Chapter 12
Matagal na nakabawi si Jed sa ginawa kong biglang paghalik sa kanya.
At nang sa tingin ko ay sapat na iyon para pakalmahin ang sistema ko sa nagbabadyang panic attack, bibitaw na sana ako ngunit bigla niya akong hinapit sa baywang. Nanlaki ang mga mata ko.
Tinugon niya ang aking mga halik nang mas mariin at malalim habang humihigpit ang yakap, tila ayaw na akong pakawalan.
I closed my eyes when I felt the fire he ignited within me intensify. Mas lalo akong tumingkayad para maabot siya at mahalikan nang maayos. I snaked my arms around his nape to pull him closer. Kahit dikit na dikit na kami ay tila hindi pa rin iyon sapat. Hindi pa rin ako makuntento. Kulang pa rin.
Natigilan lang kaming dalawa nang biglang bumuhos ang ulan. Kumabog nang husto ang puso ko nang matanto ang ayos naming dalawa. Agad kong binawi ang aking mga kamay at akmang kakalas na sana sa kanya ngunit humabol siya ulit ng halik. But unlike his kisses earlier, this time, it was swift.
Tinitigan niya ako na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko, sa ginawa naming dalawa.
My face heated up as I realized it also. Mabuti na lang at madilim at malakas ang ulan kaya hindi niya mapapansin ang pamumula ko.
Hindi na kami nagkibuan pagkatapos niyon. Hindi namin iyon pinag-usapan nang pumasok kami sa elevator. Pareho pa kaming nagulat nang pagbukas ng pintuan ay nadatnan namin sina Aphrodite na nasa August Hall pa rin. Ang akala ko ay kanina pa natapos ang party at nagsiuwian na ang lahat.
"Nasa rooftop pala kayo, Ate. Basang-basa kayo ng ulan! Umuwi na kayo, Kuya, at kami na ang bahala rito," pagtataboy niya sa amin.
Wala pa rin kaming imik nang tuluyan nang makababa at makalabas ng building. Saka ko pinagsisihan na hindi ko dinala ang motorbike nang makita ko ang kanyang sasakyan. It was past midnight already at madalang na ang taxi at Grab kaya wala akong choice kundi magpahatid sa kanya.
He turned on the heater as soon as we got inside his car. Hinubad ko na ang basang coat na suot ko para mas maramdaman ang init. Nakatulong iyon sa panlalamig na nararamdaman ko.
Napapikit na lang ako nang tanggalin niya ang mga butones ng suot niyang polo. Sunod na naramdaman ko ay ang pagpatong niya ng makapal na jacket sa akin.
Dahil madaling araw na, wala na kaming nakasalubong na traffic sa daan. Mabilis kaming nakarating sa bahay.
Naunahan niya ako sa pagbaba at hindi na lamang ako umangal nang pagbuksan niya ako ng pinto.
"Are you sure you're okay now? I mean, I..." Natigilan siya pagkatapat namin sa pinto ng bahay, saka bumuntong hininga. "I don't think I can leave you alone tonight after what happened."
After what happened...
Was he referring to my sudden breakdown or... the kiss?
'Tangina.
Nag-iinit na naman ang mga pisngi ko sa tuwing naaalala iyon. I kissed him first and he... kissed me back harder... 'Tangina talaga.
"Let's go inside," mahinang sabi ko.
Marahas na napaangat siya ng tingin.
"I mean, you should change. You have spare clothes inside, so... you should change. You're still wet." Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Nanliliit ako sa mga naiisip kong kamunduhan at pakiramdam ko, bawat sabihin ko sa kanya ay may double meaning.
We just kissed, at ganito na ako agad kamanyak? For goodness' sake! Hindi naman iyon ang unang halik namin. Hinalikan din naman niya ako noong hiwalayan ko siya pero bakit parang iba ngayon?
![](https://img.wattpad.com/cover/237696762-288-k214613.jpg)
BINABASA MO ANG
Rhyne's Heartbeat (SUAREZ SERIES I)
Ficción GeneralSuarez Series I: Rhyne's Heartbeat A book about healing. Asher Jed Nam Suarez, the fourth of five Suarez siblings, is the epitome of warmth and light. While Kazandra May Rhyne Sandoval - his best friend - is darker than dark and colder than cold. Wh...