Chapter 25

29 5 2
                                    

(3 days before the Wedding)

Shar's POV

Pag gising ko ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos bumaba na ko para mag breakfast. Pag baba ko nakita ko si Jah na nakaupo sa sala. Bat andito to ng ganito kaaga? 8am palang ah.

"Shar, gising ka na pala."

"Good morning ate, Good morning kuya."

"Good morning. Magbreakfast ka na. And andito si Jah oh." Ate Miles.

"Kain lang po ako ate Miles. Tapos aalis po pala ako pagtapos." Sabi ko.

"San ka pupunta?" Jah.

"Wala ka na dun." pagtataray ko.

"Hatid na kita." alok niya.

"No thanks. May susundo naman sakin. Tyaka baka magalit GIRLFRIEND mo." sabi ko at dumiretso na sa kusina. Nagulat ako ng hinatak niya ko.

"Shar let me explain please."

"No!" pilit akong kumakawala sa kanya.

"Please Shar..." Ayaw niya pa din akong bitawan.

"Pwede ba bitiwan mo ko. Kapag hindi mo ko binitiwan ipapacancel ko na ang kasal natin ngayon na mismo." Panakot ko sakanya.

"Imbis na pag iisipan ko pa, mukhang magiging desidido na ko ngayon." dygtong ko. Pero hindi niya pa din ako binibitawan.

"Bakit? Kapag kinancel mo ba ang kasal kay Donny ka ba magpapakasal? Mahal mo na ba si Donny? Anong ginawa niya sayo at napilit ka niyang hindi magpakasal sakin. Sa tingin mo papayag ako na hindi tayo maikakasal?" diredirechong sabi niya. This time galit na siya. Eto ang kauna unahang pag aaway namin na parehas kaming galit.

"Pwede bang wag mong dinadamay si Donny dito. Nananahimik yung tao at walang ginagawang masama."

"Bakit hindi siya madadamay? Diba kayo ang magkasama kahapon? Tapos 12:30 ng madaling araw na kayo umuwi."

"Eh ano ngayon kung magkasama kami ni Donny at ginabi kami??"

"Ang panget tignan Sharlene kapag may nakakita sainyong dalawa na kakilala niyo. Sasabihin ikakasal ka na pero kung sino sino pa ang kasama mo ng hatinggabi."

"Wow! Justin! Wow! Buti nga ako magkasama lang kami eh. Hindi ba mas malala ang ikakasal na pero nagpapahalik pa sa iba sa labi pa mismo. Tapos pinsan pa ng barkada niya." sagot ko.

"Hindi ko ginusto yung paghalik sakin ni Andrea."

"Hindi mo ginusto? Pero nung tinawagan kita ni hindi mo man lang akong tinawag na baby. Tapos tinatanong kita kung babae or lalaki ang kasama mo hindi mo sinasagot at higit sa lahat nag i love you ako pero binabaan mo ko. Like seriously Justin?! Sa tingin mo paniniwalaan ko yang hindi mo ginusto. Oh come on Justin. Kung alam mo lang at that tine tinest kita kung magsasabi ka ng totoo eh. Oo nga nagsabi ka ng totoo na nasa mall nga kayo pero yung tanong ko kung babae or lalaki kasama mo hindi mo sinagot. Iniba mo pa ang topic. Wag mo kong gawing tanga Justin." Final na sabi ko at buti naalis ko na sa pagkakahawak niya ang wrist ko.

"Ate Miles! Sa labas nalang po ako kakain. Nawalan na po ako ng gana." sigaw ko kay ate Miles na nasa sala.

Bago ako makaalis ng kusina may sinabi pa siya.

"Tandaan mo Sharlene mahal na mahal kita kaya hindi kita hahayaang mawala pa sakin." yun lang ang sinabi niya at umalis na ko sa kusina.

Pagdating ko sa sala, napatingin ako sa reaction nila kuya at ate. Halatang nag aalala sila sa nangyayari samin ni Jah.

"Sorry." mahinahong sabi ko sakanila at umakyat na sa kwarto ko at doon na umiyak.

Donny's POV

*Sharlene💜's Calling*

[Donny and Sharlene CONVO]

S: Donny? Can you pick me up here in our house. I just want to relax.

D: Hey, are you okay? Are you crying?

S: I'm not okay Donny. Please, pick me up here in our house. I just want to relax and I know you will be able to find a place that I can relax. Pleasee..

D: Okay. Wait for me.

S: Thank you. Bye.

D: Stop crying ha. Bye.

*Call Ended*

Pagbaba ko ng tawag, nag ayos na ako at nagmaneho papunta kila Sharlene.

Ano kayang nangyari kay Shar? Bat umiiyak siya ulit? Kung sabagay sobrang sakit naman talaga nung ginawa na yun ni Donny.

After ilang minutes ay nandito na ko. Bumusina na ako. After ilang minutes lumabas na si Shar ng gate nila at sumakay na sa kotse ko. Magang maga ang mga mata niya. At ngayon ay halatang pinipigil niya ang pag iyak niya.

"Let's Go." Sabi niya. Sinunod ko na naman siya. Bago ko mapaandar ang sasakyan bumukas ang gate at lumabas si Justin na masama ang tingin sakin. Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.

Nakatingin lang siya sa bintana sa labas. Hindi siya masyadong umiimik. San ko kaya siya pwede dalhin?? Hmm.. Aha! Alam ko na.

Nagpark ako sa parking ng mall.

"Bat tayo nandito sa mall?" takang tanong niya.

"May bibilhin lang ako. Tara!" inalis ko na ang seatbelt ko at bumaba na. Umikot ako sa may side niya para pagbuksan siya ng pinto.

Pumunta kami sa grocery store at namili ng mga chips, drinks, fruits, bread, etc.

After namin mamili, bumalik na kami sa parking at sumakay na sa kotse. Nagmaneho na ko papunta sa magandang lugar.

"Saan tayo pupunta? Bat ang dami mong pinamili?" sabay tingin sakin.

"Basta. Matutuwa ka dito at marerelax ka." tumango nalang siya at tumingin na ulit sa bintana.

After 30 minutes nandito na kami. Dinala ko siya sa isang camp site. Bumaba na kami ng kotse. Hindi na ko hinintay ni Shar na pagbuksan siya ng pintuan dahil halata sa mukha niya ang excitement.

"Wow! Amazing!" Manghang sabi ni Shar.

"Mag cacamping tayo?" excited na tanong niya.

"Oo. Nagustuhan mo ba?"

"Oo. Super. Nagustuhan ko."

"Buti naman at nagustuhan mo."

"Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sayo.."

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon