Chapter 23

31 4 4
                                    

Mika's POV

Nandito kami ngayon sa parang park dito sa mall. Nakaupo kami sa isang bench.

"San kaya dinala ni Donny si Sharlene?" Angel.

"Hindi ko din alam eh."

"Grabe pala yung Justin na yun. Akala ko ba mahal na mahal niya si Shar?" Kristel.

"Sa tingin ko hindi si Jah ang may mali eh. Pwede kasing imbento lang yun ng Andrea."

"Pero bat may halik sa labi?" Aaliyah.

"Yun nga din iniisip ko eh. Wait lang. Sabi niya pinsan siya ni Josh diba? Teka lang try ko tawagan si Josh. Baka may alam siya."

"Sinong Josh?" Kristel

"Isa sa mga kaibigan ni Justin." sagot ko. Tumango tango nalang sila.

*Calling Josh*

[Josh and Mika CONVO]

J: Yow Mika.

M: Josh may tatanong ako.

J: Ano yun?

M: May pinsan ka bang Andrea Santos?

J: Yup. Why??

M: Ano relasyon nila ni Justin?

J: Relasyon?

M: Oo.

J: Wala naman. Tinuturing ni Jah na parang nakakabatang kapatid yun.

M: May gusto ba kay Jah yun?

J: Dati meron. Ngayon, di ko lang alam. Pero ang balita ko may boyfriend na daw siya sa US.

M: Weh? May boyfriend na?

J: Oo bakit?

M: Ilan taon na ba yun?

J: 21 years old.

M: Ahh..

J: Bakit?

M: Alam mo bang magkasama sila ni Jah ngayon?

J: Oo. Pinasamahan ko muna kay Jah kasi busy kaming apat ngayon. Pano mo pala nalaman na magkasama sila?

M: Nakita namin sila nila Sharlene.

J: Ahh..

M: Alam mo bang 50/50 na ang kasal ng dalawa? Bimalita na ba sainyo ni Jah?

J: WEH?! BAKIT?! ANO MERON?!

M: Wala pang binabalita si Jah sainyo?

J: Magtatanong ba ko kung alam ko. Duh.

M: Ang attitude mo din eh noh. Mana ka kay Sejun. Tsk tsk.

J: Dali na. Ano ngang nangyari?

M: Hinalikan ng pinsan mo sa labi si Jah.....

J: Ano?! Bat naman ginawa ni Andrea yun?!

M: Malay ko sa pinsan mo. Pwede bang patapusin mo muna ako.

J: Okay.

M: Good. So ayun nga hinalikan nga nung pinsan mo si Jah tapos nakita ni Sharlene yun tapos nilapitan namin si Andrea nung nagbanyo si Jah. Nagpakilala lang samin na girlfriend siya ni Jah. Eh si Shar that time pinagtago namin. Pero naririnig niya ang pinaguusapan namin. Tapos sinabi pa ni Andrea na kaya lang daw papakasalan ni Jah si Shar dahil sa popularity nito at ganda. Then ayun pagdating ni Jah kinabahan siya kasi alam niyang kasama namin si Shar. Tapos pinalabas na namin si Shar sa pinagtataguan niya. Tapos ayun nagpakilala si Shar kay Andrea na fiancè ni Jah. Then sabi ni Sharlene pag isipan daw ni Jah kung papakasalan niya pa ba si Sharlene. At kung papakasalan niya pa din si Shar kailangang magbigay ni Jah ng hundred thousand valid reasons. Then nag walkout na si Shar. Hindi niya pinag explain si Jah.

J: Pwede na ko magsalita?

M: Pwede na.

J: SERYOSO BA YAN?! ANO KAYA PUMASOK SA ISIP NG PINSAN KO AT GINAWA NIYA YON?! HUMANDA SAKIN YUN MAMAYA! PUPUNTAHAN KO TALAGA SA BAHAY NILA YAN MAMAYA!

M: Easy lang.

J: Pano ako eeasy kasal ng dalawa ang nakasalalay dito. Asan pala si Shar nagyon?

M: Hiniram muna ni Donny.

J: Alam ni Jah na magkasama ang dalawa?

M: Hindi.

J: Yare.

M: hayss.. Yun lang tinawag ko. Sige na baka busy ka.

J: Sige sige. Kausapin ko nalang si Andrea mamaya pag uwi nila. Salamat sa info.

M: Sige.

*Call Ended*

Narinig nung tatlo ang paguusap namin ni Josh.

"Ano kaya ang pumasok sa isip nung babaeng yun? May jowa na pero nagagawa pang halikan sa labi si Jah. Tsk tsk." Kristel. Napabuntong hininga nalang kami.

Justin's POV

Pag alis nila Sharlene hinatak ko si Andrea sa tagong lugar para konfrontahin.

"Ano bang pumasok sa isip mo at sinabi mo yon Andrea?!" Singhal ko dito.

"Sorry kuya Jah, nung papunta palang kasi ako sayo kanina nakita ko silang magkakaibigan kaya kita hinalikan sa labi. Pinagtitripan ko lang naman sila eh." Explain niya.

"What the... Anong klaseng pagtitrip yun???!! Kasal ko na ang nakasalalay dito Andrea! Kasal ko! Arghh!!"

"Sorry talaga kuya." pagmamakaawa niya.

"Mapapatawad lang kita kapag kinasal kami ni Sharlene. Kapag hindi natuloy ang kasal namin kalimutan mo ng may kuya Justin ka. Naiintindihan mo?!" tumango naman siya bilang pag sang ayon.

Nagulat ako nung biglang may tumawag.

*Josh's Calling*

[Josh and Jah CONVO]

JO: Dito mo dalhin sa condo si Andrea! May pag uusapan kami!

*Call Ended*

"Kakatawag lang ni kuya mo, ihahatid daw kita sa condo may paguusapan daw kayo. Mukhang naibalita na sa kuya Josh mo ang nangyari. Tsk. Bahala ka na mag explain sa kuya mo kung ano ang ginawa mo. Halika na!" at nauna na akong maglakad sa kanya. Pagkadating namin sa parking pinasakay ko siya agad at umalis agad kami.

[CONDO]

Pabagsak ang pagbukas ko ng pintuan at nakita ko sila Josh na sa sala.

"Ayan na yung pinsan mo. Alam mo na naman siguro nangyari. Ikaw na bahala sakanya." tinanguan nalang ako ni Josh at pumunta na ko sa kwarto ko at pabagsak na sinara ang pintuan.

Josh's POV

Kinonfront ko agad ang aking pinsan. Dinala ko siya sa kwarto ko at doon sinermonan para hindi masyadong marinig nung tatlo.

"Anong nakain mo at ginawa mo yun ha Andrea?!"

"Sorry kuya.."

"Sorry?! Alam mo bang kasal ng kuya Justin mo ang nakasalalay dito?! Matagal na hinintay ng kuya Justin mo to. Tapos ikaw lang makakasira?! Ano ang ginawa mo? Mag explain ka." inexplain niya naman sakin ang nangyari.

"What the... Trip mo lang?!! Yung trip mo isang relasyon ang masisira! Dapat bago mo ginawa yun pinagisipan mo muna diba?! Kaoag sinumbong ko kay tita baka ano din magawa non. Ano sabi ni kuya mo Justin sayo? Tyaka hindi biro ang paghalik sa labi Andrea! 21 ka na at alam mong hindi maganda yun kung hindi mo naman jowa ang hinalikan mo!"

"Sorry kuya. Sabi ni kuya Jah kapag hindi daw natuloy ang kasal nila hindi niya daw ako mapapatawad at kalimutan ko na daw na may kuya Justin ako." explain niya.

"Sana natuto ka na sa ginawa mo! Wag mo ng uulitin yan! Dahil isusumbong na talaga kita kay Tita!"

"Sorry ulit kuya."

"Umuwi ka na. Anjan na driver niyo sa baba." Tumango siya at lumabas na ng kwarto ko.

Hindi ko talaga alam nangyayari sa pinsan kong yon. Tsk tsk.

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon