Chapter 11

39 2 0
                                    

Shar's POV

Nakabalik na kami dito sa hotel namin. Bukas napagusapan naming mag Sky Ranch sa hapon hanggang gabi. Sa umaga naman magsiswimming kami dito sa pool. Ako lang muna mag isa dito sa room namin nila Mika dahil may pinuntahan sila ni Nash. Bibili sila ng mga chips at softdrinks. Si Donny naman nandun sa kwarto nila. Nagaayos kasi magmomovie marathon kami dito sa room namin.

From: Baby 💚

Nakauwi na kayo Baby?

To: Baby 💚

Yes baby.

*Sent*

*Baby 💚 Calling*

[Shar and Justin Convo]

J: Good evening Baby! I miss you!!

S: Good evening din Baby! I miss you too!

J: Kamusta araw mo??

S: Ayos lang naman. Ikaw?

J: Masyado lang talaga akong busy kanina. Sorry baby kung hindi ko nasagot mga tawag mo tyaka hindi nakakapagreply agad.

S: Ayos lang baby. Naiintindihan ko naman.

J: Nag enjoy ka ba sa gala niyo?

S: Super Baby! Super enjoy! Ang dami naming ginawa.

J: Nakita ko nga mga pictures niyo. Mukhang masaya kayong apat na nagkasama sama na ulit kayo.

S: Yes baby. Kasi after ilang years nakapagbonding pa kami.

J: Ang ganda ng mga caption mo sa pinost mo ah. Haha..

S: Hehe.. Dinaan ko lang naman in a nice way.

J: Oo nga. Balita ko magkasama daw kayo ni Donny kanina ah. Yung kayong dalawa lang.

S: Ahh oo. Napagdesisyunan kasi nila Mika na maghiwahiwalay kami para magkamoment sila ni Nash at magkausap din kami ni Donny.

J: Ano mga ginawa niyo ni Donny?

S: Naglibot libot. Umakyat sa mga tower. Tumawid sa hanging bridge.

J: Diba may fear of heights ka? Buti kinaya mo yung sa hanging bridge.

S: Kinaya ko naman kahit na kinakabahan ako. Inaalalayan at tinutulungan naman ako ni Donny.

J: Ahh.. Yun lang mga ginawa niyo?

S: Yes baby. Why??

J: Wala naman. Ano mga napagusapan niyo?

S: Yung mga bagay at experience namin na hindi namin nakwento sa isat isa.

J: Tulad ng??

*knock knock"

"Shar?" Donny.

S: Wait lang baby ha.

Nilapag ko sa kama ang phone ko at binuksan ko ang pintuan.

"Pasok." sabi ko kay Donny.

Pumasok naman siya. Sinara ko agad yung pinto.

"Sino kausap mo?"

"Ah si Justin."

"Oh okay!"

"Upo ka muna jan. Balikan ko lang si Justin."

"Sige."

Kinuha ko ulit ang phone ko at lumabas sa veranda para kausapin ulit si Jah.

S: Hello Baby?

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon