawag?"

"Nakita niya post ni Donny. Hindi ko alam kung ano yung picture na yun na nakapagtriggered sakanya para tawagan ako. Pero teka ichecheck ko muna." Shar. At nagopen na siya ng fb niya. Ang daming notifications. Chineck niya na agad ang tinag sakanya ni Donny.

"Ahh kaya pala napatawag. May picture kasi na nakasandal ka sa balikat ni Donny at nagwawala ang mga fans niyo." Sabi ko.

"Yun pala ang sinasabi niyang sweet pose. Tinanong ko kasi siya kung nagseselos ba siya sabi niya hindi daw. Ayaw niya lang daw na masiraan ako dahil ikakasal na ko tapos makikita na sweet kami ni Donny. Tapos pinapadistansya ako ni Jah kay Donny. Halata namang nagseselos siya. Dinedeny niya pa." sabi niya. Pero nagbubulungan lang kami.

"Nako po. Nagseselos yan promise. Ganyan si Nashie eh. Hahaha.."

Nagkibit balikat nalang si Sharlene at nanonood nalang kami ulit. After naming manood naoag desisyunan namin na matulog na. Bumalik na sila Nashie sa room nila kami naman ni Sharlene ay naghahanda ng matulog.

Shar's POV

Matutulog na sana ako ng biglang may magtext sakin.

From: Baby 💚

Baby, baka bihira kita matext or matawagan bukas ha. Masyado kasi kaming busy bukas eh. Pero sa gabi tatawag naman ako. Good night Baby! 💚 I love you! Sweet dreams! Tutulog na din ako.

Hindi na ko nagreply sa text ni Justin at natulog na ko.

[Kinabukasan]

Maaga ako nagising kasi ang usapan namin mag swiswimming kami sa pool tapos mamayang hapon hanggang gabi pupunta kaming Sky Ranch. Tulog pa si Mika.

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto. Nakita ko sila Donny at Nashie.

"Good morning Shar!"- Nash and Donny.

"Good morning. Pasok. "

Pumasok ang dalawa at pinatong ang dala nilang almusal sa lamesa. Ginising agad ni Nash si Mika. Tinulungan naman ni Sharlene si Donny sabpag ayos ng pagkain.

"Kamusta tulog mo Shar?"- Donny

"Ayos lang naman. Ikaw?"

"Ayos lang din."

"Pinadeliver niyo to or kayo lumabas?"

"Kami na ang lumabas. Maaga kasi kaming nagising."

"Ahh.."

"Good morning Shar and Donny!" Mika.

"Gising ka na pala Mika. Good morning!" ako.

"Good morning Mika. Tara kain na tayo." Donny.

Umupo na kami at nagsimula ng kumain. After naming kumain ay nag ayos na kami para makapagswimming na kami. After namin mag ayos bumaba na kami sa pool area at nag enjoy.

Justin's POV

Nandito na kami ngayon ng SB at ni Celine sa construction site ng pinapatayo kong bahay. Tinry kong tawagan si Sharlene pero hindi sumasagot. Baka tulog pa. Tinext ko na din na tumawag sakin pagkabasa ng text ko. Gusto kong marinig ang boses niya. Binitbit ko na lagi phone ko para pag tumawag si Shar masagot ko agad.

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon