Chapter 31

59 2 0
                                    

Shar's POV

Isang buwan na ang lumipas mula nung ikasal kami ni Justin. Wala naman nagbago sa pagsasama namin. Actually parang mas sweet kami ngayon kaysa dati. Nakalipat na din kami dito sa bahay na pinagawa ni Jah. Sila ate Miles nakalipat na din sa bahay nila. Tanging mga kasambahay at katiwala nalang ang naiwan sa bahay namin sa manila.

Ngayon ay nagaayos na kami papunta kila ate Miles. Dun daw kami maglunch sakanila para makapagkwentuhan. Nagfocus kasi kami ni Jah ngayon sa bahay at sa mga importanteng bagay. Nagmamaneho ngayon si Jah.

"Dalawang linggo na din natin hindi nakikita sila ate Miles." sabi ko.

"Oo nga eh. Nakakamiss sila." Jah.

Yung parents namin ni Jah after 1 week ng kasal namin lumipad na ulit sila pabalik ng states dahil sa business.

After ilang hours nandito na kami kila Ate Miles.  Pinark na ni Jah ang sasakyan sa tapat ng gate nila ate Miles. Bumaba na kami ni Jah. Hindi na ko nagpabukas ng pinto kay Jah. Bumaba agad ako at nagdoorbell. Si kuya Jameson ang nagbukas ng gate. Nagbatian kami nila kuya Jameson at pumasok na kami. Sajto nakatayo si ate Miles sa may pintuan nila. Medyo patakbo ako papalapit sakanya.

"Ate Miles, I miss youuu!!" Sabi ko sabay yakap kay ate Miles. Niyakap niya din ako pabalik. Nagchuckle siya then bumitaw na kami sa pagkakayakap.

"Grabe naman Shar, miss agad?? 2 weeks palang umpisa nung hindi tayo nagkita." Natatawang sabi ni ate.

"Ganun talaga ate. Hehe.."

"Hi ate Miles. Kamusta?" nasa tabi ko na pala si Jah.

"Hello Jah, ayos lang kami. Kayo kamusta may nabuo na ba? Hahahahaa.." Nagulat ako sa tanong ni ate Miles. Naramdaman kong namumula ang pisngi ko at yumuko nalang.

"Okay lang naman po kami ate. Hindi ko alam kung may nabuo na eh." natatawang sagot ni Jah. Sumingit na ko sa usapan nila dahil pulang pula na ko.

"Hindi niyo po ba kami papapasukin ate??" Nakangiting tanong ko kay Ate.

"Sus. Change topic. Hahahaha.. Sige na pumasok na kayo. Haha" at pumasok na kami. Pinaupo niya kami muna sa sofa dahil hindi pa sila tapos magluto. Si Ate ang nagluluto. Nagkwentuhan nalang kami nila kuya Jameson. Actually yung dalawa lang yung naguusap.

"Puntahan ko muna si Ate baby." sabi ko kay Jah.

"Sige baby." Tumayo na ako at pumuntang kusina.

"Hmm.. Ang bango. Anong ulam ate??"

"Oh anjan ka pala shar. Sinigang na baboy lang. Favorite mo to diba?"

"Wow ang sarap." Sabi ko.

"Maiba nga tayo Shar, kamusta ang buhay may asawa? Masaya noh?" Tanong sakin ni ate.

"Oo ate masaya. Maalaga din kasi talaga si Jah. And araw araw niyang pinaparamdam sakin na mahal niya ako. And alam mo ba ate, siya na ang hahawak ng kumpanya nila? Magtutulungan sila ng SB na hawakan yung kumpanya."

"Edi maganda. Basta ang importante lang hindi ka niya mapapabayaan."

"Parang hindi naman po ate. Hehe.. Actually nagumpisa na siya last week. Kahit na pagod siya inaasikaso niya pa din ako."

"Good. Ang swerte mo sa asawa mo. Hindi ka pinapabayaan."

"Ikaw din naman ate ah. Swerte ka naman kay kuya Jameson ah. Inaalagaan ka nga niya eh mas lalo na buntis ka."

"True. Btw, hindi ka pa ba buntis?? Medyo tumataba ka eh. Haha.."

"Po?! Hindi ate. Magaling lang talaga magalaga si Jah kaya ako nananaba. Hehe.."

"Sure ka?? Kung sabagay hindi naman agad bubunga yan. Pero ginawa niyo na ba??" Nakasmirk na tanong sakin ni ate.

"Alin ate?" takang tanong ko.

"Yung alam mo na. Hahaha.." namula ako sa sinabi ni ate. Nagets ko na ang tinutukoy niya.

"Ano??? Hahaha.." pangungulit niya sakin. Tumango naman ako na may kasamang hiya na ngiti. Ang awkward. Ayaw ko talagang pinaguusapan yung mga ganyang bagay. Hahaha..

"Edi maganda. Ano ba plano niyo?? Nagfamily planning ba kayo??"

"Oo naman ate. Kung ako tatanungin sabi ko okay na sakin yung dalawa lang. Sakanya sabi niya mga tatlo daw. Hehe."

"Ayos na yan atleast planado na." Tumango tango ako. Pinatay na ni ate Miles ang kalan.

"Ayan luto na."

"Ako na maghahain ate."

"Sige. Ikaw bahala." at naghanda na ko ng mga plato,kutsara't tinidor, at baso. Si ate Miles naman ang nagsandok ng kanin at ng ulam. After namin maghain ni ate ay tinawag na namin sila Jah at kuya Jameson. Pagdating nila sa dining area ay kumain na kami. Pinagsandok ako ng pagkain ni Jah. Habang kumakain kami ay nagkekwentuhan din kami.

After naming kumain napagdesisyunan namin ni Jah na umuwi na.

"Ate, kuya una na po kami." Jah.

"Sige Jah. Ingat kayo ha. Ingat sa pagdadrive Jah." Ate Miles.

"Opo ate." Sagot ni Jah.

Nagpaalam na kami at sumakay na sa kotse. Pinaandar na ni Jah ang kotse. Walang masyadong sasakyan ang dumadaan or bumabiyahe kaya maluwag ang kalsada.  Nagkekwentuhan kami ni Jah habang nagdadrive siya ng biglang nagiba ang facial expression niya. Parang may problema.

"Baby, ano problema??" tumingin siya sakin na mukhang nag aalala.

"Baby wala tayong preno." Alalang sabi niya habang pinipilit na magpreno.

"Ano?! Pano yan?!" Kinabahan na ako. Hindi na ko mapakali hanggang sa may intersection na kami. Napatingin kami sa kaliwa ng may bumusina malakas at malapit na samin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Naramdaman kong may yumakap sakin tapos narinig ko ang malaks na salpok. And then everything went black.








Bakit hindi ko madilat ang mga mata ko? Bakit hindi ako makagalaw?

"Pano natin sasabihin kay Shar ang nangyari?" Rinig kong sabi ni kyya Jameson. Anong nangyari??? Gusto kong itanong kay kuya kung ano ang ibig niyang sabihin pero ayaw mabuka ng bibig ko. Parang yung diwa ko lang yung gising. Anong nangyayari???

"Hayaan muna natin na gumising si Shar." Ate Miles.

Teka... Naalala ko na. Naaksidente kami ni Jah. Pero asan si Jah??? Ayos lang kaya siya??? Wala naman sanang masamang nangyari kay Jah...

"Kapag sinabi natin yun ng saktong pag gising niya baka mabigla siya." Kuya.

"Mas lalong magagalit satin si Shar pag nilihim pa natin ng matagal." Ate.

Ano ba gusto nilang sabihin sakin??

"Sige na nga. Pag gising niya nalang. Pero dadahan dahanin lang natin."

"Sige." Narinig kong napabuntong hininga nalang sila ate at kuya.

Bakit ba hindi ako makagalaw at makasalita?? Ano kayang nangyari kay Jah?? About kaya kay Jah ang gusto nilang sabihin sakin?? Please po sana safe si Jah. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sakin.

💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚

Sorry po for slow update. Hehe.. Bawi po ako. Alabyu all!! ☺💚

-MFAG

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon