Chapter 3

91 4 0
                                    

Justin's POV

*Ring Ring*

[M-Miles J-Justin]

J: Hello po ate Miles

M: Hello Jah

J: Yes po ate?

M: Magkasama ba kayo ni Shar?

J: Hindi po Ate. Kasama niya po ngayon sila Nash at Mika sa mall po. Tapos kami pong SB19 nandito po sa coffee shop na malapit po sa mall na pinuntahan nila. Bakit po ate?

M: Wala naman. Dito ka na magdinner sa bahay. May iaannounce ako sainyo eh.

J: Sige po ate. Susunduin ko din naman po si Shar maya maya.

M:Ah sige Jah. Salamat.

J: Always welcome po ate!

M: Ay oo nga pala Jah. May sinundo si Jameson sa airport kanina diba?

J: Yes po.

M: Kasi ang sinundo niya kanina is si Donny eh.

J: Nandito na po si Donny sa Pilipinas?

M: Oo.

J: Don't worry po ate Miles, ako pong bahala kay Shar and kampante naman po ako na kahit agawin ni Donny si Shar sakin alam ko naman pong ako pa rin ang pipiliin ni Shar eh.

M: Oo naman. Tyaka ininvite ko na din si Donny. Sana hindi kayo maging awkward mamaya.

J: Sure ate Miles. Ako na po bahala.

M:Sige salamat Jah. Bye

J: Bye po.

*call ended*

Hi Guys! I'm Justin De Dios. Member of SB 19. I'm 26 years old. Soon to be husband of Shar.

Hmmm.. Andito na pala si Donny ngayon sa Pilipinas. And im sure na isa sa mga dahilan ng pagbalik niya dito ay ang balikan si Shar. Pero sorry siya magiging akin na si Shar next month.

"Andito na si Donny sa Pilipinas?"-Josh

"Oo. Sinundo ni kuya Jameson kanina."

"So ano na plano mo?"-Stell

"Anong plano?"

"Plano mo kay Shar dahil nandito na si Donny na Ex ni Shar." Stell

"Hindi ko na kailangan ng plano. Kampante ako na ako ang pipiliin ni Shar." proud na sabi ko.

"Aba naman. Confident. Hahaha"-Sejun at nagtawanan kami.

"Readyng ready na ba kayong dalawa na ikasal?" Ken

"Oo naman Ken. Excited na kami parehas." Ngiting ngiti na sabi ko.

"Masaya kami para sayo Bro." Josh

"Salamat Bro. Eto na ang pinakamatagal kong hinihintay yung ikasal sa babaeng mahal na mahal ko at mahal na mahal ako." sabi ko. Hayysss.. Mahal na mahal ko talaga si Shar at alam kong mahal na mahal niya din ako. At kung may plano mang agawin ni Donny si Shar, gagawin ko lahat para lang hindi niya makuha si Shar.

"Basta Bro, ninong kami ha. Hahaha.." -Sejun

"Oo naman." sabi ko sakanila sabay kindat.

"Kaya lang hindi pa naman namin napaguusapan ni Shar kung ilan ang plano naming anak eh." pahabol na sabi ko.

"Okay lang yan Bro. Mapapagusapan niyo din yan soon." -Stell. Nginitian ko nalang si Stell. Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already 4pm. Sunduin ko na kaya si Shar.

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon