Chapter 27

36 3 2
                                    

Jah's POV

Flashback.....

7 years ago...

3rd year college na ko. Nagtransfer ako dito sa isang university na malapit sa condo ko. Dahil nasa america ang lahat ng relatives. Lumipas ang mga araw nagkaroon na din ako ng kaibigan. Sila Sejun, Josh, Stell, at Ken. Kami kami nalang lagi ang magkakasama. Meron akong isang magandang babaeng kaklase sa karamihan ng mga subjects ko. Hindi ko ineexpect na makakaramdam ako ng ganitong feeling. Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan kahit sa malayo. Lagi niyang kasama ang tatlong kaibigan niya.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko kila Ken.

"Sino si Sharlene?" Josh.

"Sharlene pangalan niyan." Sejun.

"Ang ganda niya." Sabi ko.

"Maganda talaga yan. Madaming nagkakagusto jan. Kaya lang may boyfriend na yan." Ken.

"Meron na?"

"Oo. Si Donny. Yang matangkad. Hindi mo ba napapansin na sweet sila sa isa't-isa. Tyaka yung loveteam nila ang pinakasikat dito sa campus." Stell.

"And bali-balita na magpopropose na daw si Donny once na gumraduate na sila ni Sharlene." Ken.

"Ahh okayy.."

Umpisa nun lagi kong iniistalk si Sharlene. Hanggang sa nahulog na talaga ako sakanya. Nagkakausap naman kami kadalasan kapag nagiging magkagrupo kami sa mga activities. Pero hindi pa kami ganun ka close.

5 years ago...

1 taon na ang nakalipas umpisa ng gumraduate kami. Stay strong pa din sila Donny at Sharlene. Hanggang sa sinabi sakin nila Ken na sinugod daw sa hospital si Sharlene dahil hindi na daw nagkakakain at laging nagkukulong sa kwarto. Kahit ang dalawang kaibigan niya walang magawa.

"Anong nangyare? Bat daw siya nagkaganon?" Tanong ko kila Ken. Nakatira na din kasi kami sa iisang condo ngayon. Parang magkakapatid na din kasi turingan namin.

"Sabi ni Mika nahuli daw ni Shar si Donny sa Canada na may kahalikang babae. Pumunta ng Canada si Shar para bisitahin si Donny. Hindi niya ito sinabi kay Donny para surprise. Pero siya ang nasurprise." Ken. Close kasi sila Mika at Ken noon pa man.

"Talaga ba?? Nagawa pang lokohin ni Donny si Sharlene?" Sejun

"Oo nga eh. Kahit ako hindi makapaniwala dahil grabe ang pagmamahal ni Donny sakanya." Ken.

"Saang Hospital siya dinala?" tanong ko.

"Sa St. Lukes." Ken.

"Sige sige Salamat." At kinuha ko ang susi ng sasakyan at lumabas ng condo. Pumunta ako ng parking, sumakay sa kotse ko at nagmaneho papuntang St. Lukes. Pero nung may nadaanan akong nagtitinda ng mga prutas huminto ako saglit oara bumili. After 30 minutes nandito na ko. Tinanong ko sa information desk kung saang room si Sharlene. Pagkasabi ng room number ay pumunta agad ako bitbit ang mga prutas na dala ko.

Pagpasok ko sa loob naabutan ko yung ate niya siguro to.

"Good afternoon po." Nakangiting bati ko. Tulog si Sharlene.

"Hello. Good afternoom din. Sino ka?" nakangiting tanong sakin.

"Ahm ako po si Justin De Dios. Kaklase ko po si Sharlene nung college. Hehe.. Prutas po pala." Sabay abot kay ate ng prutas.

"Nako salamat. Nag abala ka pa. Ako nga pala si Miles. Ate ni Sharlene. Maupo ka." Inilagay ni ate yung prutas sa lamesa at umupo naman ako.

"Kaklase ka pala ni Sharlene dati."

"Opo. Hehe.."

"Pano mo nalaman na andito si Sharlene?"

"May nakapagsabi lang po sakin. Hehe.. Naging mabuti po kasing kaibigan si Sharlene po sakin kaya naisipan ko pong bisitahin."

"Ow okayy.."

Maya maya ay nagising na si Sharlene.

"Ate, tubig po." nanghihinang sabi ni Sharlene. Tumayo ang ate niya at kinuhanan siya ng tubig. Tinulungan din ni ate Miles si Shar na makaupo at tyaka niya inabot ang tubig.

"Sharlene may bisita ka. Kaklase mo daw nung college. Si Justin." sabi ni ate Miles. After uminom ni Shar ay napatingin siya sakin. Nginitian niya ko at nginitian ko din siya.

"Hi." bati ko at lumapit sa kama niya.

"Hi. Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka lang. Hehe."

"Ow okayy. Salamatt.. Hehe.."

"Kamusta ka na?"

"Ayos lang naman na. 1 year na din tayong hindi nagkita ah since nung gumraduate tayo."

"Oo nga eh. Parehas na din kasi tayong naging busy after graduation."

At nagkwentuhan pa kami ng kung ano anong mga bagay.

Halos araw araw akong dinadalaw siya. Kahit nakalabas na siya ng hospital dinadalaw ko pa rin siya sa bahay nila. Nagiging close na din kami ng ate niya. Nakilala ko na din ang mga parents nila. Nakilala na din siya ng mga parents ko at mga kuya ko.

Hanggang sa naramdaman kong nahuhulog na din siya sakin. At dun ko napagpasiyahan na ligawan siya.

After a year sinagot niya na ako. Sobrang saya ko that time.

Nung kinasal ang ate Miles niya. Sa reception ay sinurprise ko siya ng proposal. Kinutsaba ko ang ate niya, friends niya, at ang mga relatives niya. I am so happy when she said yes. That was the happiest day in my life. And dun ko sinabi sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan at gustong gusto ko na siyang makasama habang buhay. She is the best blessings that I have. I really really loved her so much. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sakin.

End of Flashback...

Matagal ko siyang pinangarap. Kaya hindi pwedeng walang patutunguhan to. Matagal kong hinintay ang ikasal kami. Kaya hindi ako papayag na dahil sa trip ng pinsan ni Josh ay masisira ang kasal ko. No way. No freakin way. Mas lalo na andito si Donny. Baka makuha niya si Shar sa isang pitik lang.

*Knock knock*

"Pasok."

"Jah tara na. 5:30 na." Stell.

"Sige. Sunod ako." lumabas na siya ng kwarto ko.

Tumingin ako sa salamin at tinignan ang itsura at suot ko. Ayos na to. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Donny....

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon