Chapter 28

39 1 0
                                    

Shar's POV

Sinundo kami ni Ate nila Mika. Nasa byahe na kami ngayon papuntang venue.

Time check: 6:30 pm

Nandito na kami sa venue. Andito na din sila Kristel, Aaliyah at Angel.

"Buti andito na kayo." Angel

"Medyo natraffic kami."

"Ow okayy.." Kristel.

"Tara na. Let's start the Partyyyy!!!" Aaliyah.

"Let's Gooooo!!" Mika.

At nagsimula na kaming mag party party. May mga beer. Kahit na anim lang kami. May videoke din. Basta nagkakasiyahan na kami.

Jah's POV

Time Check: 6:00pm

Pagdating namin wala pa yung tatlo. Kaming lima ang unang dumating. After ilang minuto dumating na din yung tatlo.

"Sorry nalate kami. Traffic kasi." Nash.

"Okay lang." Sagot ko. Nakipag bro fist ako kay Nash at kuya Jameson. Tinanguan ko lang si Donny. Ganun din ang ginawa nung apat.

"Tara umpisahan na natin!" Stell.

"Sige mag umpisa na kayo. Kailangan ko munang makausap si Donny. Enjoy yourselves." Nakangiting sabi ko sakanila.

"Donny, pwede ka bang makausap?" Tanong ko kay Donny.

"Okay." Nauna ng maglakad si Donny palabas. Maglalakad na sana ako ng pigilan at binulungan ako ni Sejun.

"Jah, control yourself okay? Baka mas lalong magalit sayo si Sharlene."

"Oo naman. Hindi naman ako makikipagsuntukan. No need to worry. Kakausapin ko lang ng masinsinan." Tinanguan nalang ako ni Sejun at sinundan ko si Donny.

"Bat mo ko gustong makausap?" Donny.

"Wala naman. Gusto ko lang itanong kung ano ang mga sinasabi mo kay Shar sa panahong magkaaway kami ngayon?"

"Kung iniisip mo na sinusulsulan ko si Sharlene para mapunta siya sakin, nagkakamali ka ng iniisip. Dahil kahit masakit sakin tinutulungan ko pa rin kayo mag kaayos."

"Tinutulungan nga ba? Or lalong sinisira?"

"Isipin mo na kung ano gusto mong isipin Justin. Basta ako sinabi ko kay Sharlene, kung ano man ang maging desisyon niya at wala siyang magiging regrets susuportahan ko siya. As long as masaya siya."

"Bakit ka ba kasi bumalik pa??"

"Sige inaamin ko, bumalik ako para bawiin si Sharlene dahil naging kampante ako na mahal niya pa din ako. Pero pagbalik ko pala may nagpapasaya na siyang iba. Tiniis ko ang limang taon na hindi siya nakikita at nakakausap."

"Kasalanan mo din naman kung bakit sakin siya napunta. Kung hindi mo siya niloko noon baka nasa sayo pa siya ngayon." sabay smirk.

"Hindi ko siya niloko."

"Talaga ba? Bakit ka niya nahuling may kahalikang babae sa Canada nung sinurprise visit ka niya? Kasi imbis na ikaw ang masurprise, siya ang nasurprise."

"Si Kisses ang humalik sakin..." diko siya pinatapos.

"Pero hindi ka man lang pumalag."

"Pumalag ako..."

"Pumalag ka kung kailan dumating si Sharlene."

"Saktong pagdating ni Sharlene ang paghalik sakin ni Kisses."

"Pero 5 seconds kayo tinignan ni Shar so 5 sa loob ng 5 seconds hindi ka man lang pumalag."

"Paano ako papalag kung nasa state of shock pa ko."

"Oh talaga ba?? Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"

"Edi wag kang maniwala. Ang importante sakin si Shar maniwala hindi ikaw. Tyaka nagsalita ang walang kahalikang iba. Diba nahuli ka din ni Sharlene na may kahalikang iba kaya nagdadalawang isip si Shar na pakasalan ka ngayon?" nakasmirk na sabi niya. Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Justin control yourself. Magagalit lalo sayo si Sharlene.

"Tyaka mahal na mahal ko si Shar 6 years din naging kami. Sa tingin mo papakawalan ko lang siya basta basta."

"Kung mahal mo talaga siya bat mo pa pinalipas ng limang taon?"

"Dahil may mga kailangan akong asikasuhin sa Canada. Tinapos ko agad lahat ng yon para mabalikan siya agad."

"Pero sorry ka nalang Donny, dahil wala ka ng babalikan. At ito ang tatandaan mo Donny kapag hindi natuloy ang kasal namin ni Sharlene sa susunod na araw, tandaan mo hahanapin kita kahit san ka man magtago mas lalo na pag sumama sayo si Sharlene." Pagbabanta ko sakanya at pumasok na sa loob.

Pagpasok ko kinamusta agad ako nila Sejun. Sabi ko okay lang ako. Sinabayan ko na sila sa pag inom.

Donny's POV

Ang kapal ng mukha niya sabihin sakin yon. Natahimik din naman siya nung sinabi kong may kahalikan siyang ibang babae. Okay lang sana kung malinis siya kaso hindi eh. Yun nga yung dahilan kung bakit 50/50 ang kasal nila ngayon ni Sharlene.

Pumasok na din ako sa loob at nagkatitigan kami ng masama na dalawa. Tumabi na ako kay Nash. Tinanong ako ni Nash at Kuya Jameson kung okay lang ba ako, sabi ko okay lang ako.

Goodluck nalang sayo Justin hindi ko mapigilan ang mapasmirk sa sinabi ko.

Shar's POV

Umiinom na kami ngayon.

"Buti nakapunta ka Sharlene. So ibig sabihin ba nito itutuloy mo ang kasal kay Jah?" Kristel. Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa din ang bagay na iyan.

"Hindi ko alam." sagot ko.

"Hindi mo na ba mahal si Jah?" Aaliyah

"Mahal. Mahal na mahal."

"Oh mahal na mahal mo naman pala eh. Ituloy mo na ang kasal. Kaysa naman sa imomove niyo maghihintay nanaman kayo." Mika

"Tyaka hayaan mo ng magexplain si Jah. Sige na. Pagbigyan mo na. Kaysa sa mawala lahat ng pinaghirapn niyo." Angel.

"Pano mag eexplain si Jah, hindi sila pwedeng magkita bukas. Nasa pamahiin na kasi namin na bawal magkita ang ikakasal the day before the wedding. Baka lalong hindi matuloy ang kasal. Tyaka yung gown mo Shar hindi naman nakita ni Jah diba? Binilinan na kita bago kayo magpasukat nun." Ate Miles.

"Opo ate hindi ko po pinakita." sagot ko.

"Good. Kahit hindi man naniniwala yung iba, wala namang masama kung sundin nalang ito diba? Para sure."

"Kung sa bagay po ate." Miles, Angel, Aaliyah.

"Basta hihintayin ka namin sa kasal sa susunod na araw. Wag mo kaming bibiguin Sharlene. Dahil magagalit kaming lahat sayo." Mika. Hindi ko nalang sinagot. Nagparty party na ulit kami.

[Kinabukasan]

(The day before the Wedding)

Nagmumuni muni ako ngayon dito sa kwarto ko ng biglang tumunog ang phone ko.

From: Baby 💚

Baby kooo... Sorry naaa.. Let me explain pleasee.. Hihintayin kita bukas sa kasal kahit anong mangyari. Sana sumipot ka. I love you so so much! I miss you so much! 💚

Bukas na... Pupunta ba ko or hindi? Bahala na.

*tok tok*

"Pasok po."

"Shar, bat di ka pa ayos? Pupunta na tayo sa hotel." tama ang rinig niyo dahil bukas na ang wedding kailangan na namin pumuntang hotel sa bataan para malapit nalang sa kasal. 

"Hindi ka ba talaga aattend Shar? Masasayang yung pinaghirapan at pagmamahalan niyo." Hindi ako makasagot kay Ate. Bahala na.

Comeback to me, My Love (SharDon and SharTin Fan-Fic) Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon