Chapter 14
"Kazandra, can we talk?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Tita Bridgette. I saw how her eyes shifted to the box of chocolates on my table.
Ibinalik niya rin agad ang tingin sa akin. "In my office?"
I figured that it was an important matter kaya sumunod ako sa kanya papunta sa opisina. "What is it, Tita?"
Naupo siya sa swivel chair sa likod ng kanyang lamesa at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
Napakunot-noo ako sa pagtataka.
"Something is... different with you these days," hindi niya napigilang puna. Nang matanto ang sinabi ay napailing-iling siya. "Never mind."
"Maybe it's the chocolates, Tita. They said tumataba raw ako nang kaunti. I'm trying to cut down on my caffeine intake, pero napaparami naman ako sa tsokolate." Halatang nagulat siya sa pagkukuwento ko pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. "Ano ba'ng pag-uusapan natin, Tita?"
Tungkol ba iyon sa ayaw kong mangyari sa book cover?
Naguguluhan man ay sumagot siya. "It's about your... ancestral house in Orazon."
Napabuntong hininga ako. "Umatras ba ang buyer?" bigong tanong ko.
"No," sagot niya sabay iling. "No, Kazandra. It was already paid, and the house title and the other documents were already transferred to his name."
Nakahinga ako nang maluwang sa ibinalita niya. "Then that's good news, Tita. What else is there to talk about?"
Napatikhim siya. "Ayaw mo ba'ng malaman kung sino ang bumili?"
Umiling ako agad. "No. Ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa bahay na iyon. Ayoko nang malaman, Tita."
Nakakaintinding tumango siya saka muli akong pinagmasdan nang makahulugan. "Don't eat too much sweets, Kazandra. Hindi lang caffeine ang masama sa katawan kapag napasobra. Too much sugar is also not good."
Nagtataka man ay napatango na lamang ako. Tahimik na bumalik ako sa aking cubicle at nagpatuloy sa trabaho.
"Masaya tayo ngayon, ah?" puna sa akin nina Dinn at Aphrodite.
Tinaasan ko sila ng kilay.
"Of course, wala na siyang pagseselosan." Nang hindi ako nag-react ay nagpatuloy si Aphrodite. "Hindi mo alam?"
Kumunot na ang noo ko. Ano'ng hindi ko alam?
"You have a celebrity boyfriend kaya dapat ay nakikibalita ka rin sa mga nangyayari sa buhay niya."
"Hindi na raw kailangan, Ate Dinn. Kasi malalaman din naman niya nang diretso galing mismo sa boyfriend niya. I mean, ex." Humagikhik pa ito.
"Ano nga'ng hindi ko alam?" naguguluhan nang tanong ko.
"Naunahan ni Agori si Kuya Asher. She released a statement on her social media accounts saying that Kuya Asher isn't her boyfriend. She told the fans not to worry because she is married already to the love of her life."
Naliwanagan ako sa narinig. Base nga sa huling kabanata ng kanyang manuscript, parang ganoon nga ang ipinahiwatig niyang nangyari. So that means Adam survived, right? I hoped so.
"Napaghahalataan naman talaga, Ate. Ang saya mo agad," pangangantiyaw ni Aphrodite.
Napairap na naman ako. I wasn't thinking about Jed! I was thinking about Gabbie, whom I believed was the real Agori, and Adam!
"And then, guess what Asher said in his latest interview? He doesn't have a girlfriend," pagpapatuloy ni Dinn.
My attention automatically shifted to that. Napakunot-noo ako.

BINABASA MO ANG
Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)
Ficção GeralSuarez Series I: Rhyne's Heartbeat A book about healing. Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light. While Kazandra May Rhyne Sandoval - his best friend - is darker than dark and colder than cold. Wh...