Chapter 8
Para patunayan na seryoso ako, hindi ako dumalo sa Oktoberfest kahit pa katakut-takot na pamimilit ang ginawa nina Czeila at Princess. Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pangungulit nila sa text at chat at nilulong na lang ang aking sarili sa pag-e-edit ng mga manuscript.
Lately, I've been so distracted by what was happening in my life that I've lost concentration on my work. At ngayong unti-unti nang lumilinaw ang utak ko at nababawasan na ang mga iniisip, saka ko lang namalayan na natambak na pala ang mga manuscript na kailangan kong ayusin. Sa susunod na linggo na ang deadline ng naunang limang manuscript at nasa kalahati pa lamang ako ng pangalawang libro.
Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ring madali akong ma-distract kapag maingay sa paligid ko kaya lagi akong maagang nagpupunta sa APH para makapagtrabaho nang maayos. Kapag maingay, pakiramdam ko ay nariyan si Jed. Kapag naririnig ko ang boses ni Aphrodite ay napapalingon ako kasi pakiramdam ko ay dumating si Jed. As much as possible, ayoko muna talaga sana siyang makaharap ngayon.
"Waiting for someone, Ate?"
Nang marinig ko ulit ang boses ni Aphrodite ay saka ko lang namalayan na natulala na pala ako sa elevator.
Inirapan ko ang kasama kong nakangisi. As if I'd wait for Jed. Sinisiguro ko lang na huwag muna siyang magpapakita sa akin ngayon. Kinakabahan pa naman ako dahil tapos na ang Oktoberfest kaya ang ibig sabihin ay marami na naman siyang oras. Kapag ganito pa namang tapos na ang mga gigs o activities nila ay lagi siyang sumusulpot na lang bigla.
But Czeila mentioned once that she thinks Lyricbeat is currently preparing for a new album. I hoped so. Sana naman ay mas lalo pa siyang maging abala muna para kapag nagkita man kami bigla sa susunod, hindi na ganoon ka-awkward.
He had been flooding me with texts, though. Walang palya at halos araw-araw maliban na lamang kung alam kong abala talaga siya. Nagre-reply naman ako pero kapag importante lang. If it was about us, no comment. Ayokong pag-usapan namin iyon dahil alam kong mauuwi na naman iyon sa pangungulit niya.
Nasa pangatlong manuscript na ako nang makaramdam ako ng gutom. Nang tumayo ako ay nakita ko ring tumayo si Aphrodite at tumingin sa akin.
"Finally, nakaramdam ka na rin ng gutom." Itinuro niya ang wall clock. It was one in the afternoon when I looked at it. "I was waiting for you, Ate."
Isinukbit niya agad ang kanyang braso sa akin at sabay kaming umakyat patungo sa cafeteria. "Wala ka yata sa mood ngayon?" nag-aalangang puna niya.
"Hindi na iyan bago," tipid na sabi ko habang nakatingin sa repleksiyon namin sa pinto ng elevator. Kumunot ang noo ko nang mapansing nagsisimula na namang kumulot ang aking buhok. My hair was naturally curly, like Taylor Swift's. Jed loves every curl, but I hate them to death because I look more like my mother. Kaya regular na pinapa-straight ko iyon.
I should probably go to a salon soon.
Marami ang nag-late lunch kaya mahaba ang pila sa counter nang makarating kami. Tahimik akong pumila habang nagkukuwento si Aphrodite tungkol sa bagong book cover na ginagawa niya. Hindi sila magkasundo ng bagong writer at aniya'y kinailangan pa niyang pumunta sa isang isla para lang masunod ang gusto nitong illustration.
When the sun meets the ocean, the new writer said, which reminded me of where I came from. And it's ticking me off more now.
Malapit na kami sa counter nang tumunog ang aking cellphone. It was Jed. Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako sa pagsulpot ng pangalan niya sa screen niyon kahit ugali na talaga niyang tumawag nang bigla-bigla.
Pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig ko sa kanyang pangalan habang kunot-noo, sinagot ko iyon dahil baka importante.
"Heartbeat ko!" masayang bati niya agad.
BINABASA MO ANG
Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)
General FictionSuarez Series I: Rhyne's Heartbeat A book about healing. Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light. While Kazandra May Rhyne Sandoval - his best friend - is darker than dark and colder than cold. Wh...